Nagising na lamang si Jasmine nang maramdaman niyang may kumakaluskos sa kumot. Pagkamulat niya ay nagulat siya sa mukha niya sa salamin kaya nasuntok niya ito at nabasag. Nagulat naman ang mga taong namprank sa kanya dahil hindi nila ito inexpect. Ang iba ay nagtawanan na pero kahit ganoon ay kumanta pa'rin sila ng happy birthday. Sabay sabay at may blending pa sila. Parang choir pa. Umupo si Jasmine at kinusot ang mata niya gamit ang kanang kamay niya, ang kaliwang kamay niya at itinago niya muna sa likod niya. Natatawa siya sa paraan ng pagkakakanta ng mga kaibigan niya, maya maya pa ay buhat buhat na ni Jacob ang cake at umupo ito sa kama kaharap niya. Nang matapos sa pagkanta ay nag wish siya at hinipan na ang kandila sa may cake. Nag ingay na silang lahat at nagyaya nang kumain sa baba sa cottage. Nagpaalam muna si Jasmine na mag hihilamos muna. Pagkapasok niya ng cr ay inilabas niya ang kaliwang kamay niya na kanina niya pang tinitiis ang hapdi. Dumudugo ito ng kaunti sa may bandang hintuturo dahil may bubog. Kumuha siya ng tsani at hinugot niya ang maliit na bubog, pagkatapos ay hinugasan niya ito at nilagyan ng alcohol, pagkatapos ay tinapalan niya ng band aid na nakapa niya sa bulsa niya. Hindi niya din alam bakit siya may band aid. Nag hilamos at toothbrush na siya pero habang naghihilamos ay tinitingnan niya ang sarili niya sa salamin at muli niyang naalala lahat ng nangyari kagabi, naluluha na siya at naiiyak nang maalala niyang hindi niya nakita si Sky kanina nang magising siya. Wala siya sa paligid kanina kaya nagtaka siya. Dali dali siyang nagpunas ng tuwalya sa mukha at lumabas ng banyo. Nagulat siya nang makita niya ang basag na salamin na nakapatong sa kama. At dahil alam niya ang mga sabi sabi, iniwasan niyang makita ang repleksyon niya dito atsaka ito kinuha at itinapon sa basurahan sa gilid bago lumabas ng kuwarto. Pagbaba niya ay nakita niyang nagsisimula na silang kumain. Tinawag siya ni Jacob na senyales para sa tabi niya umupo. Habang kumain ay nagkkwentuhan sila kung anong nangyari kagabi.
"Sino ba unang nalasing? Si Apple ata eh!"
"Hoy hindi ako si Jacob atsaka si Philip yata"
nag asaran at nagsisihan na sila. "huy sinong may dalang sunblock? ayokong mangitim duhhh"
"huy ako din pahingi."
"ay hala bahala kayo basta ako magpapa-tan ako" sabi nila at natatawa lang si Jasmine sakanila. Umimik ito at sinabing siya ang may dala ng sunblock. Tutal boys naman ang naka assign na maghuhugas ng plato ngayon ay nauna nang umakyat ang girls para maglagay ng mga kung ano mang chenes sa katawan. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan ay napatanong si Jasmine.
"Si Sky nasaan?" pag aalangan niyang tanong.
"Hoy! Sir natin yon. Sir! Maka Sky ka diyan! Boss ka din?" pang aasar ni apple, napatawa naman siya ng bahagya at nakalimutang boss niya nga pala ito.
"Okay. I mean, nasaan si SIR LUCAS?" diin niyang sabi.
"Hindi ako sure eh pero ang alam ko umalis na ata. Di ko sure tanong mo na lang sa boys or kaya kay Jacob." sambit ng isa niyang kaibigan. Nang makapag ayos sila ay bumaba na sila para maglangoy. Nang makita ni Jasmine si Jacob na naglalakad na papuntang dagat ay tinawag niya ito.
"Yes babe?" tanong nito habang hinihintay na tuluyang makalapit sakanya si Jasmine.
"Ah-s-si sir lucas? Bakit wala siya?" tanong nito na nung una ay nag aalangan pa dahil baka isipan siya ng masama ni Jacob pero naalala niyang pareho nga pala nila itong boss kaya tinanong na niya.
"Pumunta na siyang airport kanina, nag book ng private jet. Basta naalimpungatan kami ng alas kwatro habang nag iimpake siya at nagpapanic. Sinugod daw kasi yung mama niya sa ospital kaya kailangan na niyang umuwi" paliwanag ni Jacob. Agad namang nagbago ang timpla ng mood ni Jasmine at parang nalungkot ito para sakanila.
"Well, I hope tita's fine." sagot nito
"Tita? Bakit babe, kilala mo yung mama ni Sir Lucas?"
"Ahh oo, basta ano nevermind."
"Oh. Ok. Halika, langoy tayo?" tanong ni Jacob at naglakad na sila."Hala sis tingnan mo oh!"
"Alin sis?" pinakita ng isang babae ang cellphone niya sa katabi niya na nakaupo din sa buhanginan ngayon.
"Hala totoo ba yan? baka fake news yan!"
"Gaga totoo yan! Ayan oh basahin mo. Private plane daw mula Godofredo Ramos Airport, oh diba dito yun, nagcrash daw at walang nakaligtas kahit piloto."
"Hala may pasahero kaya? Kawawa naman."
"Oo nga eh nakakatakot bakit kaya nagcrash? Ayan oh nakalagay 1 hour ago nag crash tapos after 20 minutes pa nakadating ang rescue."
Nang marinig ito ni Jasmine ay agad siyang nataranta kaya tumakbo agad siya papunta sa room nila para tumawag sa mama ni Sky dahil malakas ang kutob niya yun yung eroplanong sinakyan niya. Agad agad niyang hinanap sa contacts ang pangalan ng mama ni Sky at hiniling niya na sana hindi pa ito nagpapalit ng number. Natataranta at naiiyak na siya nang i-dial niya ito.
"H-hello? Jasmine...Jasmine" nanginginig at humihikbing sagot nito sa kabilang linya, sa tono pa lang nito ay kinabahan na si Jasmine. "w-wa-wala na si tutoy" pagkatapos niyang bitawan ang salitang iyon ay narinig ni Jasmine ang malakas na paghagulgol sa kabilang linya. Napaupo naman siya sa kama at agad ding napa iyak. "Sabi ko naman sakanya w-wag na munang umuwi d-dahil ayos na naman ang pakiramdam ko." Hindi alam ni Jasmine ang gagawin niya, gusto niyang mag impake at puntahan ngayon kung nasaan mang ospital si Sky pero hindi niya alam ang susunod na maaaring mangyari. Parang gusto niya na lang isipin na hindi pa totally patay si Sky. Na sana nasa kritikal na kondisyon lang o kaya ay kahit ano basta hindi pa siya patay. Ibinaba na niya ang telepono at napahawak siya sa ulo niya habang patuloy na umiiyak. Ilang sandali pa ay pumasok ng kwarto si apple at naabutan niyang umiiyak si Jasmine.
"Huy bes, bakit? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?" nag aalala niyang tanong habang tumabi ito kay Jasmine. Hinarap siya nito at bahagya pang nasabi ito dahil sa paghagulgol niya.
"S-si sky...n-na-nagcrash y-yung eroplano n-niya" agad namang nagulat si Apple nang sabihin iyon ni Jasmine.
"A-ano? Baka naman...baka naman hindi sila yun?" umiling iling lamang si Jasmine
"I called his mom at siya ang nagsabi sa'kin na wala na nga talaga si Sky" sa sobrang gulat ni apple ay lumabas siya sa may faccade at kumaway sa mga kasama nila na naglalangoy, nakita siya ni Philip kaya't tinawag na din nito ang iba pa nilang kasamahan. Ilang sandali pa ay lahat sila ay nasa kwarto na ng girls, nang madatnan nilang umiiyak si Jasmine ay agad itong nilapitan ni Jacob.
"Babe, anong nangyari? Bakit?" bigla namang umimik si Apple.
"Guys, si sir Lucas, bumagsak yung eroplano niya." Nagulat ang lahat nang marinig iyon. Maya maya ay tumayo si Jasmine at kinuha ang bagahe niya, inaayos niya ito at akmang gusto nang umalis kaya't pinigilan siya ni Jacob.
"Babe, hindi pa pwede, bukas pa yung flight na'tin. Atsaka delikado ngayon baka mamaya tayo pa yung mapahamak niyan."
"Mas gugustuhin ko pang mangyari 'yon kaysa maghintay ako sa wala."
"Bakit ba? Wala namang may gusto sa nangyari pero bakit ganyan ka maka react? Pare pareho naman tayong nawalan ng boss, ng kaibigan ah"
"Kasi para sainyo boss niyo lang siya. He's my ex, Jacob. And for me, his worth is more than my life. I'm sorry." patuloy siya sa pag iimpake at pinipigilan siya ni Jacob, maya maya pa ay halos magwala na ito, napaupo na lang sila sa sahig habang yakap yakap siya ni Jacob at pinigilan ito.
"Wala na si Sky! Ibalik niyo si Sky!" patuloy lamang ito sa pag iyak at kahit masakit para kay Jacob ay pinilit niya na lang muna itong intindihin ngayon dahil masakit nga naman ito. Kumuha naman ng tubig si Apple at iniabot ito kay Jacob para ipainom kay Jasmine para kahit papaano ay kumalma ito.
"Jasmine, bukas na bukas pagkauwi na'tin pupuntahan na'tin siya ha wag kang mag alala."
Tuloy lamang sa pag iyak si Jasmine, lumabas na lang din muna ang iba nilang kaibigan para mabigyan ng hangin si Jasmine. Tinulungan siyang iupo ni Jacob sa kama at pinunasan nito ang luha niyang hindi matigil tigil.I never thought that it'll be the last time i'll be able to hold him, to hug him, to talk to him. If only I knew, I should've kissed him kahit bawal. Sana nagsisinungaling lang ang tadhana, sana hindi si Sky ang sakay ng eroplanong iyon. Hindi ko na alam kung magiging paano ang buhay ko ngayong tuluyang wala na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/223104643-288-k415360.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Time You Loved Me
RomanceHow do one person enjoy living in the pain and dying for the happiness that will never ever comeback. Lucas Skyler, Single ngayon, taken kinabukasan. Mama's boy. Lauren Jasmine, masyadong focused sa sarili. Pero mabait siya at hindi din naman gaano...