"Pansamantala"

244 8 0
                                    

Sa tuwing ako'y iyong binabaliwala,
Masakit pa sa sugat na dulot ng mga bala.
Kasiyahan na alam kong pansamantala,
Nang-iiwan ng sakit at mga luha.

Mga salitang iyong binitawan,
Mga salitang tumatak sa aking isipan,
Mga salitang aking pinang-hawakan,
Mga salitang pawang kasinungalingan.

Hindi man ako ang sinasabi sa mga hula,
Hindi man ako ang laman ng iyong mga tula,
Hindi man ako ang hinihiling mo kay bathala,
Hindi man ako ang laman ng isip mong nag-aalala.

Ngunit, pag-ibig ko sayo ay walang dahilan,
Pag-ibig ko sayo ay walang hangganan,
Pag-ibig ko sayo ay hindi matutumbasan,
Pag-ma-mahal na sa akin mo lang mararamdaman.

Series of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon