Chapter 11:The Rebels

0 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa kwarto ng boys para pagusapan ang plano namin. 7:00am palang ay gising na kami dahil marami kaming gagawin. Kumain na kami ng breakfast kanina kaya nag paplano na kami.

"We will be devided into two groups. Kayong girls ay pumunta sa baranggay Rosario. (gawa gawa ko lang po ang mga baranggay na na banggit. Di ko po kasi alam ang mga baranggay dun.) Kaming boys naman ay sa katabing baranggay. Dun sa dalawang baranggay ang pinakamaraming nakuhang mga bata. "Tumigil muna sya at binigyan si KC ng maliit na bilog na something.

"Ikaw ang mag lead sa kanila. Magtanong tanong kayo sa mga tao kung may mga napansin ba silang kakaiba. Magkita kita nalang tayo ulit dito mamayang 5:00pm. "Sabi nya saamin ay tumayo na. Tumayo narin kami at lumabas na kami ng Resort.

Medyo naglakad pa kaming girls papunta sa hindi masyadong matao. Pinindot ni KC ang chip at nilapag sa kalsada. Maya maya lang ay naging isang red na kotse ito.

"Yan si Carylle, ginawa yan ni Aaron para sa girls. "Sabi sa akin ni Ella kaya napa tango tango ako. Si KC ang nag drive at ako ang nasa passenger seat, si Ella naman sa back seat.

"Carylle find the location of baranggay Rosario. "

"Yes, miss KC. "And may lumabas na hologran na nagpapakita ng daan.

"Ang astig talaga. "Mangha ko nalang na sabi.

"Aaron can do anything connected to technology. Well that is one of his powers. "Sabi naman ni KC at nag simula ng mag drive. "Una nating pupuntahan ang baranggay hall at mag tatanong tungkol sa mga batang nawawala. Pag katapos non ay pupuntahan natin ang mga magulang nga mga bata. "Sabi samin ni KC.

"Bakit ba nangunguha ng mga tao ang rebels? "

"Para kunin ang energy nila, lumalakas ang mga rebels sa pamamagitan ng pag drain ng energy ng mga tao. "Paliwanag naman ni Ella mula sa likod.

"Diba sabi nyo kagaya natin sila, eh bakit kaylangan nila ng energy ng mga tao para lumakas? "

"Oo, power holders din sila kagaya natin. The difference is they have demon blood. Ang mga rebels ay bunga ng panggagahasa ng mga demon sa mga babaeng power holders. "Ganun pala yun, akala ko normal power holders lang sila.

"Lahat ba ng may demon blood ay mga masasama? "Baka kasi may mga mabubuti rin.

"Merong iba na may demon blood na tumakas at piniling sumama sa kabutihan. Tinatawag namin silang Demgels (Demjels) as in Demon+Angels. "

"Ah ganun pala yun. "

"We're here. "Pagkasabi non ni KC ay tumingin ako sa labas. Magkakadikit lang ang mga bahay dito at di gaano kalakihan ang daan. Huminto kami sa tapat ng isang maliit na bahay. Mukang eto ang baranggay hall. Bumaba na kami ng sasakyat at pumasok sa loob.

"Naimbag nga bigat,ana ti maitulong mi kadakayo. "Sabi ni manong tanod.

"Ah manong pwede po tagalog? " Sabi naman ni Ella kaya medyo natawa si manong tanod.

"Ano po ang kaylangan nyo? "Sabi nya samin.

"Nabalitaan po kasi namin ang tungkol sa mga batang nawawala. Ano po ba ang nagyari? "Sabi ni KC.

"Ah tungkol ba kamo doon? Tatlong araw nang may nawawalang mga bata dito, karamihan ay mga 10 taon. Kahapon lang ay may nawalang 8 bata. "Napa tango kaming tatlo at nagka tinginan.

"Pwede po ba naming malaman kung sino ang mga magulang ng mga bata. " Magalang na tanong ni KC.

"Naku ija hindi ko po masasagot yan, dadalhin ko nalang po kayo kay kapitan. "

Golden Wings AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon