NINETEEN

165 3 0
                                    

Years after, they stayed as friends. Naging magkalapit silang magkaibigan. Aga already has a girlfriend named Charlene na tumulong din sa kanya to go through with the pregnancy.







They are waiting for the results and kinausap niya si Charlene.










"Cha, kung positive man ito, please don't break up with him, ah? Ayo'kong masira kayo. Okay na sa akin 'yung tinutustusan niya itong anak namin."


"Paano kayo ng bata?" Sabi naman ni Charlene dito.


"Kaya namin, Cha. Alam ko namang support ka sa amin. Basta, huwag lang natin ipaparamdam sa kanya na incomplete siya. Ayun ang mahalaga doon." Umiyak siya at kinakabahan dahil magiging malaking hadlang o problema siya sa dalawa kung nagkataong positive.


"Napakabait mo, Lea. Willing ako ibigay kahit na ano'ng tulong sa'yo." Niyakap niya ito at naiyak siya sa nangyayari dahil hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng kaibigan ulit.


"By and Lea, negative ang results. Si Rob ang ama niya." Laking ngiti ni Aga at ngumiti din si Lea hindi dahil si Rob ang Ama kung hindi dahil hindi siya magiging hadlang sa dalawang kaibigan niya.


"Uyyy, masaya siya." Pang-aasar naman ni Charlene dito.


"Masaya ako kasi hindi ako magiging hadlang sa inyo. 'Yun lang 'yun. Hindi dahil si Rob ang ama." Faking the smile. She can't deny the fact na mahal niya pa si Rob.


"May balak ka bang sabihin?" Seryosong tanong ni Aga habang nasa bahay sila.


"Wala na, siguro. M-masaya na 'yun. Andiyan naman kayo, eh. Dalawa Mommy niya at isang fake Dad." Tumawa siya pero alam ng dalawa na fake lang 'yun.


"He deserves to know the truth, Lei." Sabi naman ni Charlene dito.


"Ewan ko guys, sa ngayon masaya ako kasi hindi niyo na kailangang mag-alala sa anak ko." Ngumiti ito at lumapit naman si Charlene at Aga sa kanya.



"You are always my responsibility, Lei. Hindi dahil sa nangyari, kung hindi dahil napalapit na kami sa'yo at hindi ka namin iiwan." Sabi ni Aga at yumakap naman dito at sumunod na si Charlene at naging emosyonal naman si Lea sa mga kaibigan niya at bigla niyang naalala ang mga kaibigan niya na matagal niya ng hindi nakakausap.








END.

Thank God I Found YouWhere stories live. Discover now