Nasa kuwarto lang niya siya. Sa kuwarto nila ni Lea at tinitignan niya ang mga picture ni Lea dahil namimiss niya na ito. Hindi niya talaga kayang ibaba ang pride niya. Akala niya, hindi nagso-sorry sa kanya si Lea. Pero, doon niya na-realize na napagod lang si Lea kakahabol sa kanya dahil alam naman ni Lea na hindi siya papakinggan nito.
"I-I miss you, hon." Umiyak siya at hinalikan ang picture ni Lea na solo lang siya at hindi niya na napigilang tuluyan ng umiyak.
*Knock knock*
Agad agad niyang inayos ang sarili niya dahil gusto niyang ipakita kay Lea na wala lang 'yung nangyari at naka-move on na siya. Pero, hindi nagsisinungaling ang mata. Hindi nagsisinungaling ang nararamdaman, hindi nagsisinungaling ang kabog ng damdamin.
Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Lea.
"S-sorry. Naistorbo kita. May good news ako sa'yo." Kitang kita sa mata ni Lea na malungkot siya sa mangyayari pero kailangan niyang i-cheer up ang sarili niya. "Ito na 'yung annulment papers. Pumirma na ako kanina." Binigay ang papel at yumuko si Lea at hindi naman makapagsalita si Rob at ito'y umiiyak na. "K-kunin mo na, p-please? B-baka, p-punitin k-ko pa 'to. I-ikaw din." Gusto ng humagulgol ni Lea sa sakit pero kailangan niyang magpakatatag para kay Rob para sa kasiyahan ni Rob. Para sa ikabubuti nilang dalawa.
Kinuha ito ni Rob at hindi na siya sumagot pa. Kung tutuusin, ayaw niya din namang makipag-annulled. Pero, nagawa niya na. Ayaw niya ng baguhin ang desisyon niya.
Nakayuko pa rin si Lea at sabay sabeng, "I-impake at handa ko lang gamit ko." Agad agad itong umakyat sa taas para ihanda ang mga gamit niya at wala nang nagawa si Rob.
Ito na 'yung huling magsasama sila sa iisang bahay.
Ito na 'yung huling magsasama sila bilang asawa.
Ito na 'yung huling araw ng pagkikita nila.
Bumaba na si Lea at dala dala ang mga gamit.
"R-rob, in case na gusto mo itong i-benta, kahit huwag mo na ako hatian, tutal hindi naman na tayo kasal, hindi mo na kailangan ng consent ko. Ikaw na bahala sa bahay na 'to." Faking the smile at this time hindi na siya nag-pigil ng umiyak. "Alagaan mo sarili mo, ha. M-mahal na mahal kita." Ngumiti siya na may kasamang luhang pumatak sa kanyang mata.
Hindi na nakagalaw si Rob at pinagmasdan lang niya si Lea na umalis at wala itong nagawa. Gusto niyang pigilan, gusto niyang habulin, gusto niyang mag-makaawa. Pero for the last time, mas pinairal niya pa din ang pride niya.
END OF CHAPTER.
YOU ARE READING
Thank God I Found You
Hayran KurguFor the two people who bumped to each other and suddenly all they know is they were in love. But they didn't know that someone will betray them and ruined their "perfect relationship" several months passed, it was destiny that they bumped to each ot...