"Tugma"

63 2 0
                                    

Hindi alam paano sisimulan,
Mga salitang nagliliparan sa aking isipan
Bawat letra tila ba'y nahihirapan,
Damdaming pilit nag-aalinlangan.

Natatakot na baka hindi tugma,
Ngunit nais sa iyo ay ma-ipadama
Gaya ng mga salita na kapag pinagsama,
Kahit na mali ay pipiliting itama.

Hindi maintindihan aking nararamdaman,
Sa tuwing ika'y nasa aking harapan
Ngiti sa labi na ikaw ang dahilan,
Napapawi lahat ng kalungkutan.

Susulat ng isang
libong tula,
At laging babalik sa
ating simula.

Series of FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon