Chapter 16: Keeping us safe

23 3 0
                                    

Dali-dali akong pumasok sa bahay ni Ma'am Natasha upang mag-imbestiga. In short para i-confirm yung totoong nangyari.

Pinasok ko yung bahay ni Ma'am Natasha. Tumambad sa harapan ko ang mga cellphone ng kaibigan ko at cellphone ni dad. Sinasabi ko na nga ba! sambit ko sa sarili ko.

Dumerediresto ako at Tumambad din sa harapan ko ang mga pugot na ulo ng kaibigan ko, pati na rin ni dad na nakalagay sa isang malaking aquarium.

Nang biglang nagpakita sa 'kin ang batang nakita ko noon at ang yaya nilang mataba. Sabay hablot ko sa bata at sa yaya ngunit pumiglas ito.

"Ano pa po bang hinihintay niyo? Papatayin niya rin kayo!" pagpupumilit ko na sambit sa kanila na gustong-gusto ko na mailigtas sila mula kay Ma'am Natasha.

At sumagot naman ang yaya gamit ang dugo na para bang ginawa niyang pansulat ito at ang naging papel naman niya ay ang pader.

"Tumakas na kayo! Wag mo na kaming alalahahin! Patay na kami! sabay ngiti sa 'kin nung bata at ni yaya, nagulat ako dahil wala silang ngipin at dila. sabay yakap sa 'kin ng bata "Alagaan mo po ang pamilya mo ate ah?" tanong na isinulat ng bata sa pader. "Oo" sagot ko naman.

Narinig ko namay paparating at mukhang si Ma'am Natasha na 'yon to the rescue naman ang mabait na multong yaya agad na itinuro ang lihim na daan sa kusina. Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko at ang pag-kaway ng aking mga kamay sa kanila.

Agad akong kumatok sa pintuan.

"Mom! mom! Buksan mo po yung pintuan si Tanya toh! Mom Bilisan niyo po" nagmamadaling sambit ko.

Yinakap ako ni mom sabay sarado ko ng pinto at yakap ko naman din sa kanya pati narin kay Timmy.

"Buti na lang okay kayo." pabulong kong sinabi sa 'king sarili.

To be continued

UNSAFEWhere stories live. Discover now