Dahil wala na nga itong bantay ay malaya na siyang nakakalabas ng hotel Villa dahil bumabalik din ito kinalaunan, kunting pasyal lqng sa beach at mga accessory stores at mag babad sa mga tea shop.
Yung accessory shop na gusto niyang luntahan, ang sabi ng katabing store ay mamayang hapon la raw ito magbunukas, hinintay niyang pumatak ang alas tres at bumaba ito. Talagang yun lang ang sadya niya dahil may mga personalized bracelet siyang nakita at nagandanhan siya, wala soyang dalang pera ng makita niya iyon kaya ipinangako miyang banalik siya dito kinabukasan.
Tuwang tuwa ito ng makita niyang bukas na ito at nagmadali siyang lumapit, nalulula siya sa ganda ng mga items, unique at maganda ang mga ginamit na lace. Abala siya sa pagpili ng mga ito na pinaplano niyang bilhan si Apollo. Bagay sa kanya ang green sa balat niyang kayumanggi.
Hindi niya namalayan ang oras, malapit na magdilim, minadali ma niya ang paglalakad, napansin niyang tila may sumusunod sa kanya, sa pakiwari niya ay ang mfa tauhan ni Apollo lang ang mga iyon, maya maya ay kinutubam na ito, kung mga tauhan ni Apollo bakit parang iba ang kinikilos ng mga ito sa likuran niya, tyaka bagong mukha ang mga ito. Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Sa muling paglingon niya ay hindi niyabinaasahan ang paglapit ng mga ito. Hinawakan siya sa magkabilang kamay niya at tinakpan ang panyo ang bibig niya, may kung anong amoy ang nasa panyo na agad itong nawalan mg malay.
Ang paalam ni Val sa kanya ay mamimili lang ito sa baba at aakyat din ito agad pero ilqng oras na ay wala pa rin ito, nag aalala na si Apollo na baka may nangyari nang masam pero ang unang naisip niya ay baka na realized nitong umuwi na, the type of girl she was can't stay in a quiet place like Hotel Villa. Yun ang iniisip ni Apollo na baka pinasakay lang siya nito para makatakas ng walang kahirap hirap. Kung yun man ang dahilan ay malaki siyang tanga dahil nabulag at naloko siya ng isang babae. Galit na galit ito sa kanyang iniisip, hindi siya mapakali sa mga iniisip.
Naka akimbo ito habang naglalakad nag pabalik balik, tumunog ang phone nito, agad niyang dinukot iyon sa kanyang bulsa. Nakita niyang numero lang ang tumatawag sa kanya.
"Hello?"
"Night owl, I like your name.... No wonder why you still awake."
Who the fucking hell are you?" wala siya sa mood para makipagbiruan kung ainoan ang nasa kabilang linya
"Shhhhh relax, huwag ka masyado magalit dahil may maganda akong balita sayo"
"Inilipat niya sa kabilang tenga ang phone "Anong gusto mong sabihin?"
"Balita ko in love si Night Owl, ang husay mong pumili ng babaeng gugustuhin." sinusubukan niyang hawakan si Val sa mukha pero iniiwas niya ito
Naka akimbo si Apollo na tila may tinutumbok ang usapan nila.
"Sino ka ba at anong kailangan mo?" galit na sabi ni Apollo
"Mukhang ikaw ang may kailangan sa akin, kung gusto mong makita pa itong labanos na ito, ibigay mo ang apat na truck nang baril kapalit niya"
tila alam na niya, nasa kanila si Val. " nagtagis ang mga bagang nito
"HAHAHAHAHAHAHA!!!!"
Rinig pa niya ang pagtawa nito ng malakas.
Marahas na inalis ang nakatakip na panyo sa kanyang bibig at itinutok ang phone.
"Huwag kang maniwala, pqgkatapos nilang kunin qng kargamento ng truck papaulanan ka nila ng bala, huwag kang pupunta!!" sigaw ni Val
Biglang tinakpan ng lalaki ang bibig nito at binusalan siya sa tyan, muntik na siyang mawalan ng malay sa inabot na suntok sa kanyang sikmura, parang hinigop niyon ang buong lakas niya, ibinalik ang phone sa tenga niya. "Buhay ang kapalit ng kargamento, ipapadala ko ang address na pagdadalhan ng mga baril, walang mga tauhan na sasama, ikaw lang dapat ang magdedeliver ng mga iyon sa ipapadala kung address." binaba na niya ang phone nito at humugot ng malalim na hininga. Hinawakan siya ito sa bibig.
"Pasalamat ka may pakinabang ka kung hindi kanina ka pa nilalangaw, kapag hindi ko inutos huwag mong gagawin, naintindihan mo?" ani ng lalaki
Nakatali ang mga kamay at paa sa upuan. Iniwan siya sa madilim na luhar na may mga ipis at dagang nagtatakbuhan.
Hindi niya maiangat ang mga paa niya sa pagkakatali nito sa upuan, kahit magtitili siya ay wala siyang magawa, dinadaanan ng mga daga at ipis ang paa nito. Umiiyak siya takot hindi sa pagkaka kidnap sa kanya kung hindi sa mga ito, pinagpipeyestahan ang paa niya, gumapang yung daga sa paa niya papunta sa harap ng kanyang pang upo. Sa kagustuhan na maiwaksi iyon ay natumba ang upuan na kinauupuan niya. Hindi niya kayang itayo pabalik ang upuan. Nahihirapan na ang kanyang braso na nadaganan niya. Walang nakatingin sa kanya dahil tila nakapokus sila sa iniinom.
"Huwag mong sabihin susundin mo ang lalaking iyon, dahil lang sa babae nagkakaganyan ka" ani Ronaldo
Hinawakan niya ito sa kwelyo at tinignan ng masakit dahil sa sinabi nito. "Hindi lang siya basta babae!" sigaw ni Apollo
"nagiging marupok ka dahil sa kanya, ipapahamak mo ang sarili mo pati ang organisasyon ito!" ani Ronaldo na nilaban niya ang tingin ni Apollo sa kanya
Sinunggaban niya ito ng suntok. Natumba si Ronaldo sa sahig, may sugat sa gilid ng kanyang labi.
Dumating ang mga tauhan para awatin sila
"Noong niligtas ko ang asawa mo, wala kang narinig, hindi kita sinumbatan, ito ba ang igaganti mo sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo! Mag-isip ka!!!" sigaw niya dito at binitawan niya ang kwelyuhang damit ni Ronaldo. "Kung hindi mo ako tutulungan, kung hindi niyo ako tutulungan, gagawin ko ito mag-isa!" umalisbitong nagpupuyos sa galit.
Tumayo si Ronaldo at niluwagan ang neck tie nito. Imbes na magalit ay nakokonsensya siya sa nagawa, tama si Apollo hindi siya dapat nagsalita ng ganon dahil noong pamilya niya ang nanganib ay wala itong narinig, hindi ito nagdalawang isip na lumusob kahit alam niyang delikado.
YOU ARE READING
The Bachelors|the story:Dangerous Trap-How to tame a wild girl #3
Romansathe third son of Ofelia, Apollo's story.