Nakatapat ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Tapos na ako maligo at ngayon naka soot na ako ng uniform. Nakasoot ako ngayon ng puting long sleeve na pinatungang ng black na longsleeve blazer na may gold linings. Binotones ko ang blazer ko kaha kaunting puti lang ang kita, sa bandang taas lang.
Pinartneran ito ng ng 3 inches above the knee na black na palda na may gold lining sa bandang baba. Naka black na long socks din ako na abot hanggang ilalim ng tuhod. Naka soot na din ako ng blackshoes na medyo may heels pa.
"Ang ganda naman ng uniform nila. " Sinoot ko na rin ang pin ko na nilagay ko sa bandang gilid ng damit ko. Sinoot ko na rin ang ID ko ay inayos ko na ang buhok ko.
Pinaside ko ang hati ng buhok ko at tinali ko ang gilid nito. Naglagay din ako ng kaunting pulbo at lipbalm. "Ayan ayos ka na Ria. "
Matapos kong mag ayos ay bumaba na ako. Saktong paglabas ko lumabas na rin si Trevor ng kwarto nya. "Goodmorning " Bati ko sa kanya pero tiningnan nya lang ako saglit tapos nag lakad na. "Pinaglihi yata to sa sama ng loob. "Bulong ko at umirap nag lakad nalang din ako at bumaba.
"Goodmorning Ria! Tara kain na tayo. "
Bati sakin ni Ella."Goodmorning" Naka ngiti ko ring bati sa kaniya at sa lahat. Tiningnan ko ang lamesa at puno ito ng masasarap na pagkain. "Sinong nagluto? "
"Walang nagluto ginamit lang namin yung cooking thingy ni Aaron. "Sagot naman ni Cian.
"Oh ok " Medyo taka kong sabi. Nakakapanibago lang dahil sanay ako na ako lang yung nagaasikaso at nag luluto para sa sarili ko.
Umupo na ako sa tabi ni KC at hindi nag salita. "Ok lets pray guys, KC kindly lead. "Sabi naman ni Aaron kaya pumikit na kami.
"Lord God thank your for the food that you gave us this morning. Bless us and guid us on our first day. Amen. " Pagtatapos nya.
"Kainan na! "Sabay na sigaw ni Ella at Cian at kumuha na ng pagkain. Medyo na tawa naman ako at kumuha na rin ng pagkain.
***
Nandito na kami ngayon sa classroom namin at hinihintay ang teacher namin. Nilibot ko ang paningin ko sa class room at nakitang may kanya kanya silang ginagawa. Yung iba naglalaro gamit ang powers nila tapos yung iba tulala lang. Eto namang isa walang tigil sa kaka dalal.
"Ano ang tingin mo dun sa tatlo na ting seryosong members? "Pabulong namang sabi nito sakin habang naka tingin dun sa tatlo na may kanyakanyang ginagawa.
Si KC may pinapalutang na ballpen at pinapaikot iyon. Si Aaron naman may kinakalikot dun sa transparent na tablet nya. At si Trevor naman nakatungo lang.
"Wala naman bakit ayos naman sila eh. Pwera dun kay Trevor ang sungit. "Pabulong yung huli kong sinabi di marining nung tatlo.
"Masanay ka na dun Ria ganyan talaga yan. "Bulong naman ni Cian na nasa kaliwa ko. So bali pinapagitnaan ako nung dalawa.
"Goodmorning Class! "Sabi ng bagong dating naming teacher. "I'm Ivan Barbosa and I will be your advisor this year. "Pakilala nito at tiningnan kami isa isa. "Wow mukang may baguhan tayo ah! Welcome to Golden Wings Academy Ms. Celestine Solaria Lopez. " Naka ngiti niyang sabk sakin.
"Pano nyo po nalaman ang pangalan ko? "Taka kong tanong sa kanya.
"Oh thats one of my abilities, absorbing information. "Sagot naman nito. "So ngayong araw ay ipapakita nyo lang sakin ang mga kapangyarihan nyo tutal first day palang naman. "Sabi naman neto.

BINABASA MO ANG
Golden Wings Academy
FantasyCelestine Solaria Lopez has been hiding her secret as long as she can remember. One day her misterious teacher found out about her secret. Coincedentally her teacher is also like her, she is also a POWER HOLDER. Suddenly her teacher transferred her...