Chapter 7:New powers

10 0 0
                                    

Nasa field kami ngayon dahil power handling class namin ngayon. Nakaisang hilera kami at nakaharap kaming lahat kay Sir Ivan.

"In order to control your powers you should focus your mind and feel it grow inside of you to be one with your powers. Ria kaylangan mo ng extra effort para makasabay ka sa kanila. "Paalala naman sakin ni sir.

"Yes sir, I will do my best. "Sabi ko naman sa kanya. Kaylangan kong mapalabas ang iba ko pang abilities, kung meron pa talaga.

"Bibigyan kita ng partner para tulungan ka sa pagkontrol ng abilities  mo. Trevor, tutal parehas naman kayong elemental user ikaw nalang ang tumulong sa kanya. "Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil dun. Ayaw ko! Kawawa ako sa kanya.

"Sir pwede iba nal--"

"Sige po sir. "Tumingin sya sakin at ngumisi. Oh God I'm doomed. "I'll take gooooood care of her. "Dugtong nya pa.

"Ok then, sit on the ground and close your eyes. "Sabi nya na agad naming sinunod. "Focus and feel the powers inside of you. "Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang sarili ko. Ganun parin ang pakiramdam ko, I can feel the energy inside me.

Nagkaroon ng malakas na paghangin at medyo yumanig din ang lupa. Dahil yata yun kay Trevor. Nakarinig din ako ng ilang kislap ng koryente na mukang kagagawan ni Aaron. Hindi ko maramdaman ang iba.

"Ok stop and open your eyes. "Dumilat naman kami at parang walang nangyari. "Kakalabanin nyo ang isat isa, Ria kaylangan mong mapalabas ang kapangyarihan mo. Isang paraan para mangyari yon ay panick and adrenaline rush. "

Tumingin sya saming lahat ng seryoso at pumili ng kanya kanya naming makakalaban. "Ria and Trevor kayong dalawa ang mauna. "Nanlaki naman ang mga mata ko at tumingin kay sungit. He smirk and mouthed 'your dead' oh my gosh patay talaga ako.

Naglakad na sya sa gitna kaya wala na akong nagawa kundi sumunod.

"Ingat ka Ria. "Ella

"You can do this. "KC

"Lagot ka na Ria. "Cian

"Focus Ria. "Aaron

Hay nako kinakabahan ako! Papatayin ako ng lalaking to. Nakarating na ako sa gitna at ngayon ay magkaharap kami.

"Huy, sorry na joke lang naman yun ihhh. "Sabi ko sa kanya habang nakanguso.

"Stop pouting your not cute. "Sabi naman neto habang naka tingin ng blangko sakin.

"Naman ihhh sorry na! Wag mo akong gantihan. "Sabi ko ulit pero ngumisi lang ulit sya.

"You wish. "Sabi nya naman. Patay ka na talaga Ria, tumakbo ka nalang mamaya.

"Ok 1,2,3 start! "Sigaw ni sir kaya agad akong tumakbo palayo. Kaylangan mong makalayo Ria. Kaso nadapa ako dahil yumanig ang lupa.

"Don't try to escape Lopez, fight me weakling! "Sigaw ni Trevor. Pumikit ako at tinawag si Zephyr.

"Zephyr help me. "Sabi ko at humangin naman sa paligid namin at naramdaman kong umangat ako.

"I'm here mistress. "Rinig kong bulong nya kaya napangiti ako. Pinaikot ikot ko ang daliri ko at gumawa ng tatlong buhawi at pinapunta sa direksyon ni Trevor.

Gumawa sya ng harang na gawa sa lupa kaya hindi sya nadaplisan kahit kaunti.
"Is that all you can do?! "Tanong naman nya at gumawa matutulis na ice popisicle at pinapunta sa direksyon ko. Umihip ako at pinabalik yon sa dirksyon nya.

Gumawa ulit sya ng earth shield upang panangga. Tumakbo sya palapit sakin at gumawa ng maliliit na ice circles and water bubbles. Inikot ko ang kamay ko at umangat ako mula sa lupa kaya nakaiwas ako. Nagulat nalang ako nagkaroon ng yelo sa paa ko kaya bumangsak ako.

"You cant escape from me lopez. "Sabi ni Trevor na naglalakad papunta sakin. Gumawa ulit sya ng ice popsicles at pinapunta sa sakin.

Pumikit ako at hinarang ang kamay ko sa muka ko. "Protect me please. " nasabi ko nalang sa utak ko. Ilang segundo pa ang hinintay ko pero walang tumama sa akin. Minulat ko ang mata ko at nakitang may nakapulupot na vine kay Trevor at may vines na may hawak ng popsicles na ilang inches nalang ang layo sakin.

"My name is Flora, I heared your voice calling for help mistress. "Sabi ng boses sa utak ko. The spirit of nature.

"Thank you for your help Flora, you can let go of him. "Unti unting nawala ang mga vines at nabitawan si Trevor.

"Very good Ria, napalabas mo ang second power mo which is Nature. "Nakangiting sabi ni Sir akin.

Tumingin ako kay Trevor at nakita syang hawak ang binti nya. Nasaktan yata sya kanina. Naglakad ako palapit sa kanya at pinantayan sya. "Ayos ka lang ba? "Nagaalala kong tanong sa kanyan.

"I'm fine. "Sabi nya naman at sinubukang tumayo pero nabigu sya. Hinawakan ko ang braso nya bago pa sya mumba.

"Come on let me help you. "Sabi ko sa kanya at tinulungan syang tumayo.

"I said I'm fine, I dont need your help. " Madiin nyang sabi at tinanggal ang pagkakakapit ko sa kanya kaya na out of balance sya buti na lang nahawakan ko ulit sya. Tingnan mo to ok daw pero di maka lakad.

"Wag ka na ngang makulit, pasasalamat ko na rin to sa pag dala mo sakin sa dorm kahapon. "Sabi ko naman at inalalayan sya. Buti naman di na sya pumalag. "Besides kasalanan ko rin kung bat ka nasaktan, sorry. "Hingi ko sa kanya ng tawad.

"Tsk, dapat lang your so heavy. "Sabi naman nito. Napairap nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sige na dalhin mo na sya sa healers. "Sabi naman ni Sir samin. "Ieexcuse ko nalang kayo sa susunod nyong subject. " Dugtong nya ulit.

"Sige po sir salamat po. "Sabi ko naman sa kanya.

"Sige na at tuloy parin ang klase. Aaron and Cian kayo naman. "Sabi naman ni sir kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Be careful Ria and Trevor. "Nginitian ko nalang si KC at naglakad na ulit. Ang bigat naman neto.

"Zephyr, a little help here. "Bulong ko sa hangin at tunulungan nya naman ako kaya medyo gumaan sya.

"Just go back to class, I can handle my self. "Sabi naman netong sungit na to.

"Hoy Mr. Sungit ginagawa ko to dahil nagpapasalamat ako sayo. Tska tinatamad na akong pumasok. "Sabi ko maman sa kanya. Kasalanan ko naman kasi kung bakit sya nasaktan.

Tsk, lazy girl. "Sabi naman neto. Tingnan mo to tinutulungan na sya nangaasar pa.

"Manahimik ka na nga lang sipain kita jan eh. "Irap ko sa kanya.

"Go on kick me, your concience will hunt you. "Banta naman nya, sus alam nya lang na di ko yun gagawin eh.

"Pasalamat ka talaga mabait ako kung hindi kanina pa kita pinabayaan. "Proud kong sabi sa kanya.

"Dapat lang naman na tulungan mo ako, its your fault. "Ang kulit din nitong magtagalog aba.

"Pft, ang pangit mo magtagalog. "Natatawa kong sabi. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Dont laugh at me, mean girl. "Ang dami ko namang pangalan.

"Grabe kanina crazy girl tapos naging lazy girl, ngayon naman mean girl? " Natatawa kong sabi sa kanya.

"Will you just shut up? Your so noisy. " Irita nya naman sabi.

"Eh sa madaldal ako eh, anong magagawa ko? Hahaha. "Pangiinis ko sa kanya.

"Your so noisy and annoying you know that? "

"And your so masungit and stubborn  you know that? " Ganti ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bahagya syang ngumiti pero bumalik ulit sa dati nyang expression.

"Yeah I know, and you cant do anything about it. "He looked at me and smiled again. Pagtapos non tumingin ulit sya sa harap at balik sa dati.

Ashen Trevor Asenier just smiled. He friking smiled!













Golden Wings AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon