Naiinis nanaman ako, syempre iba nanaman ang mga kaklasi ko niyan, mahihirapan nanaman akong makitungo. Di ako mahilig makipag socialize kasi, di ko kakausapin ang isang tao kung hindi niya ako kakausapin. Di ko alam kung bakit ganito ako, pero once na naging close tayo sobrang daldal ko naman na. Hinahanap ko ang sched ko, at ang mga kaklasi ko, di ko alam kung may kilala ako niyan.
Yon pala I am Serenity Ivy Gomez. You can call me Siv. I am 20 years old. 3rd year college taking up meds. I live in Magalang, Pampanga. Basta madami akong pinaniniwalaan sa buhay pero syempre i sha share ko sainyo ang pinaka paniniwala ko na "Magtiwala ka lang lagi sa Panginoon, hindi ka niya papabayaan". Pero wala akong tiwala sa sarili ko hehe. And I thank-
"Aray naman!" Sigaw ko nung mabangga ako ng tao sa harap ko nag iimagine pako e ihh
"Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, bulag ka-" nagulat siya nung makita niya ako
"SIVVVVV!!! Omyy Siv namiss kita." sabi niya ng naka wide smile. She is Liana yung bestfriend at kaklasi ko simula elementary.
"Hello girll!! Miss na din kita, long time no chika ah" sagot ko naman
"Sorry bb, busy kasi ako, may inasikaso kasi aalis nako niyan diba alam mo naman kinukuha nako ni Mama para doon na din mag-aral sa Cebu" malungkot na saad niya.
"Hay, oo nga pala aalis kana mamimiss kitaa, tawagan moko sa updates mo ha, pati sa magiging jowa mo elem menee" biro ko
"Ano kaba diba study first tayo, sayang magkaklase sana tayo kaso eto nga mamimiss din kita" malungkot na sagot niya
"Ano ka ba wag na tayo magdramahan nakakahiya oh, basta mag iingat ka ha" "Sige na byee" niyakap ko siya at nag babye sa kanya.
Mamimiss ko yung babaeng yon, wala nanaman akong kasama neto. Naghanap ako sa ibang rooms hanggang sa nakita ko na ang schedule ko. Tiningnan ko din ang list ng names ng mga kaklasi ko. Naku mukhang matatalino, pangalan pa lang. kawawa ako neto, ako lang kolelat. Jusko e di naman ako matalino naka tsamba lang ako. Di ko ata kakayanin ito. Tiningnan ko ulit yung mga pangalan ng mga magiging kaklasi ko, yung iba nakaklase ko na dati yung iba di ko kilala. Naku bahala na si Batman.
Pero sabi naman ni Mama kahit magaling ang mga kaklasi mo, basta galingan mo lang kasi sarili mo ang kalaban mo
Nagsimula ang first day ko sa bagong mga kaklase, ayun syempre walang katapusang pagpapakilala. Yung iba nag aayos ayos pa bago pumunta sa harap, e ako nga wala akong pake. Tiningnan kong maigi ang mga kaklase ko may mga mukhang inosente, may mga maldita, may mga mayabang, yung mga normal na bubuo ng klase pero syempre iba iba din ang magiging kaklase namin sa ibat ibang subject
Napatigil ako sa kakaimagine ng tawagin ng teacher and pangalan ko "Miss Gomez" tumayo ako at naglakad papunta sa harap
"Hello everyone Serenity Ivy Gomez you can call me Siv, 16 years old from Magalang, Pampanga" nagsmile ako at bumalik sa kinauupuan ko. Naboring ako kasi buong araw pagpapakilala ang ginawa namin
Lumipas ang mga araw na ako lang lagi mag isa kasi wala akong kilala, paulit paulit na papasok ako uupo tas sila mag iingay. Kakain ako mag isa. Maglalakad ng mag isa. Nakakapagod lang kasi hindi ako masaya. Lagi akong pumapasok ng matamlay.
Sabi ni Mama, normal lang daw na wala kang magiging close talaga sa college pero syempre nakakalungkot pa din. Di ako sanay na walang kasama.
Habang free time sinaksak ko nalang yung earphone sa tenga ko pero rinig na rinig ko pa din ang dalawang katabi ko n nagkukwentuhan about sa nabasa nilang libro. Di ako nakatiis sumali ako sa usapan kasi mahal ko ang mga libro.
"Naka limang libro palang ako" masayang sabi ni Freya
"Ako six na sila, bumibili pa ako" sagot naman ni Madeline
"Eh hehe ako naka apat pa lang" sabat ko naman. Tiningnan lang nila ako at nagsmile tsaka nagkwentuhan ulit
Para akong nabalik sa highschool tuloy nakakamiss naman lalo na si Liana
Simula non naging kaibigan ko sila pero naging close kami ni Madeline. Sabay kaming kumakain, umuuwi siya nandin yung lagi kong kakwentuhan pareho sila ng ugali ni Liana. Namiss ko tuloy siya wala man lang paramdam kainis ang babaeng to
Another day nanaman to go to school pero this time masaya nako kasi may kasama na ako. Gusto ko kasi lagi may friend kasi ako lang anak nina Mama at Papa kaya wala akong magulo sa buhay ko. Busy sila Papa kaya ayun. Kalungkot kaya. Hayyy basta no negative vibes.
Pagpasok ko palang ng classroom sumisigaw na si Mads papunta saakin "SIVVVVV!!!" hala napano to tanong ko sa sarili ko. Tiningnan ko lang siya hanggang sa magsalita halatang halata kasi na kinikilig siya
"Alam mo ba may crush ako sa room sobrang gwapooooooo" kwento niya "
"Sino?" tanong ko
"Si Vincent" sagot niya
"Ha? Sinong Vincent?" Tanong ko naman
"Kaklasi natin, transferee kaya hindi mo napapansin tsaka tahimik siya" kwento niya
"Ahh" sagot ko nalang at nagsitakbuhan kami kasi andon na si maam.
Hay inaantok ako sa lesson hinintay ko nalang na mag ring ang bell.
"Bahebdksjahgwysgajakakdhduskwosbshjsksjshh" andaming paliwanag ni Maam pero wala akong maintindihan nagugutom na kasi talaga ako e
"Kringggggg" ayun sakto lunch na niyaya ko na si Mads para kumain, sumunod naman siya na nagkukwento pa din sa crush niya.
Natapos na ang break time at lahat lahat si Vincent pa din kinukwento niya tango lang ako ng tango. Pabalik na kami ng room kasi malapit na mag start yung klasi. Kapasok nung teacher namin nagpapagawa ng skit yung magbibigay ng topic tas i aact mo. Wala pa naman akong talent nito bwisit.
Binigyan kami ni Maam ng 3 minutes para makapag plano. Buti nalang ka group ko si Mads. Nakapagplano naman kami at ang role ko ay taga daan lang e kasi wala talaga akong talent sa acting. Huling grupo kami na magpe perform kaya ayun nanonood muna kami.
Magkatabi kami ni Mads na nanonood, siko siya ng siko saakin "hoy, masakit" bulong ko sakanya
"Tingnan mo si Vincent ang gwapooooooo" sagot niya
"Asan ba?" Tanong ko
"Ayun sa labas" sagot niya
Tiningan ko naman si Vincent na nasa labas nakaupo siya habang nagbabasa. Natulala ako sa kanya kasi ang gwapo ngaa, bagay na bagay pa naman yung tie niya tapos nasisinagan ng araw parang anghel.
Iniisip ko pa din siya habang naglalakad ako. Ang gwapo pala talagaa. Natigil ako sa kakaimagine ng mabunggo ako sa isang lalaki. Dahil maganda ang mood ko diko to aawayin "sorry po ku-" diko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko
"Vincent?" Tanong ko
"Hello, sabay na tayong umuwi?" Bati niya. Napatitig ako sa mga mata niya, wahhhh ang gandaaa
"Ah eh, sigee tara saan ka ba uuwi?" Tanong ko
"Kapareho ng daan sa uuwian mo" sagot nita wala nakong nagawa kundi tumango
Diko alam pero natulala ako sakanya ta mabilis na tumitibok ang puso ko. Tahimik kaming naglalakad hanggang sa nakarating kami sa kanto na daan papunta sa bahay, di parin ako makapaniwala
"Bye Vincent dito nalang ako sa kanto, Ingat ka salamat" sabi ko tsaka tumakbo
Hanggang sa nakauwi ako siya parin naiisip ko. Nakapagbihis nako at nakakain pero si Vincent parin nasa isip ko.
Kaya aisipan kong stalk siya sa Pesbuk "Vincente Alfonso Gonzales Jr" ay ano ba yan wala siyang Pesbuk? Diba to naiinip sa buhay niya? Hay nakuuu
"Vincent, Vincent, ano ba ang magiging role mo sa buhay ko?" Tanong ko hanggang sa nakatulog ako
BINABASA MO ANG
WHAT IF WE REWRITE THE STARS
RandomSerenity Ivy Gomez ang babaeng mabababa ang paniniwala sa kanyan sarili. Pinaniniwalaan niya na kaya niya lang gawin ang lahat ng bagay ngunit hindi siya magaling sa mga ito. Failure kung ituring niya ang sarili niya. Kapag sinabi ang isang bagay sa...