Bumalik

3 0 0
                                    

At nung ako ay bumalik,
Heto na naman ang sakit.
Bigla nalang may nag-iba,
Nawawala na ba?

Heto na nga ako,
Nakatayo sa harap mo
Pero bakit di mo pansin
Na ako'y nakarating?

Napapansin mo man,
Pero parang aparisyon nalang.
Makikita mo lang pag may kailangan,
Mawawala kapag nakuhaan.

'Di pa ba dapat ako bumalik?
Ang sagot ay tahimik.
Nakuha ko na ang iyong nais,
Ako na lang ulit ang aalis.

Babalik nalang ako
Kapag muling mabubuo
Ang ating napagsamahan
At hindi na malalamigan.

Nagmamahal, Isang Makata - koleksyon ng mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon