Nilinaw ng PCA sa presscon ang pagkakapareha ng dalawang dish sa kakatapos na Chef Festival of the east na talagang pinag usapan ng mga tao at mga chef sa bansa. Nagkaroon ng iba't ibang espekulasyon tungkol sa isyu. At ang naturang paglilipat ng panalo sa totoong may ari ng recipe.
Hati ang opinyon ng madla sa naging desisyon ng PCA, may ilan na sang ayon at mayroon ding hindi pabor. Dahil may pangalan na si chef Clark at maraming fans ito hindi lang dahil sa kagalingan nito sa pagluluto, ang good looking at kagisigan nito ang isa sa nagpapahatak sa kanyang popularidad, masama ang loob ng kanyang mga supporters.
Alam ni Val na hindi aayon ang lahat sa desisyon ng PCA, she can't please everyone, ang importante ay nalinis ni Val ang kanyang pangalan.
Gusto siyang kausapin kasama sa presscon pero tumanggi ito na paunlakan ang hiling ng mga organizer ng press conference. Tama na iyon nalinis ang pangalan niya, sayang lang at hindi niya naranasan ang winning moment sana niya.
Nag extend siya ng oras sa shop, inayos pa niya ang mga naka pending na orders at sinubukan ulit niyang magluto ng Turkey Baklava. Tinikman niya ito, nang malasahan niya ay binuhat niya ang tray at ililipat sana niya iyon sa opisina, muntik na niyang mabitawan iyon ng may tao sa pagharap niya sa may pintuan.
"who are you, paano ka nakapasok dito?" tanong ni Val sa lalaking na nasa madilim na bahagi ng silid kaya hindi niya maaninag ang mukhan nito.
Napaatras ito nang makitang palapit ito sa kanya. Palihim na inabot mula sa likuran sa mesa ang rolling pin.
"Huwag kang lalapit!" pagbabanta niya sa lalaking.
Sa isang kumpas ng kanyang kamay ay umilaw ang sa bahaging iyon.
Ang kaninang hindi niya makita, ngayon ay kitang kita na niya ang mukha nito. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ulit si Apollo.
"Sino ka?" aniya
"Nakalimutan mo na ba ako?"
"Hindi kita naTeatandaan, nagkamali ng shop pinasukan, umalis ka na" pagtataboy niya dito. Inilapag niya ang tray at niluwagan ang pintuan. "Umalis ka kung hindi ay tatawag ako ng pulis" dagdag niya
"Gawin mo, sa tingin mo natatakot ako"
"Umalis ka na" tumalikod ito at nagtungo siya sa opisina, inilagay na niya sa tapat ng tenga niya ang telepono at nag dial.
Pinindot ang end button ni Apollo. Mabilis na lumingon si Val sa kanyan, nagkamali siya ng pag lingon dahil magkalapit lang ang mga mukha nila.
Napasinghap siya ng mag smirk ito sa kanya "What are you doing?" sigaw niya dito
Lumapit pa ito ng husto, napasandal na ito sa pader nang umatras siya.
"Kailangan nating mag usap" bulong ni Apollo
Napalunok at bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman ang paghinga nito sa kanyang tenga.
"Wala tayong pag uusapan, hindi kita kilala kaya umalis ka na!" bulyaw niya dito, marahas na itinulak niya si Apollo, mabilis na kinuha niya ang bag at lumabas ng pintuan ng kanyang opisina. Paglabas niya sa main door ay napailing na lang siya ng makita ang mga tauhan nito. Alam na niyang hindi siya makakaalis, kilala niya si Apollo. He always gets what she wants.
Binuksan ni Arman ang pintuan ng kotse. Matic na na sumakay siya agad. Sa loob ay naka cross arms siya.
Napansin niyang umandar ang sasakyan nang hindi man lang sumasakay si Apollo. Tumingin siya sa bintana, nakatayo lang ito sa labas.
"Hey, teka lang saan mo ako dadalhin... Ang sabi niya mag-uusap lang kami. Hey stop the car! Do you hear me or you are avoiding what I said!!!!" sigaw niya sa driver. May pinindot ito na button at sumara ang maliit na butas na tumatagos sa driver seat.
Napasinghap siya sa ginawa ng driver. Kahit anong gawin niyang pagsigaw ay hindi siya maririnig nito. Sumandal siya sa upuan.
Nag vibrate ang bag niya. Pagdukot niya sa phone ay nakita niya may hindi naka rehistro na number ang tumatawag sa kanyan.
"Bwesit, sino ka naman?" irita niyang pimindot ang answer button.
"Hello!" galit nitong sambit na halos magdugtong ang kilay niya
"Valarie Arslan?"
Napatakip siya sa kanyang bibig ng mabosesan niya ang nasa kabilang linya.
"Arrie?" bulalas niya, alam niyang si Arriette iyon
"Akala ko nakalimutan mo na ako"
"Fucking thought, hindi no at tyaka sino ba umalis, asan ka?" aniya sa kausap na mahahalatang sabik na sabik ito dito.
"Andito na ako, I wanna see you and Cheska"
"Shit(mahina niyang sabi ng marinig ang ex-friend niya) Hindi ko alam kung pakakatakas ako, nakidnap kasi ako ng lalaking bwesit sa buhay ko. Tyaka na ako makikipag meet sayo kapag naayos ko ting problema ko sa isang to" aniya na may panghihinayang sa tino nito. Gusto na niyang makita si Arrie ngunit mukhang haharapin pa niya ang dilubyong dumating sa buhay niya na nagpabaha ng kanyang unan ng ilang buwan.
YOU ARE READING
The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3
Romancethe third son of Ofelia, Apollo's story.