Lumalayo

1 0 0
                                    

Alam kong ako ang may kasalanan
At kailangan ko nang aminin.
Hindi ko na kaya panindigan
Ang nagawa ko sa atin.

Pero may rason naman ako,
Hindi lang basta lumayo.
Umiwas lang naman ako
Sa nararamdaman ko sayo.

Pero hindi ko alam na ganito pala
Ang aabutin ng ating distansya
Hindi na maabot ang isa't-isa.
Ano ba itong aking nagawa?

Gusto kong lumapit ngunit 'di ko alam
Kung ano ang susunod kong hakbang.
Sadyang natatakot lang naman
Sa lamig na iyong iparamdam.

Pero baka pwede pa muling hipan
At muling pag-isipan
At muling sisimulan
Ang ating mga nakasanayan.

Pero natatakot din akong subukan,
Baka maulit na naman akong masaktan.
Hindi ko naman hinahayaan,
Hinahanapan ko din ng paraan.

Nagmamahal, Isang Makata - koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon