Chapter 9:First Mission

2 0 0
                                    

"May mga sumalakay na mga Rebels sa Ilocos Norte. Kaylangan natin silang patayin at kunin ang nga binihag nilang mga bata. "Seryosong sabi ni Aaron.

"Wait anong Rebels? "Takang tanong ka sa kanila. Grabe OP na ako.

"Power holders din sila pero ginagamit nila sa masama ang mga kapangyarihan nila. "Sagot naman nya sakin.

"Kaylangan nating pumunta sa Ilocos bukas kaya ihanda nyo ang mgs gamit nyo. We will leave at 2:00am tomorrow, baka 3-4 days tayo dun. "Sabi pa neto.

"Wait 2:00am as in mamaya agad? " Tanong ni Ella. Kaya nga noh ang aga.

"We need to save those children bago pa ma drain ng rebels ang energy nila. Thats why minamadali natin. Pack your things alphas. "Huling sabi nya at naglakad na papunta sa pinto.

"Nagkakaroon talaga kayo ng missions?" Tanong ko kay KC.

"Yes, it's the alphas respinsibility to take rebels and keep the Normals safe. " Paliwanag naman sakin nito. So parang super heroes kami ganon? Astig.

"Ok sige aakyat na ako sa kwarto ko. " Paalam ko sa kanya at lumabas na ng meeting room. It's now 7:00pm may oras pa ako para matulog. Kinuha ko ang backpack ko at nilagay don ang mga kaylangan ko bago iset ang alarm ko at ma tulog.

***

It's 1:35 in the morning at ngayon ay papunta kami sa sasakyan namin.

"Ella ano ba ang laman nyang bag mo bat ang laki? "Tanong ko sa babaeng may malaking bag. Parang sa ibang bansa yata to pupunta.

"May mga snacks kasi jan, sino ba naman ang mag ro-road trip ng walang snacks diba? "Nakangiti naman nyang sabi.

"Yun buti nagdala ka, penge ako mamaya. "Sabi ko naman sa kanya. Sana may dala syang piknik.

"Sige, sige tabi nalang tayo mamaya. " Sabi naman neto at kumapit sa braso ko. Hinayaan ko nalang sya at naglakad na kami. Huminto kami sa tapat ng isang van.

"Ako nalang ang magnamaneho, Aaron akin na yung susi. "Sabi naman ni Cian. Hinagis naman ni Aaron ang susi sa kanya at pumunta na si Cian sa driver's seat at si KC sa passenger seat.

"Ella ako sa may bintana, nahihilo ako pag hindi ako dun. "Sabi ko sa kanya bago kami pumasok.

"Sige dun tayo sa dulo. "Pumunta naman ako sa dulo at pumwesto sa dulo. Nasa harap naman si Aaron at Trevor.

"Aaron saan banda sa Ilocos tayo pupunta? "Tanong ni Cian habang palabas kami ng school.

"Sa Pagudpod Ilocos Norte tayo. "

"Ok, Vanessa give the location to Pagudpod Ilocos Norte. "Sabi ni Cian at nagulat naman ako ng may magsalita.

"Yes master Cian. "Pag katapos non ay may lumabas na hologram sa harap ng sasakyan.

"Wow ang galing. "Nasabi ko nalang.

"Si Vanessa ay isa rin sa mag inventions ni Aaron. Actually meron din kaming airplane, helicopter, and cars." Mas lalo tuloy akong namangha sa leader namin.

"Ilang mission na ba ang nagawa nyo? " Curious kong tanong sa kanya.

"Hindi ko na mabilang, ang dami kasi ng mga rebels na nanakit at pumatay ng mga normals. "Sabi naman nito kaya napa tango tango nalang ako.

"Eh teka Ella, kung ngayon lang kayo Nakapili ng weapons nyo what do you guys use sa mag missions nyo? "

"Ginagamit namin yung mga binigay samin ng mga teachers na sword. Pansamantala lang daw yun hanggat di pa kami kumpleto. "Napatango tango nalang ako dahil sa sinabi nya.

"Vanessa invisible mode. "Sabi ni Cian pero parang wala namang nagbago.

"Kung nagtataka ka, invisible tayo ngayon mula sa labas. "Sabi naman ni Ella at binigyan ako ng snack.

"Thanks. "Sabi ko sa kanya at tumingin sa labas. Dumaan kami ng portal at pagkabas namin ay na manila na kami.

"Guys pwede muna kayong matulog mag s-stop over nalang tayo mamaya para kumain. "Sabi naman ni KC mula sa harapan.

Kinuha ko ang cellphone and headset ko at nakinig ng music habang kumakain ng chicherya.

***

Naalipungatan ako ng may yumugyog sakin. "Ria gising na kakain tayo. "Rinig ko ang boses ni Ella.

"Hmmm sige *yawn*wait lang. "Inaantok kong sabi sa kanya.

"Sige lalabas na ako sumunod ka nalang. "Sabi naman neto at lumabas na. Nag inat ako at inayos ang magulo kong buhok bago lumabas. Pumasok ako sa loob at nakita sila sa lamesa sa bandang gitna.

"Ria anong order mo? "Tanong sakin ni KC ng makaupo ako.

"Chicken, fries, and chocolate float. " Pagkasabi ko nun ay umalis na sya para umorder. Grabe na miss ko din kumain dito.

"Ella, anong oras na ba? "Tanong ko naman dito sa katabi ko.

"6:00am na. "Sagot naman nya. Kahit hindi pa naman ako ganun ka tagal sa Academy na miss ko agad ang simpleng buhay ko. Namiss ko yung gigising ako ng maaga tapos magluluto ako. Nakakamiss din pala ang pagiging independent.

"Guys wait lang kayo saglit. "Sabi naman ng kakadating lang na si KC at nilapag ang number namin sa lamesa.

"So anong plano natin pagdating natin sa Ilocos? "Tanong ko sa kanila habang hinihintay namin ang pagkain.

"Mag s-stay muna tayo sa isang resort dun at magpapahinga. Baka kasi gabihin na tayo. "Sabi naman ni Aaron kaya napatango tango ako. "Cian ako naman ang mag d-drive mamaya para makapagpahinga ka. "Dagdag nya pa.

"Sige lang bro ikaw bahala. "Sangayon naman ni Cian. Dumating na ang pagkain namin. Tahimik lang kaming lahat habang kumakain. Nangnatapos na kami ay bumalik na kami sa sasakyan. Nagpalit ng pwesto si Aaron at Cian.

Habang nasa byahe ang iniinom ko ang natira kong float. Tahimik lang ang byahe namin at kalmado. Katabi ko patin si Ella na lumalamon ng chicherya.

"Shorty penge akong snacks. "Sabi naman ni Cian na nasa harapan.

"Nangaasar ka tapos manghihingi? Bahala ka jan! "Sabi naman ni Ella at niyakap ang bag nya na puno ng snacks.

"Ang damot naman neto! Penge ako! " Sabi naman ni Cian at sinubukang agawin ang bag ni Ella. Nako naman akala ko payapa na hanggang mamaya eh.

"No! Di kita bibigyan, bleh! "Mas lalo pa nyang kinapitan ang bag nya. Sa isang kurap lang ay nasa kabilang dulo na ng upuan si Kian.

"Ella penge na ako. "Sabi nya at sinusubukang kunin ang bag na nilalayo naman ni Ella. Dahil sa kakulitan nila ay lumipat ako sa harap na upuan.

"Who told you that you can sit here? " Tanong naman netong supladong katabi ko. Tsk, parang kanya tong van ah.

"Ang gulo ng dalawa kaya dito nalang ako. Wala namang nakalagay na pangalan mo sa upuan diba? "Inirapan ko sya at tumingin sa bintana. Hindi na naman sya nagsalita kaya nakinig nalang ulit ako ng music at sumipsip sa paubos ko ng float. Umaga na kaya di na ako matutulog.



Golden Wings AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon