Sisimulan

3 0 0
                                    

Di ko alam kung paano sisimulan,
Sasabihin nang deretso o dahan-dahan?
Di naman ganun kahaba ang listahan,
Ngunit gusto ko lang sayo ipaalam.

Akala nati'y wala sa atin ang rason
Sa ikinakaharap natin ngayon,
Pero ito na ang pagkakataon
Na malaman natin ang sanhi ng kahapon.

Kung mabasa mo man ito
Ay sana mapagbigyan mo pa ito,
Narito pa din naman ako
Kung gusto mong pag-usapan ito.

Hindi ko na papahabain pa,
Heto na, aking inilathala
Upang sayo ipadama
Ang nais ko nating itama.

Nagmamahal, Isang Makata - koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon