Nagising ako sa isang kwarto na puti lahat hanggang sa makita ko si Mommy at Daddy. Nilapitan ako ni Mommy at niyakap
"Anak, kahit labas sa kalooban mo ipinatanggal ko ang mga memorya na naubo sa imahinasyon mo" sagot niya
Ngunit naaalala ko padin si Val hindi ko alam bakit. Kaya ngumiti na lamang ako kay Mommy at niyakap siya
Makalipas ang ilang araw nakauwi na kami dahil bumuti na daw ang lagay ko.
Umaattend na din ako sa mga therapy ni Doc. Hindi na ako nanggugulo para hanapin si Val dahil napapanagipan ko parin siya at tinutulungan niya pa din ako na lumaban
Last session ko na to kay Doc Scheherazade na hanggang ngayon ay hirap pa din akong bigkasin ang pangalan
"Congratulations Serenity Ivy, natapos na ang laban mo sa depresyon na kinakaharap mo" saad niya ng nakangiti
"Salamat po Doc dahil hindi mo ako sinukuan madaming beses akong nagsinungaling at tumakas pero ikaw pa ang humahanap ng paraan para matulungan ako. Napakabait po Ninyo" sambit ko ng may tuwa
"Naku Siv, syempre trabaho ko iyon. Alam ko Siv na hindi pa rin siya nawawala sa isipan mo. Paalala ko lang na hindi siya totoo at gawin mo nala mang siyang inspirasyon sa laban mo sa buhay at magtiwala ka parati sa Panginoon" paalala niya
"Opo Doc Scheherazade tatandaan kopo lahat ng mga sinabi ninyo Maraming Salamat po" saad ko
"Sa wakas na bigkas mo din ang pangalan ko, maraming salamat din dahil may mga natutuhan ako sayo lalo na ang pagtitiwala" sambit niya
"Natutuhan kopo sakanya yun Doc" saad ko tsaka nagpaalam na kay Doctor Scheherazade
Nagtungo ako sa Art Class upang matuto sa pagpinta dahil alam kong ang pagpinta ang magkokonekta sa aming dalawa
Naging masaya ako sa mga araw na nagpipinta dahil siya pa rin ang mga naaalala ko. Madami akong nakukuhang awards sa class namin dahil natandaan ko padin ang mga tinuro niya
Makalipas ang tatlong taon isa na akong ganap na pintor. Bukas na magbubukas ang Museum na ipinagawa ko para sa mga paintings ko
Gusto ko kasing ibahagi sa iba ang mga likha ko at sa mga likhang iyon nakapaloob ang kwento naming dalawa ni Val
Val ang ginamit kong pen name sa akin mga likha dahil alam kong dahil sakanya natuto ako at nagkaroon ng interest na magpinta
Ang malilikom naman na pera sa mga bibili ng mga likha ko ay mapupunta sa isang paaralan na kung saan ipapatayo ko na magtuturo ng pagpinta na bukas sa lahat ng bata
"Siv, natupad mo na lahat ng mga pangarap mo. Sobrang proud ako sayo" sambit ni Val habang tinititigan ako mula sa pinto. Nilapitan ko naman siya at niyakap
"Oo nga Val, dahil to sayo. Maraming salamat mahal ko" saad ko
"Dahil yan sayo. Ikaw ang nagsikap at hindi ako, kaya mo naman kailangan mo lang pag practisan. Magaling ka Siv, napaka galing" dagdag pa niya na ikinangiti ko
"Hmm binobola mo lang ako e" saad ko
"Hindi kita binobola Siv, magaling ka kaya" saad niya
"Siv, sobrang proud ako sayo. Basta wag mo lang kakalimutan na magtiwala sa sarili mo. Dahil tiwala ang susi para magtagumpay ka. Wag mo din kakalimutan na nandito lang ako palagi para sayo susuportahan ka sa lahat ng bagay" dagdag pa niya na ikinapula ko
"Syempre hindi ko naman din kakalimutan na ikaw ang tinta na nagpapatingkad sa pagkatao ko" saad ko at niyakap pa siya ng mahigpit
"Hindi kita iiwan pangako ko yan. Lagi akong gagawa ng paraan para mapaliwanag muli ang bituin ko" sambit niya
"Thankyou for helping me to rewrite every dark stars of my life. I love you" sambit ko
"Mahal kita" dagdag pa niya tsaka ako hinalikan sa noo
"Kringgg~" nagising ako ng tumunog ang alarm ng cellphone ko
Umaga nanaman at nanaginip nanaman ako ng magandang panaginip. Ngayon magbubukas ang Museum na ipinatayo ko
Naligo na ako at nag ayos para magpunta sa opening ng event ko. Pagkatapos kong mag ayos ay dumiretso na ako sa Museum ng hindi kumakain dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom
Nakarating ako doon ng tama lamang sa oras dahil malapit ng mag ribbon cutting base sa time na isinet ko
Natutuwa ako dahil nandoon sila Mommy, Daddy at Liana at mga magulang niya na nakatingin sa akin na sobrang proud
"Congratulations bes. I know you can" saad ni Liana tsaka ako niyakap
"Congratulations anak" sambit ng Mommy at Daddy ni Liana
"Thankyou po" sagot ko
"Anak Congratulations, sobrang proud kami ng Daddy mo sayo. Pasensya ka na sa mga pinagdaanan mo dati ng dahil sa amin ha? Mahal na mahal ka namin, at susuportahan ka namin sa lahat ng bagay na gagawin mo" saad ni Mommy at niyakap ako
"Mommy ano ka ba naiiyak ako e, wag kana umiyak masisira make up mo" sambit ko at niyakap siya
"Proud ako sayo anak" dagdag pa ni Daddy at niyakap ko siya
Natapos ang ribbon cutting at kumakain ngayon ang mga inimbitahan ko. Pumunta ako sa harap upang magpasalamat
"Maraming salamat po sa effort at time ng pagpunta niyo rito. Ang tagumpay pong ito ay iniaalay ko sa mga taong walang sawang nagtiwala at sumuporta sa akin syempre pati na din kay Lord. Madami akong pinag daanan sa buhay at ilang beses akong bumagsak at sumuko. Ngunit may isang tao na laging nagpapaalala sa akin na Kaya mo yan magaling ka sa mga bagay na yan, magtiwala ka lang sa sarili mo at makukuha ko ito practice lang. Lagi niya din pinapaalala sa akin na isa akong star na kahit wala akong gawin ay makikita na ang kagandahan sa akin at mapapahalagahan ako ng mga tao maliwanag man o hindi yun ang nagsilbing motibasyon ko upang marating ang tagumpay na ito. Kay Mommy, Daddy, Liana kay Doc Scheherazade maraming maraming salamat po" saad ko na naluluha
"Binuksan ko po sa lahat ng tao ang mga likha ko upang maibahagi sa inyo ang mga ito at ang mga kwentong nakapaloob dito" dagdag ko pa
"Miss pwedeng magtanong?" tanong ng isang bisita at tumango naman ako
"Ano yun?" tanong ko
"Bakit Val ang pen name ninyo at saan mapupunta ang mga perang malilikom?" tanong niya at umupo
"Val po, dahil ang pangalan na iyon ay pangalan ng isang taong napakahalaga sa akin na naging tulay upang mahilig ako sa pag pinta" sagot ko
"Ang perang malilikom ay mapupunta sa paaralan na pinapatayo ko na patungkol sa Art Class upang makapag aral ang mga bata sa Sining ng libri" dagdag ko
"Enjoy the rest of the day po, thank you for coming" sambit ko at nagpalakpakan ang mga tao
Nagsimula ng maglibot ang mga tao at nakikita ko sa kanilang mukha ang pagkamangha kaya naman natutuwa ako
Naglibot libot ako upang i entertain ang mga bisita ng mapansin ko ang isang lalaki na nakatitig sa isang larawan na napakahalaga sa akin
Kanina ko pa tinitingnan ito hindi umaalis ang tingin sa painting kaya naman nilapitan ko na siya at kinausap
"Ah Sir alam mo ba, mahalaga sa akin ang painting na yan" sambit ko ngunit hindi pa din siya humaharap kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang pagkukwento
"Ang painting na iyan ay regalo ko dapat sa pinakamamahal ko. Siya ang nagbibigay tinta sa bawat sulok ng akin pagkatao. Kinukulayan niya yung buhay ko. Hindi ko nga lang nabigay dahil may masamang nangyari. Pero mahal na ma-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang humarap at nagtama ang mga mata namin. Nagulat ako sa nakita ko at hindi ko maialis ang mga mata ko sa mata niya.
BINABASA MO ANG
WHAT IF WE REWRITE THE STARS
RandomSerenity Ivy Gomez ang babaeng mabababa ang paniniwala sa kanyan sarili. Pinaniniwalaan niya na kaya niya lang gawin ang lahat ng bagay ngunit hindi siya magaling sa mga ito. Failure kung ituring niya ang sarili niya. Kapag sinabi ang isang bagay sa...