"Alyy, saan ba tayo pupunta ha?" Tanong ko sa bestfriend ko kababata ko to, kapatid siya ni Val. She is Alaynna Lyneth and yung kakambal niya naman ks Alaynna Loisse. Aly ang nickname ni Lyneth while Laura naman ang kay Loisse, bakit? Hindi ko alam hahaha. Kaya ko pala hindi nakikita si Val nung bata is nasa Canada siya. Hindi ko lang alam why.
"Sandali naman, sabi kasi ni kuya Vince dalhin daw kita dito tapos iiwanan kita HAHAHAHA" sabi niya na naguluhan ako
"Bakit moko iiwan Aly? Dimo na ba ako love?" Paawa effect ko, syempre magaling tayo sa mga ganyan. Sana naman maawa.
"No Siv, hindi ako maaawa sayo ngayon. Duh, may book kayang suhol si Kuya Vince kaya titiisin muna kita" grabeee wala akong panlaban sa libro. Yes, we both love books.
"Aly naman, ate mo pa rin ako duh. Kaya dapat hindi mo ako iniiwan" paki usap ko nang biglang tumunog ang phone ni Aly. Lumayo siya ng konti, tiningnan niya ako tsaka tumakbo.
"ALYYYY!!!" sigaw ko habang tinatanaw siya. Grabe naman anong gagawin ko dito. Inilibot ko ang tingin ko sa parke na kung saan ako dinala ni Aly. Grabe ang daming bulaklak, sumasaya nanaman ako. Pero mas gusto ko talaga ang tulips, kaso mahirap hanapin.
"Siv" napahinto ako sa pagtingin sa mga bulaklak ng may tumawag mula sa likuran ko. Pagharap ko, I saw Val. All smiles. Grabe ang gwapo, ang ganda pa ng mata. Hayyy
"Siv, for you" sabay abot ng tulips na ikinagulat at ikinatuwa ko
"Thank you Val!!!" Sa sobrang tuwa ko hindi ko namalayan na nayakap ko na pala siya ng sobrang higpit.
"Ah eh sorry sorry, natuwa lang kasi ako. Salamaaaat" masayang sambit ko na ikinangiti naman niya na abot hanggang mata
"Alam mo Val, dapat lagi kang ngumingiti, ang pogi mo kaya" saad ko na ikinapula niya, halaa ang cuteee
"Tara na nga, may pupuntahan tayo" saad niya tsaka ako hinila
"Saan tayo pupunta Val?" tanong ko habang nagpapatianod sa paghila niya
"Secret" sagot naman niya. Tumahimik nalang ako habang tinitingnan ang tulips na hawak ko at ang kamay namin na magkahawak
Nakarating kami sa isang lugar na hindi ako pamilyar, pumasok kami dito at namangha ako dahil an daming paintings. At may iisang pirma sa gilid ng mga ito, hindi nawawalan ng stars and mga paintings kaya naman tuwang tuwa ako na makita ang mga ito"
"Val? Ikaw lahat gumawa ng to? tanong ko habang nakatingin pa din sa mga paintings
"Ah oo" sagot niya "Pag wala akong ginagawa, pag na dedepress ako dito lang ako pumupunta nagpe paint" dagdag pa niya
"Pero ang gaganda ng mga paints mo, tsaka halatang masaya ang mga ito, so parang di ako naniniwala na nadedepress ka" sambit ko
"Syempre ikaw ang inspirasyon ko" banat niya na ikinapula ko
"Val naman!" sambit ko na tinatakpan ang mga pisngi ko
"Anong gagawin natin dito Val?" Tanong ko at pag iiba ko ng usapan
"Tuturuan kita mag paint" sagot niya na ikinatuwa ko
"Wooooow sige sigeee" masayang sagot ko
Sinuot niya muna ang apron sa akin at nagsimula na niya akong turuan. Andami niyang tinuro sa akin, naiintindihan ko pero hindi ko magawa. Hindi nakikipag ugnay ang kamay ko sa mga turo niya. Mawawalan na ako ng pag asang matuto.
Nilapitan ako ni Val dahil nakikita niyang nastress nako
"Ayos ka lang Siv?" Nag aalalang tanong niya. Nagsimulanh tumulo ang mga luha ko na ikina alarma niya
BINABASA MO ANG
WHAT IF WE REWRITE THE STARS
CasualeSerenity Ivy Gomez ang babaeng mabababa ang paniniwala sa kanyan sarili. Pinaniniwalaan niya na kaya niya lang gawin ang lahat ng bagay ngunit hindi siya magaling sa mga ito. Failure kung ituring niya ang sarili niya. Kapag sinabi ang isang bagay sa...