Nagtataka

2 0 0
                                    

Ano ba itong nararamdaman ko?
Bakit ba ako nagkakaganito?
Bakit bigla nalang napapahinto?
Bakit ganito lang ako kapag sayo?

Hindi ko na talaga maintindihan
Itong aking nararamdaman
Na tila lumalamon sa aking kabuohan
At hindi na ko makalaban.

Ayaw ko nalang magsalita,
Baka may lumabas pang 'di kaaya-aya.
Mananahimik nalang muna
Upang wala na akong magiba.

Gusto ko lang muna mapag-isa
Kahit alam kong may mag-iiba.
Aantayin ko lang humupa
Itong aking nadarama.

At ika'y aking haharapin
Kung kontrolado ko na ang aking damdamin.
Hindi lang kita kayang kausapin
Na may ibang pagtingin.

Gusto ko man pero may humaharang,
Sinasabing "hindi mo pa kaya yan."
Kailangan kong maging matapang,
Malakas dito sa aking laban.

Nagmamahal, Isang Makata - koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon