Nagmamahal

1 0 0
                                    

Masakit para sa aking parte
Na ipaabot sayo ang aking mensahe.
Hindi lang talaga ako kampante
Na nasa akin pa din ang sakit na kay grabe.

Ito na ang nais mong katotohanan
Na hinding-hindi ko matanggihan
Ang magbibigay sa akin ng kalayaan,
Ang magbibigay sa akin ng kapayapaan.

Sadyang mapaglaro lang ang tadhana,
Bulag si Kupido, kung saan ipinapana.
Sa mga nagdaan ay madami na ang nasira,
Pero panahon na upang ito'y itama.

Ito lang ang nais kong ihatid,
Ang nais ko lang ipabatid
At ngayon na aking naitawid
Ay nais ko na ngayong ituwid.

'Di natin alam kung paano sisimulan
Ang mga natira't naiwanan,
Basta't hindi pa natin tutuldukan
Dahil kailangan pa natin dugtungan.

'Di ko na papahabain pa,
'Di ko nga alam kung ika'y nagbabasa.
Pero kung ikaw nga ay narito na,
Sana ako'y pagbigyan mo pa,
Sana ito'y pagbigyan mo pa.

Kahit marami na ang nag-iba,
Kahit hindi ka na tulad niya,
Mahal pa din kita,
Nagmamahal, isang makata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagmamahal, Isang Makata - koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon