Nakasakay ako ngayon sa isang limousine at hinihintay na makadating sa school.
"Ang ganda grabe. "Bulong ko habang ginagala ang paningin sa loob ng limousine. Naramdaman kong unti unti ng bumabagal ang takbo ng sasaktan Hanggang sa huminto na ito.
May nagbukas ng pinto at sinabing "Ms. Lopez nandito na po tayo. "Sabi ni manong.
"Ganon po ba sige po baba na po ako. "
Sabi ko at bumaba ng sasakyan. "Manong bakit parang ang bilis naman po yata ng byahe? "Taka kong tanong."Ahhh kasi po maam may dinadaanan pong portal para nakadating dito. "Sagot nya sa Tanong ko at kinuha ang maleta ko.
"Ah ganon po pala. "Nilibot ko ang paningin ko at nakita na hindi lang pala ako nagiisa. May iba pang mga Estudyante na bumaba mula sa mga limousine. Ang dami pala namin, akala ko nag isa lang ako.
"Ms. Lopez dumeretso lang po kayo jan Hanggang sa nakita nyo ang pila para sa ID and uniform nyo. Isusunod ko nalang po ang gamit nyo sa magiging dorm nyo. "
"Sige po manong salamat po. "Pasasalamat ko sa kanya at nag simula na akong maglakad.
Grabe ang ganda naman ng school na to parang palasyo. Sa harapan ay may malaking gate na na kulay itim tapos sa gitna ay may pakpak na kulay ginto. Pag pasok mo naman sa loob ay may makikita kang malaking fountain na pinapalibutan ng mga bulaklak. Grabe harap palang to pano pa kaya pag makita ko na ang kabuuan.
Naglakad lang ako ng Naglakad Hanggang sa makita ko na ang pila.
"Sa wakas nandito na rin. "Bulong ko at tiningnan ang pila. Merong dalawang pila one for the girls and one for the boys."Ay shemay! "Nagulat ako ng may bumungo sakin na parang nadapa yata. Tumingin ako sa likod at nakita ang isang babae na napadapa.
"Ayan kase lalampa lampa. "Uy di ako yun ah yung babaeng nasa likod nya yun nagsabi non.
"Miss ayos ka lang? "Tanong ko dun sa babaeng naka dapa at tinulungan syang tumayo.
"Ayos lang ako, sorry pala na bunggo pa kita. "Hingi nya ng tawad at pinagpagan ang sarili nya.
"Ayos lang ano ka ba. "Sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa likod nya at nakita ang tatlong babae na naka ngisi. Hmm tutal lahat naman kami dito ay hindi normal baka pwede ko ng ilabas ang tapang ko. "Ano bang problena nyong tatalo? "
Tanong ko sa tatlong babae ng walang takot."Pake mo ba? Kung makaasta ka parang di ka baguhan ah. "Nakataas ang kilay na sabi nya.
"A-Ahm miss hayaan mo nalang sila. "
Nakayukong sabi naman ng babae."No way what they did to you is so wrong. "Sabi ko at lumapit sa mga babaeng bruha. "Kayong tatlo ano naman karapatan nyo para manakit ng kapwa ha? "
"Haler FYI Aira is the future Queen here if you don't know. "Mataray namang sabi ng nasa kaliwa nya. Kaya pala ang lakas ng loob nila na mam bully.
"As if I care, ni wala nga syang koronang soot soot jan sa ulo nya pano sya magiging reyna? Baka reyna ng mga impakta. "Sabi ko at inirapan sila. Pumasok na ako sa loob dahil ako na pala ang next. Bahala sila dun HAHAHA.
"Hello please look infront and smile for your ID picture. "Sabi ng parang robot na boses kaya humarap ako sa unahan kung saan may maliit na bilog at ngumiti.
"Thank you, now go ahead to the next room to test your skills. "So sununod ko yung sinabi at naglakas pa harap, kusa namang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang babae.
"Hello what's your name please?"Sabi sakin ng babae kaya sinabi ko ang pangalan ko sa kanya.
"Celestine Solaria Lopez po. "Sagot ko sa kanya habang naka ngiti.

BINABASA MO ANG
Golden Wings Academy
FantasyCelestine Solaria Lopez has been hiding her secret as long as she can remember. One day her misterious teacher found out about her secret. Coincedentally her teacher is also like her, she is also a POWER HOLDER. Suddenly her teacher transferred her...