Ikalimang Kabanata

10 1 0
                                    

Di ko alam paano ako magsisimula sobrang nawasak at nasaktan ako. Hindi dahil bumagsak ako, kundi dahil sa mga sinasabi ni Papa. Failure ba talaga ako?

Masakit yung mga sinabi ni Papa, pero mas masakit kasi galing mismo sa sarili kong ama ang mga salitang iyon

Si Mama naman ayun hindi kumakain, kaya di ko alam kung saan ako magsisimula. Si Papa lang ang sandigan namin ni Mama tapos ayun siya pa yung nakasakit sa amin. Di ko alam kung anong gagawin, di ko alam sinong makakapintan

Dapat kong maging malakas para kay Mama, pero paano? Sobrang down na down na din ako.

Sobrang naaawa na ko kay mama, hindi niya deserve masaktan. Kami na nga lang ang magdadamayan magiging mahina pa ba ako para sa kanya? Kailangan niya ako para may makapitan siya, kailangan ko din siya. Iisip ako ng paraan para malampasan namin to ni mama.

Sa kakaisip ko kung paano makakuha ng lakas para sa amin ni mama dinalawa ako ng antok. Malapit na akong makatulog ng mag ring ang cellphone ko. Hindi ko pinansin nung una dahil wala akong ganang makipag usap. Pero tumawag ulit, sinagot ko ito ng nakapikit ang mga mata kung kayat hindi ko alam kung sinong tumatawag

"[You know I want you
It's not a secret I try to hide]" pambungad niya na ikinagulat ko, nagkakanta pala siya

"[I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
You claim it's not in the cards]" ang ganda ng boses niya

"[Fate is pulling you miles away
And out of reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That you're my destiny?]" napapayapa ang puso ko sa boses niya

"[What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart]" bawat kanta niya, bawat salita tumatatak sa puso't isip ko

"[You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be]" pinanatili kong nakapikit habang nakikinig sa pagkanta niya

"[So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours]" nabuhayan ako sa mga salita sa kanyan pagkanta

"[Tonight]" kahit isang salita na lamang iyon, nabigyan niya pa din ng kahulugan, parang damang dama niya ang pagkanta niya na kung saan nadadamay ako sa damdaming ito

"[Meet me at the park Siv, we are going to rewrite the stars]" pagkasabi niyang iyon pinatay na niya ang call

Nabuhayan naman ako ng loob, isang buwan at kalahati ko din siyang hindi nakikita kaya miss na miss ko na siya. Mabilis akong nakapag ayos at pumunta sa park

Nang makarating ako sa park nakita ko si Val na nakaupo sa bench kaya naman agad ko siyang nilapitan

"Val!!" sigaw ko habang papalapit sa kanya

"Siv" saad niya habang naka ngiti, may katabi siyang basket kaya naman nagtanong ako tungkol doon

"Val? Ano yan?" tanong ko

"Basta, tara doon tayo" sagot niya habang hinihila ako

Nakarating kami sa dulo ng park, walang masyadong tao rito, lumakad pa ako papunta sa dulo ng matanaw ko na parang bangin ito kaya siguro walang masyadong tao rito.

Nakita ko si Val na naglalatag ng sapin at mga pagkain. Parang picnic. Natuwa naman ako.

"Val, para saan yan?" inosenteng tanong ko

"Wala Siv, para makapag unwind lang. Alam ko kasi na marami kang problema, pasensya ka na kung wala ako sa mga panahon yon. Hindi ko kasi kaya na nakikita kang umiiyak kaya umiisip na lang muna ako ng dahilan para mapasaya ka" paliwanag niya na ikinangiti ko

WHAT IF WE REWRITE THE STARS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon