Sobrang excited ako ngayon araw. Sabi kasi ni Vincent sasamahan niya ako bumili ng gamit ko wiee
Naligo na ako saka nag ayos. Tinawagan ko na si Val. Naka ilang ring na ako pero hindi pa din sumasagot. Kaya minabuti ko na lamang na tawagan si Aly.
"Aly babe, asaan ang kuya Vince mo?" Pambungad na tanong ko sa kanya
"[Tulog pa, inalagaan kasi ako kagabi. Kakatulog niya nga lang e, sobrang taas kasi ng lagnat ko kagabi]"
"Ah ganon ba? Osge paki sabi nalang kapag nagising siya na tumawag ak" saad ko
"[May lakad ba kayo?]" tanong niya
"Ah oo sana, sasamahan niya akong mamili ng gamit" sagot ko
"[Sakto pupunta ako sa mall, samahan nalang kita]" aya niya
"Sige sige nakabihis naman na ako, kita tayo sa entrance ng mall" sambit ko
"[Sige, papaalam lang ako. See you]" saka na niya binaba ang teleponoNagpaalam na ako kay ate saka sumakay ng taxi. Malayo pa ako sa entrance pero natatanaw ko na si Aly, hanep ang aga ng babaeng to ah.
"Aly babe hello" bati ko tsaka ko siya niyakap
"Hello saan tayo niyan?" Tanong niya
"Kumain muna tayo, tapos bumili" sagot ko
Naglakad kami hanggang sa makita namin ang Jollibee at dito na namin napagpasyahang kumain. Ako na ang nag order pati ang nag bayad dahil sinamahan niya ako.
"Let's eat" sambit ko habang nilalapag isa isa ang mga pagkain na inorder ko
"Kayo na ni kuya no?" Biglang tanong niya na ikina samid ko. Uminom ako ng tubig at sinagot siya
"Hindi no, magkaibigan lang kami" sagot ko
"We? Sus. Gusto mo siya no?" biro niya na ikinapula ko. Sakto naman na tapos na kaming kumain kana may dahilan na ako upang ibahin ang usapan
"Ay nako, tara na nga sa NBS" saad ko at hinila siya papunta sa NBS
"Bibili ako ng art materials" saad ko pa
"Diba di ka naman magaling doon?" tanong niya
"Tinuruan ako ni Val" taas noong sagot ko
"Yieee si kuyaaaa" asar nanaman niya
"Pero alam mo, ngayon lang ulit ngumiti si kuya. Dati kasi hindi siya ganyan, palagi naman niya akong inaalagaan pero hindi katulad kagabi na sobra sobra. Sinisi niya kasi yung pagkamatay ni Laura at Daddy sa sarili" kwento niya
"Pwede magtanong?" Tumango naman siya "Bakit niya sinisisi ang sarili niya sa pagkamatay ng dalawa?" tanong ko
"Ganito kasi yan, nag fail si kuya sa isang subject, okay lang naman kina mama basta ipapasa niya yon. Kaso na down si Kuya, bata pa lang kami non siya dapat ang susundo kay Laura pero nawawala si kuya. Gabi na wala pa din, nagdesisyon na si papa na sumundo kay Laura. He saw Laura na pinagtitripan ng mga batang kalye. Pinagtanggol ni papa si Laura, mga batang kalye yon pinagtulungan nila si Papa, mga bubog, bote, kahoy ang inihampas nila kay pap hanggang sa mawalan siya ng malay. Sa sobrang takot ni Laura tumakbo siya, na dahilan para masagasaan siya. Simula non sinisi na ni Kuya Vince ang lahat ng bagay sa kanya" kwento niya
Hindi ko alam ang sasabihin ko kayat nagbugtong hininga na lamang ako
"Alam mo, ngayon na lamang nagbalik ang sigla ni Kuya. Dahil sayo. Sana wag mo siyang saktan. Pasayahin mo siya ha?" Dagdag pa niya
"Pangako ko yan sa yo" sagot ko na ikinangiti niya
"Hay nako tara na nga, tama na ang drama. Tapos kana?" Sambit niya. Tumango na lamang ako at naglakad papunta sa counter
BINABASA MO ANG
WHAT IF WE REWRITE THE STARS
RandomSerenity Ivy Gomez ang babaeng mabababa ang paniniwala sa kanyan sarili. Pinaniniwalaan niya na kaya niya lang gawin ang lahat ng bagay ngunit hindi siya magaling sa mga ito. Failure kung ituring niya ang sarili niya. Kapag sinabi ang isang bagay sa...