"Vincent!!!" tawag ko sa kanya pero hindi siya lumilingon patuloy padin siya sa paglalakad
"Vincent!!!" sigaw ko ulit
"Kanina pako sa park tapos nagpapahabol pa to kainis!" bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo upang mahabol siya
Hinila ko siya nung maabutan ko nabigla ako kasi ibang tao pala
"He-he h-hi k-kuya" nauutal pako sa sobrang hiya kinakabahan ako sa ginawa ko
"Miss ano ka ba, wag kang namemerwisyo! Makita pa to ng girlfriend ko maghiwalay pa kami" sigaw ni kuya saakin
"Sorry po kuya, akala ko po kasi ikaw yung kasama ko." sagot ko sa lalaki
"Akala mo lang yun, akala mo siya na hindi pa pala" banat naman niya
"Ay si kuya grabe maka hugot sige po sorry po bye" sagot ko sabay takbo
"Nakakahiya ako, grabeee ihh. Ang tanga tanga naman kasiii ihh" sabi ko sa sarili ko habang nagmamaktol e nakakahiya naman kasi yung ginawa ko pano ba naman kasi si Val ang tagal kainis.
Iiyak nako dito sa sobrang tagal na paghihintay alam naman niya na ayaw ko nag hihintay. Ano ba naman kasi si Val e
"Hayyy" tumingala ako pagkarinig ko sa bugtong hiningang yon
"Vaaaaaal!! Hmpp bakit ang tagal mo ha?!! Diba alam mong ayaw kong naghihintay!! Pinaghintay moko ng 2 hours nakakaini ka alam mo yun ha?!! Naiiyak nako dito tapos ikaw ang taga tagal mo hmPp!! Tas hinabol ko pa yung lalaki na akala ko ikaw napahiya pa tuloy ako!! Tapos sobrang daya da-" hindi ko na natapos ang sasapihin ko ng bigla niya akong niyakap
"I'm sorry" saad niya
Yun lang ang sinabi niya pero hindi ko alam bakit iba yata ang epekto non saakin kasi kilala ko si Vincent never siyang magsosorry. Naiiyak ako, hindi ko alam ang sasabihin ko parang nanghihina ako. Hinayaan ko nalang na yakapin niyo ko habang pinipigilan ko yung luha n pumatak sa mga mata ko.
Pagkatapos ng ilang minuto kinalas na niya ng pagkayakap sa akin, hindi ko alam ang saya saya ko nung nakita ko siya pero parang mas nangingibabaw yung sakit ng dahil sa sorry niya o siguro nga nababaliw lang ako kakaisip kasi nga late siya baka doon nag sosorry pero hindi e yung way kung paano niya ako tingnan ngayon yung parang ang daming sinasabi ng mga mata niya hindi yan yung mga mata na lagi kong nakikita. Nasasaktan ako, nasasaktan ng sobra sa hindi ko alam ang dahilan.
Dahan dahan siyang lumapit at hinalikan niya ang noo ko. Napapikit ako sabay agos ng mga luha sa mata ko na hindi ko na napigilan. Kahit andami kong gustong itanong wala pa din akong lakas na magsalita o magtanong
Niyakap niya ako ulit at tumalikod nalang saakin at naglakad siya papalayo. Tinitigan ko lang ang papalayo niyang bulto habang umiiyak. Nang mawala siya sa paningin ko tumingin ako sa langit, wala ang mga bituin
"V-Val" tsaka bumuhos ang napakalakas na ulan. Napaupo na lang ako hindi ko inalintana ang ulan. Tiningnan ko ang ginawa ko para sa kanya dahil sa wakas marunong na din ako mag pinta dahil sa mga turo niya.
Umiyak ako ng umiyak sa park hanggang sa diko namalayan na nakatulog na pala ako doon
BINABASA MO ANG
WHAT IF WE REWRITE THE STARS
RandomSerenity Ivy Gomez ang babaeng mabababa ang paniniwala sa kanyan sarili. Pinaniniwalaan niya na kaya niya lang gawin ang lahat ng bagay ngunit hindi siya magaling sa mga ito. Failure kung ituring niya ang sarili niya. Kapag sinabi ang isang bagay sa...