Bagsak na bagsak ang katawan nito habang naglalakad, hindi pa rin ito maka move on sa pinanood.
Nang makita niya ang nakahood na lalaki ay na curious ito sa mukha niya. Sinundan niya ito hanggang maglunta ito sa banyo.
Naghihintay siya sa labas, nakasandal siya sa pader habang nakataas ang isang paa na pader.
Nakapamulsa ang isang kamay nito, ang isa naman ay may hawak hawak na paper bag.
Nakita niya ang naka hood, lalapitan niya sana pero ng mahulog ang hood nito ay namukhaan niya ito. Napaawang qng binig nito ng si Apollo ang kaninang katabi sa sinehan. Hindi maipinfa ang mukha niya sa pagkapahiya sa mga pinagsasabi dito kanina at yung paghagolgol niya. Para siyang tanga na ewan kanina.
Umangat ang isa nitong kamay at itinakip sa kanuang mukha. Nagmadali itong naglakad palayo sa lugar.
Napansin siya ni Apollo nang makalayo na ito. Hinabol niya ito, nakita niyang pumasok ito sa isang brand ng damit. Limingon lingom siya sa mga customer pero tila wala siya doon. Sa di kalayuan ay nagtatqgo ito sa isang section ng damit, nakatingin kay Apollo na hinahanap siya.
"Bwesit, tantanan mo ako!" bulong niya sa sarili.
Nang makitang palabas na ito ay sinilip pa niya kung nakalayo na, nang hindi na niya makita ay lumabas na rin siya ng store.
"whooooo nakawala sa wakas." aniya sa hangin. Paglingon niya sa likod ay napaatras ito ng makita si Apollo na nakapamaywang at nginitian siya.
Tumingin ito sa sa magkabilaan, tinignan niya kung saan ang malapit na exit oh hagdan. Nakita niyang mas malapit iyon sa kinatatayuan ni Apollo. Kimuja siya ng buwelo, umatras siya ng dahan dahan, paglingon niya sa likuran ay agad siyang tumakbo. Hindi na siya lumingon pa, tuloy ruloy siya sa pagtakbo hanggang makababa sa ground floor. Dumiretso ito sa may parking lot. Napahinto ito ng may mga nakatuxidong damit ang nakatayo sa harap ng kangang sasakyan. Lumapit siya at pinamaywangan niya ang mga ito.
"Mga tauhan kayo ni Apollo?" nakataas ang isa nitong kilay habang nagtatanong
Walang imiimik ni isa sa mga ito
"Bakit ayaw niyo akong sagutin? Mga pepe't bingi ba kayo at parang hindi niyo ako nakikita o naririnig?" pimitik pitik ito sa harapan nila
"mga tood ba kayo o mga duwag at sunod sunuran sa amo niyo?" ani Val
"Sumusunod lang sa utos, hindi sila duwag o pepe't bingi, alam nilqng sumunod dahil iyon ang trabaho nila." ani Apollo
Napapikit ito at kumuha ng malalim na hininga. Humarap siya dito. "Hindi mo ba ako tatantanan?" aniya
"Hanggang hindi tayo nag uusap ng matino, hanggang tinataguan mo ako, hahanapin at hahanapin kita." ani Apollo na naka pamulsa ang isang kamay sa likod nito ay may mga sampo itong tauhan. Halatang hindi na siya makakatakbo pa.
"Ano bang pag-uusapan ba ang gusto mo, dahil ako wala akong balak makipag-usap sayo" pagtataray niya
"Wala nga ba o sadyang ayaw mo lqng, iniiwasan mo dahil ayaw mong pag-usapan ang nangyari sa atin" diretsyahang sabi ni Apollo
Napasinghap si Val sa sinabi nito na nahihiyang tinignan ang mga tauhan niya. Pinamulaan siya na naiinis kay Apollo. "Kailangan talaga ipagsigawan mo, bwesit" aniya na napa padyak pa
"Pag-uusapan na ba natin?" ani Apollo
"Hindi na natin kailangan pag-usapan iyon, tapos na yun... Kalimutan mo na!" pagtaTearay niya dito
"Ganon ba yun, pagkakatanda ko, first tim-" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mabilis na tinakpan ni Val ang bibig niya.
"Shhhhhh masyado ka namang madaldal bilang lalaki" aniya na hiyang hiya na siya sa pinagsasabi nito nakaharap pa ang mga tauhan niya. "Kung mapilit ka pwede bang huwag dito at hindi sila nakaharap, utang na loob" ani Val na halos sumabog ito sa inis
Tumango si Apollo habang nakatakip pa rin ang mga kamay ni Val sa bibig niya.
"Good!" aniya at naiilang na inalis na ang mga kamay sa bibig ni Apollo.
Naglakad siya palayo sa kinaroroonan nila. Sumunod naman si Apollo, sa likod ng mall ang napili ni Val king saan sila mag-uusap. Wala itong plano na pag-usapan pa ang nangyari sa kanila pero tila hindi talaga siya tatantanan ni Apollo hanggang walang nagaganap ma pag-uusap.
"kung tungkol doon, pwede ba kalimutan mo na dahil ayoko ko nang pag usapan ang bangongot na yun" ani Val
"Bangongot?" nagpintig ang tenga ni Apollo sa sinabi ni Val. Hindi siya makapaniwala.
"wala ni isa ang may kasalan sa nangyari pero hindi ko gusto yun." ani Val
"Eh ano yung naramdaman ko, yung mga halik at hawak mo. Ganon na lang ba iyon, Kalimutan? " ani Apollo
"Hindi ka ba sanay, sa dami mong naging babae hindi ka pa ba sanay??" tumaas na ang boses nito
"Hindi ako makapaniwala, basta mo na lang kakalimutan yun, kung natatakot ka.. Pananagutan kita, pakakasalan kita!" sabi ni Apollo
Napangisi si Val sa sinabi ni Apollo "Nagpapatawa ka ba, kung yan ang iniisip mo pwes, ayoko.. Wala akong planong magpakasal, lalo sa taong hindi ko mahal kaya tantanan mo na ako. " ani Val
Natahimik si Apollo sa huling sabi nito. Para itong sampal sa kanya na hindi siya nito gusto. Bakit nga ba siya nag isip na gusto rin siya nito, masyado ata niyang pinaasa ang sarili dahil sa mga naramdaman noong gabing yun. Hinayaan na lang niya itong umalis. Susundan pa sana siya ng mga tauhan nito pero pinigilan niya ang mga ito.
YOU ARE READING
The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3
Romancethe third son of Ofelia, Apollo's story.