Chapter 03

15 0 0
                                    

Kring! Kring! Kring!

"Ugh" hindi ko alam na may alarm clock pala dito. I dismissed the alarm at bumangon na sa kama. Binukas ko ang closet at nakita ko ang isang maroon na school uniform.

"Para sa akin ba ito?" may nakita akong papel sa bulsa ng palda ng uniform.Binasa ko ang nakasulat doon.

"Kailyn ito ang susuotin mo sa school, nakaready na din lahat ng requirements, kunin mulang sa cabinet, pasensya na hindi na ako makahatid sa inyo may importanteng business meeting kasi ako, babawi nalang ako sa inyo paguwi. Ipahatid ko lang kayo sa driver ko. Goodluck sa first day of school"

"From kuya drake:)"

Napangiti ako sa nabasa ko , This events happening to me after my sufferings is a miracle. Sana palagi nalang ganito.Nagayos na ako sa sarili ko at bumaba na. Nakita ko si lola na naghain ng kanin.

"Magandang umaga iha maayos ba ang tulog mo? Halika dito kumain ka na"

"Magandang umaga din lola, salamat sa pagkain" umupo ako sa dining table nakita ko si Zyan na kumakain din.

"Same grade pala kayo ni Zyan, grade 8 mag aral kayo ng mabuti ha"

"Opo lola" tumingin ako ni Zyan, halatang inaantok pa siya. Wala kasi siyang gana. Na sapilitan lang kumain.

"What?" Tanong niya ng makita niya akong nakatitig sa kanya.

"Wala" tumingin nalang ako sa pagkain ko at kumain na.

●♤●♤●♤●♤●♤●♤●♤●♤●♤●♤●♤●

Sumakay na ako sa kanilang sasakyan. grabe, ang lamig sa loob kung alam ko sana na kasing lamig nito ang reff eh di sana nagdala ako ng jacket , ang katabi ko naman wala lang sa lamig, nakatulog nga siya ng mahimbing. Sanay siguro.

"Young master, Young lady nandito na po tayo" binuksan niya ang pinto. Nauna na si Zyan bumaba at ako sumunod.

"Salamat kuya, at tawagin mo nalang akong Kailyn"

"As you wish young lady" hindi pa rin siya nagmove on sa young lady. Ganyan siguro ang sign of respect nila sa guest or family nila Zyan . Hays!
Bahala na nga. Napanganga nalang ako sa laki ng paaralan. Naku ang mahal siguro ng tuition dito, naawa tuloy ako kay kuya ang laki ng ginastos niya . Nang pinasok namin ang napakalaking golden gate ng school. Nakita ko ang mga babaeng nasa gilid nagsisigawan at nagbigay daan kay Zyan, is he really that popular here?, sabagay gwapo naman siya. Ako samantalang nasa gilid niya nahihiya, aalis sana ako sa tabi niya nang pinigilan niya ako.

"At saan ka naman pupunta? Alam mo ba saan ang classroom?"

"Ah hehehe hindi"

"Yun naman pala eh , sumunod ka lang sa akin , dont stroll around " sumunod na lang ako sa kanya ignoring those deadly glares around. Looks like i am in deep trouble.

"Dito ang daan nang ating classroom kung hindi mo matandaan heto" he tossed me a paper. Luckily i catched it , walang hiya tingnan mo nakumot na. Isa itong map sa school sa laki nito hindi mo talaga matandaan ang daan.

"Since new student ka pa lang dito dapat kang magpakilala sa iyong sarili mamaya, Ang teacher na ang bahala kung saan ka uupo , iyan lang ang matutulong ko " sabi niya at umalis na.

"Ok, Salamat" Saan ba siya pupunta?, hays bahala na siya . Sinunod ko ang map at sa wakas nakarating na ako sa classroom ko. Maraming nakatitig sa akin at nagbubulungan.

"Psst diba siya yun ang na sa tabi ni Zyan kala mo sino, alalay siguro siya ni Zyan"

"Oo nga sa pangit naman niyang mukha para na siyang pulubi"

I like you just the way you areTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon