Chapter 5:Choosing the weapons

12 0 0
                                    

Pinatigil ko na ang hangin at bumalik na ako sa pwesto ko. Napangiti ako ng umikot muna ulit to sakin bago sya umalis. "Bye Zephyr. "Paalam ko at tumingin sa mga kaklase ko.

"Amazing you can talk with the wind? " Masayang tanong sakin ni Cian.

"Yes, why? "Taka kong tanong. Yung iba bang wind user hindi kaya?

"Your definetly the other elemantal guardian. "Sabi naman ni Aaron. "Your just like Trevor you can also talk to elements. "Dag dag pa nito.

Tumingin noman ako sa kanya pero inismiran lang nya ako.

***

Nang natapos na ang Section Gold ay pinabalik kami ni Sir sa room namin. Ngayon naman ay pinagaaralan namin ang History ng Golden Wings Academy.

"Golden Wings Academy is established 125 years ago. Pagkatapos ng pagaaway at sagupaan ng dalawang elemental guardians ay nasira ang tirahan ng mga power holders kaya tayo nagkawatak watak. Isang taon matapos ang labanan  ay ginawa ng venture ang school na ito para muling itipon ang mga power holders. Ang grupo nila ay binubuo ng anim na pinaka malalakas na power holders sa buong magics. Kasama na dito ang dalawang elemental guardians. Matalik na magkaybigan ang dalawa ngunit ang holder ng power of Darkness ay nilamon ng kapangyarihan niya."

Dahil sa kwento ni maam Julia ay napatingin ako sa lalaking nasa bandang likuran pero blangko lang ang muka neto kagaya ng dati.

"Sinubukan labanan ng dark holder ang kadiliman pero hindi nya ito kinaya kayat kinaylangang kalabanin ng light holder ang kaybigan nya para iligtas ang iba pang power holders. Nanalo ang light holder at namatay naman ang Dark Holder. "Kawawa naman pala sya.

"Maam ano pong nangyari sa Venture  nagka watak watak na ba sila." Pahabol na tanong ni Ella bago tumayo si maam.

"Matagal na silang wala, pero may bagong henerasyon na pumalit sa kanila. "Sabi naman ni maam at ngumiti sa amin. "Sige na pumunta na kayo sa training room para sa weapon handling and combat training nyo. " Huling sabi ni maam bago sya lumabas.

***

"Hello class I'm Mr. Lucas Mendoza and I will be your trainor for this year." Pakilala nya saamin. "Kindly introduce your selves please. "Naka ngiti nyang sabi. So ibig sabihin bagong teacher lang sya dito.

"Ashen Trevor Azenier, 18."

"Aaron Miller, 18."

"Cian Jerome Wilson, 17."

"Kiara Celine Smith, 18."

"Celestine Solaria Lopez, 17."

"Janella Santillan, 17."

"Nice to meet you alphas. "Nakingiti niyang sabi saamin. "Dahil first day palang naman ng klase mamimili lang kayo ng sandata nyo. Kung ano ang pipiliin nyo yun ang gagamitin nyo sa mga trainings nyo, so choose wisely. Piliin nyo ang sandata na feeling nyo ay may connection sa inyo. "

"Ang tagal na naming hinihintay to, hindi pa kasi kami pinapapili ng weapon kase hinihintay ka namin. Sawakas makakapili na ako. "Bulong sakin ng exited na si Ella. Ang astig naman neto, tuturuan kami gumamit ng sandata.

"Mamili na kayo alphas. "Sabi ni sir kaya agad namang pumunta yung mga kasama ko sa mahabang lamesa sa gilid. Sumunod na din ako sa kanila at tiningnan isa isa ang mga wepons dun.

Merong mga baril, pana, espada, at mga patalim dito. Nahagip ng mata ko ang isang maliit na patalim na mukang dagger yata. Kulay puti ang handle nito ay may ulo ng puting dragon sa taas ng hawakan nito. Kinuha ko ito at tiningnan ito ng mabuti. Nagulat ako ng biglang umilaw ang mga mata ng draglon tapos humaba ito at naging espada. Hinawakan ko ang blade nito na may drawing na puting dragon na nakapaikot sa talim nito.

Golden Wings AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon