Nagkaroon ng kunting salu salo ang Pamilya dahil sa proposal ni Apollo at despededa ni Hunter. Babalik na siya sa Iraq para ipagpatuloy ang sinumpaang tungkulin. May dalawang taon pa siyang gugugolin doon.
"I am happy for the both of you, cheers!!" ani Mamita na siya na ang nag toss para sa kanila, dati rati ay si Ofelia na ngayon ay nasa ibang bansa. Kahit gayun pa man ay masaya ang mag anak.
Naiwan ang tatlo sa Garden. Pinagitnaan nilang dalawa si Arriette. Ang awkward para sa kanila na magkasama sa iisang lugar ang dalawa ngayon hindi pa sila ayos.
"I miss the both of you" ani Arriette. Na inakbayan ang dalawa. Nagtama ang mga mata nila na nag iwas naman agad.
"Alam niyo we're friends since childhood sana kung ano man ang problema ninyo, maayos na. I don't want to see you like this, hindi kayo nagkikibuan or nag-uusap. Wala ako sa position to say this but because I care, I am going speak no matter what. Ang dami natin pinagdaanan, sinubok na rin ng lanahon ang pagkakaibigan natin, some tried to separate us from each other, tanda nyo noong high school, iba't ibang club ang sinalihan nyo because you want something new, muntik nang nagkaroon clash sa mga clubs nyo na influenced by your team pero nanaig ang pagkakaibigan ng tatlong dyosa, syempre tayo yun. Ang the nerdy type na genius na si Cheska, ang Bright na simply lang na si ako, at ang madiskarte na maldita na si Val. Yung sa cheer dance group na nag open noong college tayo, third year ata tayo noon noong nag open looking for new members?..... FORTH YEAR!! (sabay nilang sabi)
Napatingin siya sa kanila at ngumiti. " Sabi ko nga" aniya.
Nag iwas ng tingin ang dalawa pagkatapos nilang sambitin iyon.
"Gustong sumama ni Cheska pero inukray siya ni Colin dahil parehong kaliwa ang paa, sino ang atapang a tao na sumugod sa audition at nagwala?
"Naaah bakit kailangan banggitin mo pa yan" reklamo ni Val
"Sinong nagsabing parehong kaliwa ang paa ng kaibigan ko? Just critique if you don't know how to be a critic. Tapos tinawanan ka lang ni Colin at -" hindi na niya natapos ang sasabihin ng sumabat si Cheska.
"Tapos dumating si Arriette isa ring war freak na naka akimbo sa itaas ng stage, akala mo kung sinong susugod sa gyera yun pala hihilain niya si Val palayo." aniya na napatawa ng bahagya at tumingin kay
Tumawa rin ang dalawa nang alalahanin ang mga nangyari.
"Tapos paglabas natin nakaupo si Cheska sa may bencher malapit sa hall, pulang pula ang ilong kakaiyak, para siyang si Rodolf the red nose reindeer" sabat naman ni Val.
"Para tayong mga inggot na sumugod doon na wala namang pinaglalaban basta may maipakita lang na magkakaibigan walang iwanan." dagdag pa ni Arriette
Bigla silang natahimik. Napansin ni Arriette ang pagkailang. Tumayo agad at umupo sa tabi ni Cheska at umusog ng umusog hanggang magkatabi na sila ni Val.
"Alam niyo daig niyo pa ang teenager, ang oa niyo na. Kung hindi kayo mag aayos ngayon walang pupunta sa kasal ko!" binantaan niya ang dalawa, kahit alam niya na alam nilang hindi niya magagawa iyon.
"Siya kasi, dahil lang sa lalaki ipinagpalit ako... I'm almost lost my name because of what she did" ani Val na naka akimbo at sumandal sa sofa
"Nagmahal lang ako okay, hindi na ba pwedeng mag sorry, I did it many times kahit lumuhod pa ako sa harap mo ng makita mo na sincere ako sa paghingi ng tawad" ani Cheska na nahihiyang yumuko ito
"Sinabi ko na rin sayo na pinatawad na kita" pagtataray ni Val
"Yun naman pala eh, ano pa hinihintay niyo, hindi puputi ang uwak sa mga tampuhan ninyo. Hug naman diyan" panunukso ni Arriette sa dalawa. Tinulak niya si Cheska.
Napahawak siya sa mga braso ni Val sa lakas ng pag usog ni Arriette na halatang tulak na iyong ginawa niya.
Naiilang na nagkatinginan ang dalawa, maya maya ay napangiti na rin sila sa isa't isa.
"Are we friends again?" tanong ni Cheska na nakangiti kay Val
Sa likod ni Cheska ay naroon si Arriette na malapad ang tingin kay Val na tinutukso niya ito.
Tumango siya at nagyakapan ang dalawa. Inabot niya ang mukha ni Arriette at inihilamos ang kamay sa mukha nito at napailing.
"Nakakainggit sali ako!" ani Arriette na yumakap sa dalawa.
(ang pagkakaibigan kahit anong pagsubok man ang dumating kahit gaano nito gustong tibagin ng pagkakataon at panahon ang pagkakaibigan ninyo kung ito ay binuo ng tunay na pagmamahalan ng bawat isa sa inyo, walang makakapigil o makakahadlang dito, bagkus ay pagtitibayin pa ng husto ang samahan ng pagkakaibigan)
YOU ARE READING
The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3
Romansathe third son of Ofelia, Apollo's story.