Thirdy
I was driving to Filoil Flying V Center ngayon kasi may laro sila bea when my phone suddenly rang.
Si Julia. Sinagot ko na.
"Hey can you-" I cut her off softly.
"I can't jules. Ask manong nalang please?" I told her. Sana maintindihan niya. I mean kelangan ko bumawi kay bea lalo na't Im courting her already.
"Right. Okay" mahina niyang sabi and ended the call.
I can't take this courting thing lightly. Bea and her family might know me already pero iba pa din pag ipakita ko yung respect na meron ako sa family nila lalo na sa nililigawan ko.
I smiled. That's right y'all, nililigawan ko na siya. Ang sarap sa feeling. Alam kong gusto na nila ako, ang yabang ko don pero I have to prove myself worthy of their daughter. Bea de Leon yon pare.
I parked my car and dumeretso na sa loob. I got to meet some fans papasok and nakipag usap naman ako saglit.
"Kat, where's bea?" siya una kong nakita sa may dugout kaya ganon.
"Ah... she's still inside" pointing the room kung nasaan siya.
I stood by the wall leaning against it. Hihintayin ko nalang siya lumabas kasi for sure kahit mag text pa ako she won't be able to read it kasi nasa bag na niya. Maya maya I saw Deanna and Pongs peak from the dugout.
Napa O sila when they saw me and then lumapit.
"May pa foods ka ba ulit dyan?" Deanna asked. Umiling ako at tumawa.
"Ano ba yan. Hina bro" disappointed kunware na sabi ni Deanna.
"Why don't you go inside nalang?" tanong ni pongs.
"Nah... I'll just wait for her"
"What are you guys doing" I was cut off by no other than my nililigawan. Nakataas kilay pa yan ah. Sungit naman pero kilig.
"I was kinda hungry and thought he had food kaya lumapit ako" sagot ni Deanna.
"User!!" asar ni pongs sabay tawa.
"Why are you so madaldal" sabi niya sabay hila kay Deanna and ponggay papasok ng dugout "wait here" dugtong niya kaya sumunod nalang ako. Sinundan ko sila ng tingin.
"You, what are you doing here?" nakapamewang niyang tanong.
"Manonood ng game mo?" she rolled her eyes.
"Since when did you have time?"
"Lagi akong free para sa nililigawan ko" banat ko. She made a face kaya natawa ako.
"Sige na... go seat there na" utos niya sabay tulak ng likod ko paalis.
"Wait lang kasi..." I protested and stopped walking.
"You're drawing so much attention" sabi niya sabay tingin sa paligid.
"Ginandahan mo naman kasi masyado" I saw her blush. Umiwas pa ng tingin kala mo naman di ko mapapansin. Mas lalo tuloy siyang nahiya.
I held her chin to make her look at me.
"Hey, Goodluck sa game niyo. Alam kong kaya niyo yan" trying to boost her spirit kahit alam kong hindi na niya kelangan. Hindi man lang ako tiningnan. Wow, shy type? "tingnan mo ko" mahina kong tawag at dahan dahan niya kong tingnan.
"What?"
"Goodluck, captain" I said smiling. Napangiti din siya sa sinabi ko.
"Thank you," she said smiling.
I gave her the Gatorade na binili ko for her bago pumunta dito.
"I know you have one alr-" nagulat ako kasi bigla niya kong niyakap. I kissed her head and hugged her too.
Hindi na ko nagsalita kahit siya kasi alam kong baka mahiya lang siya. If you didn't notice hindi siya masyadong showy.
"Sige na" I said before giving her one last forehead kiss and went out. Narinig kong nagkantyawan ang iba niyang teammates. Natawa nalang ako.
Bea
He waited for me after the game. Pag labas ko I saw him being flocked by fans para magpaphoto kaya I'll wait nalang sa may labas.
"Bea"
"Bea!" he called again. Napalingon ako sakanya. He excuse himself and jogged to where I was standing.
"Tara na?" he asked.
"No, finish taking a photo with them" sabi ko because alam kong kanina pa sila naghihintay.
He reached for my hand interlocking it and walked to where his fans were.
"omg beadel"
"bea!!"
"pwede mag papicture?"
Halatang nagulat sila sa ginawa ni thirdy. They even looked at our hands at pabalik balik na tingin saming dalawa. Even saw them secretly taking a photo of it.
daming alam kasi talaga.
"Sino na next?" tanong niya.
"Uh.. pwede po ba magpapicture sainyong dalawa?" tanong nung babae. He glanced at me first to silently ask if it's okay kaya tumango ako.
"Thank you po!" she said smiling.
"Thank you din" sabi ko. After taking a couple of photos uuwi na din sila.
Ang galing lang noh? Dahil sa pag fafangirl they met friends online. Mga taong may same interest sakanila, someone they can relate with on a daily basis when it comes to fangirling. Some friendships even go deeper. Hindi lang sa sinusupportahan nila pero sa sari sariling buhay. It's cool. Mga idol ko sila. The patience they have tapos they gastos pa to go here just to watch us. Grabe solid.
"Sige na. Umuwi na kayo. Ingat sila sainyo ah" thirdy joked. Nagpaalam sila kaya aalis na din kami. He wrapped his arm around my waist and naglakad na kami palabas. Namumula na yata ako sa ginawa niya and he doesn't even know his effect on me!
BINABASA MO ANG
Most Valuable P..... (Edited)
FanfictionA best friend. Thirdy Ravena was only a best friend to Bea de Leon. At least that's what she kept telling everyone. It's not until she reads this thread her fans made about them. Confused? Why is she confused?
