Ikaanim na Kabanata

16 1 0
                                    

Exam na namin ngayon at kinakabahan ako. Nagdadasal na lamang ako na makapasa dahil nag aral naman ako. Pero hindi pa din ako gaanong tiwala sa sarili ko. Nagsimula ng ipamigay ang mga test papers

Kinakabahan talaga ako pero naalala ko ang text ni Val bago mag umpisa ang exam "Makapasa ka basta laban lang tsaka alam mo naman na ginawa mo lahat ng makakaya mo basta magtiwala ka lang sa sarili mo. Kaya mo yan Siv, nagtitiwala kami sayo. I love you" napangiti ako at sinimulang mag sagot

Binasa ko ang mga nakasulat sa papel at napangiti naman ako dahil halos sa mga katanungan ay kaya kong sagutin. Ako ang unang natapos sa klase, nagtaka pa nga ang mga kaklase ko dahil kadalasan ako ang nahuhuli.

Ipinasa ko ang aking papel sa proctor ng nakangiti. Nakangiti rin akong lumabas ng class room. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko naman iyon at nakita ang pangalan ni Val na siyang ikinangiti ko

"Sivy, may kailangan akong ireview mamaya kaya hindi kita masusunod at hindi tayo makakaalis mamaya. Ingat ka. I love you" saad niya, medyo nalungkot ako pero naiintindihan ko naman dahil pag aaral niya yon

Pinag usapan na namin ang bagay na ito, na kapag pinapapili sa pag aaral o lovelife pipiliin namin ang pag aaral dahil makakapag hintay ang lovelife tsaka kung kami kami talaga

Nag taxi na lamang ako pauwi, hanggang sa makarating sa bahay nag iisip pa din ako kung ano ang ibibigay ko kay Val, bukas na ang monthsary namin gusto ko espesyal ang ibigay ko kasi espesyal din ang taong pagbibigyan ko nito

Mag gagabi na pero wala pa din kong maisip. Nakaligo nako at nakakain wala pa din akong maisip sa sobrang excited ko. Diko na namalayan na nakatulog na pala ako

Patalon akong bumangon ng maalala kong wala pa akong ibibigay kay Val. Nakita ko naman na may text siya sa cellphone ko

"Sivy, kita tayo sa park mamaya 7PM. I love you" napangiti naman ako pero ng maalala kong wala pa din akong ibibigay ay kinabahan ako

Kaya naman hinalungkat ko lahat ng gamit ko at nakita ang mga art materials na pinamili namin ni Aly. Kaya naman naisipan ko nalang na gawan ng portrait si Val. Tiningnan ko ang oras at buti naman na 10AM pa lang at wala akong pasok ngayon

Nagsimula na akong mag paint ng nakangiti at natapos ng 2PM. Kumain muna ko at nagpahinga. Hindi ko alam pero kinakabahan ako pero hindi ko na lamang inisip ang bagay na iyon

Sobrang bagal pala talaga ng oras kapag hinihintay mo kung kayat naisipan ko munang gumawa ng tula

Kaba
Pagmamahal at pagpapahalaga mo
Ikinasaya ko ng todo
Sana ay hindi na matapos ito
Pagkat ikasasakit ko ng todo

Abot abot ang kaba
Sobrang nakakabalisa
Sakit ba ito o tuwa
Natakot ako bigla

Huwag naman mangyari ang ikinatatakot ko
Hindi ko kayang labanan ito
Kabang nakakalito
Ano nga ba talaga ito

Huwag naman po sana
Na ikaw ay mawala
Guguho ng sobra
Ang mundo binuo nating dalawa

Hindi ko din alam kung bakit ganyan ang tula na nagawa ko. Pinost ko ito at nakapagtataka na hanggang ngayon wala pang react si Val. Siguro naghahanda to, kaya naman napangiti ako.

Tiningnan ko ang oras at 4PM na kaya naman napag pasyahan kong kumain muna sa baba at saka maliligo na

Pagkatapos kong kumain, ibinalot ko ang ginawa ko at nilagyan ito ng note sa labas na "You will always be the ink that will let the star shine. Happy monthsary Val, I love you" nakapaint sa ginawa ko ang isang lalaking nabibigay kulay sa mga stars na madilim at hindi makita ang liwanag

WHAT IF WE REWRITE THE STARS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon