Kumakapit

2 0 0
                                    

Di ko naman pwedeng sabihin
Na wala na ang pagtingin.
Ayaw ko lang magsinungaling
Dahil ang totoo ay ikaw pa din.

Kay hirap naman kasi bitawan
Ng ating mga pinagsamahan.
Tunay na nakakapanghinayang
Kung hindi na madudugtungan.

Mukhang ako nalang ang kumakapit
At ako nalang ang nagpupumilit.
Hindi ka na lumalapit,
Di na ko magtataka kung bakit.

Wala na akong pake kung ako'y masaktan,
Maihatid ko lang sayo ang aking nararamdaman
Dahil hinding-hindi ako nito tatantanan
Hangga't di ko sayo pinaramdam.

Nagmamahal, Isang Makata - koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon