Kailyn's POV
Hindi ako pumasok ngayon dahil sabi daw ni Zyan dito nalang ako sa bahay.
"Baka ma deduct ang grades ko, papasok nalang ako ayaw ko ng minus" pagmamakaawa ko ni Zyan na handa na pumunta sa school.
"No magstay ka muna dito, wag munang aalahin ang grades mo alam na ng mga guro na absent ka today at bibigyan kalang ng notes nila bukas para makareview tutal matalino ka naman"sabi niya at umalis na. Hayst gusto ko talagang sumama sa kanya sa school.
"Kailyn! Aalis na kami nilang lola at lolo may importanteng meeting kasi ang pamilya namin, ikaw lang muna ang maiiwan dito. Sya nga pala may binilin akong pera dyan gastosin mo lang kung gusto mo bye bye!"
"Pati na naman kayo kuya..." I murmured. Ako lang ang magisa dito, how boring. Pumunta ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
"Anong gagawin ko?, matutulog nalang?....hindi naman ako inaantok" sabi ko sa sarili ko. Tatayo na sana ako ng biglang nagring ang phone ko. Tumawag si Zyan bakit kaya? Sinagot ko iyon.
"Hello?" Sabi ko sa kabilang linya
"Kailyn nandyan pa ba silang kuya?" Tanong niya.
"Wala, bakit?"
"..." hindi na niya ako sinagot at hinung up na.
"Hello!? Hello!?...... so ganoon nalang!!?hindi man lang sinasagot ang tanong ko? Hindi ko na talaga sasagutin ang tawag mo wala kang kwentang kausap!"
"Anong pinagsasabi mo diyan?" May biglang nagsalita. Hala may multo ba dito?
"Tumingin ka sa likod mo" ginawa ko naman.
"Ay kabayo! Z-zyan bakit ka nandito!?" Since when siya nakapasok may teleportation power ba tong lalaking ito?
"Hindi din ako papasok, class is boring"
"Eh Bakit ka pumunta kanina?"
"Mapagalitan ako ni kuya kung hindi ako papasok kaya nang malaman ko na may lakad siya palihim akong nagtago"
"So dito ka lang tatambay?"
"Yep"
"Kung ang makinig sa teacher ay boring mas boring pa kaya dito, kung ako sa iyo mas pipiliin ko mag attend ng class"
"Pero hindi ka naman ako at may kalaro naman ako dito" tumingin siya sa akin."Rematch ka na naman? Ok fine, saan na yung game na iyon?"
"No, hindi yun ang lalaruin natin"
"Ano naman ang ibang laruin natin? Board games?"
"Nope pupunta tayo sa isang lugar"
"Saan naman ?"
"Basta isang lugar. Wag kanang tanong ng tanong"
"Fine! Magbibihis muna ako" pinalabas ko siya sa kwarto at nagbihis na. Nagjeans lang ako at nagblack t-shirt. Hindi ko na iniligpit ang buhok ko at nagwear lang ako ng lenses na ginamit ko nung nandoon ako sa auction. Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita si zyan sa sala na naiinip. Nang nagtagpo ang mga mata namin namula ako at umiwas ng tingin.
"So Nakablack ka din ng t-shirt" Sabi niya . Napatingin ako sa t-shirt niya at sa akin. Pareha kami nakablack.
"Sa funeral ba ang punta natin?" Biro ko.
"Sige kung gusto mo"
"Hahahahaha!" Tumawa kaming dalawa.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~