Zyan's POV
Dinalian ko ang pagsagot sa quiz. madali lang naman iyon tinuruan kasi ako ni Kailyn. Don't get me wrong kahit hindi pa niya ako tinuruan alam ko naman ang sagot. Ibibigay ko sana ang libro sa kanya kasi may duplicate pa naman ako, kaso may nakalimutan akong ireview at tinatamad akong kunin ang libro ko sa bag kaya nagpaturo nalang ako sa kanya. Umalis na din ako kaagad kasi kaylangan ko pang pakainin si Daisy. Oo si daisy, ang pusa ni kuya edward. Noong namatay ang amo niya, pinalabas siya dahil ayaw nila nito. Nakita ko siya sa memorial park kung saan nakalibing ang kanyang amo. Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko siya. Pumunta ako kanilang Theresa doon ko siya binilin kasi allergic silang lola at kuya sa pusa.
"Kuya Zyan!" Lumapit agad si theresa sa akin nang makita ako.
"Nagiisa ka lang ba dito? Saan si Aling Cora" tanong ko sa kanya. si Theresa nga pala ang anak nang tagapagalaga ko noong maliit pa ako si Aling Cora. Nagretired na siya noon. Malapit lang naman ang bahay nila sa school namin kaya minsan akong dumadalaw dito.
"Namamalengke po"sagot niya. I patted her head at ibinigay ang dala dala kong chocolate mahilig kasi siya nun.
"Para sa akin po ito? Salamat kuya Zyan!" She hugged me.
"Hmm"
"Meow~" lambing ni daisy. Nakalimutan ko pala nandito si daisy. I touched her fur.
"Ahh.. sorry nakalimutan ko nandyan ka pala. Heto oh" I gave her favorite treat. Masayang kinain naman niya ito.
"Aalis na ako, may klase pa ako"
"Sige po, Ingat ka, bisita ka ulit ha"
"Ok" sabi ko at umalis na.
Doon ako dumaan sa likod nang school may gwardya kasi sa entrance. I climbed at the wall. Lalanding na sana ako nang.
"Ahh!" Sigaw nang babae
Thud!
"Ugh!" I looked at the unfortunate person na natamaan ko. "Kailyn!?"
"Tumayo ka nga!" Gaya nang sinabi niya tumayo ako.
"Bakit ka nandito? Class hours pa naman" ako ang unang nagsalita
"Inutusan ako nang guro na kunin ang files sa office, at ikaw saan ka naman galing nag skipping class ka naman" Tsk!ginawa na siyang slave ng guro at parang wala lang siya doon. Your so dumb kailyn.
"Theres no such thing is skipping class well mayroon skipping lesson sa P.E"
"Bahala ka na nga! Ang pilosopo mo!, no wonder ang dami mong palusot" aalis na sana siya but i blocked her way.
"Hindi dito ang daan" inform ko sa kanya.
"Huh? Talaga ang nakasabi dito sa map na dito daw matatagpuan , eh? Baligtad pala ito!"
Hays ang tanga mo din noh.
"Sumunod ka"
"Saan?"
"Saan ka ba pupunta? di ba sa office" sabi ko at na gets naman niya kaya sumunod siya sa akin. Nakaabot na kami sa office.
"Sige papasok na ako salamat nga pala sa tulong mo" pumasok na siya sa office sumunod naman ako . I felt something bad might happened if this stupid girl comes alone kaya sinamahan ko nalang siya.
"Bakit ka sumama?"
"Baka kasi hindi mo alam kung nasaan ang table ng guro natin"
"Oo nga pala noh"
Pagkatapos naming kunin ang files ay pumunta kami sa classroom at binigay ito sa guro hindi na ako pinagalitan ng guro alam kasi niyang marami akong palusot. I sit down at my original place mabuti nalang dito ako umupo ang tahimik kasi nang katabi ko. Tumingin ako sa kanya na seryoso sa pagaaral. She reminds me of my friend Jessy napakaseryoso din niya sa pagaaral but dahil sa akin nasira ang kanyang buhay. I still remember her last words.