Prologue

325 16 1
                                    

Sinama ako nina Martee at Francine dito sa isang bar jusko ang sakit pala sa mata ng mga pailaw dito tapos ang ingay ingay pa, gusto ko na sana magyaya pauwi kaso naalala ko ako nga pala ang nagyaya dito so nevermind. Nang maka order na ng inumin ay pinilit na nila ako painumin pota tong mga to iinom naman talaga ako minamadali pa ako. It's my first time kaya aanga anga pa ko kung uminom. Maya maya may nagtext sakin. Si sky nagtext, he's asking if i'm fine or what. Juskupo eh kulang na lang maglagay ako ng pader sa gitna namin kahapon dahil parang hindi niya man lang ako nakikita kahapon. Feeling ko tuloy nakarma ako sa pang iiwan ko sakanya two years ago. Pero alam mo yun, akala ko kasi mahal niya pa din ako hanggang ngayon, akala ko may posibilidad na magkabalikan kami, akala ko pwedeng ma-fall ulit siya sa'kin ngayon. Wala eh! Umaasa pa din ako na baka sakaling ako pa din yung mahal niya. May jowa ako ngayon pero siya yung palagi kong naiisip. Siraulo lang diba. Habang ang dami kong iniisip, di ko namamalayan ang dami ko na palang naiinom kahit panget na panget ako sa lasa tapos bawat shot ko nangingibi ako at pinipicturan ako ni martee at francine. Tinatawanan pa ko napakahahayop. Ewan ko, tawanan sila nang tawanan wala namang nakakatawa, nauna pa malasing sakin eh first timer nga ako. Hindi man lang ako makaramdam ng kahit anong hilo pero parang sila patumba tumba na. Buti na lang kasama nila mga jowa nila, si Lance at Gimo. Hindi ko na sinama yung jowa ko baka may masabi pa kong di maganda eh. Pero gusto ko na din makipaghiwalay sakanya, alam ko namang hindi ko siya mahal eh, akala ko lang may nararamdaman ako sakanya, pero wala na kay sky pa din yung pagmamahal ko. Hay nako dahil nabored ako nakisayaw ako kayna martee at francine, masaya pala yung mga ganito noh? Taong gubat ata ako eh never kong nagawa to, kung di lang ako broken hearted di ko pa masusubukan. Pero hindi ko kaya itago yung emosyon ko, I wanna cry pero hindi pwede dito, baka masabihan pa kong baliw so nagpaalam muna ako sakanila, sabi ko magc-cr lang ako. Pumunta ako ng cr, sarado yung isang cubicle kaya sa isang cubicle ako pumasok, malamang! Umiyak ako don ng bongga feeling ko nga naririnig ako nung katabing cubicle eh, grabe ako pag umiiyak, hinihika ako minsan pag sobra na, at kinakabahan na ako ngayon kasi hindi ko na alam paano patitigilin ang luha ko. Lumabas ako ng cr at dumeretso sa labas para sana kumuha ng tissue sa kotse na nakapark lang sa tapat nitong bar, nang try kong buksan ang kotse ayaw niya magbukas, naka lock. Ang tanga ko, na kay Lance nga pala yung susi. Yung inhaler ko din nasa pouch na nasa loob din ng kotse, sa sobrang inis ko habang umiiyak ay sinipa ko ang isang paso sa gilid. "Lord, gusto ko lang naman sumaya pero bakit pati yung tugtog sa loob na may beat nagiging heartbroken song para sa'kin, buang na ba ko Lord?" sabi ko habang nakatingala sa langit, I can't stop crying I don't know why, umupo na lang muna ako sa gilid at maya maya may tumabi sa'kin, kinabahan ako kaya napa sign of the cross ako "Lord mahabag ka sa'kin gusto ko lang ng tissue wag naman sana ako maholdap wala na akong pera" sabi ko at maya maya pa ay inabutan ako nito ng panyo, nagulat ako kaya napatingin ako sakanya, si fucking Sky. At ang natatandaan ko na lang ay tumayo ako tapos hinawakan niya ang braso ko, tapos nagising ako na nasa kama na ni Francine katabi din si Martee, buti na lang talaga mayaman at mabait tong si Francine lagi akong may mauuwian. Masakit pa ang ulo ko kaya natulog na muna ako. But I remembered how Sky held me last night kaya't habang pikit ay tumulo na naman ang luha ko. At kahit pikit ay naaalala ko lahat, kung paano nga ba kami nagstart magkakilala, paano ako kiligin sakanya noon at kung paano siya bumitaw.

The Last Time You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon