(Have to change and reupload this chapter. Sorry hehe. Hope you'll like it)
Pauwi na si Jasmine nang napansin niyang flat ang gulong niya. As in flat! "Jusko naman bakit ngayon pa oh." Sabi niya sa sarili niya. She also tried asking the guard kung maalam ba ito magpalit ng gulong pero hindi daw, nahihiya naman siyang makiusap sa ibang employees kasi maayos ang mga suot nila baka madumihan, she stood beside her car habang nakatungo sa cellphone niya, naghahanap siya ng pupwedeng tawagan, nagpapanic in short. She tried calling jacob kung nasaan siya ngayon pero cannot be reached. "Nako, flat ata ah" sabi ng isang lalaking nakayuko sa may tapat ng gulong niya habang pinipisil pisil ito para tingnan kung gaano kalambot. "uh excuse me sir? maalam ka ba magpalit? nakakahiya naman kaso kelanga-" napatigil siya sa sasabihin niya nang bumungad ang mukha ni Sky sa harapan niya habang nagtatanong siya. Oo si sky na ex niya 2 years ago. "Uhm, sure! May tools ka ba?" sagot ni sky at hindi na pinansin na hindi natapos ang sasabihin ni Jasmine nang makita siya nito. Tumango na lamang si Jasmine kahit pa gulat na gulat pa rin. Tinuro nito sakanya kung saan nakalagay ang tools ko at kinuha niya na din ang gulong na ipapalit na nasa may compartment. Nagkunwaring busy sa phone si Jasmine habang inaayos ni Sky ang gulong niyang iyon, ayaw niyang isipin ni Sky na hanggang ngayon ay pinagmamasdan niya pa din ang bawat kilos nito na talaga namang maiinlove ka sa bawat galaw. Pasulyap sulyap lang ito pero pinipigilan niya pa din ang sarili. Ilang sandali pa ay tumayo na si Sky at inayos ang tools at binalik ito sa kinalalagyan. "Ayan ayos na. Di mo man lang ako inilawan ang dilim dilim oh. Joke" pagbibiro nito at napaisip naman si Jasmine, oo nga noh. Hay nako anyways, she awkwardly said thankyou atsaka sumakay sa sasakyan niya. Kinatok ni Sky ang bintana nito kaya ibinaba naman ni Jasmine "Sasakyan mo pala yung dumaan sa site kanina, hahabulin sana kita kasi nakita ko nang may nagulungan kang mga pako eh kaso masyado kang mabilis magmaneho" sabi niya at tumawa na lang ng bahagya si Jasmine "ahh ganon ba? sorry naabala pa kita ah. next time na magkita tayo bawi na lang ako" ngumiti naman siya atsaka kumaway sakanya at nagpaalam na.
"Grabe bakit parang okay lang sakanya na nakakausap pa rin ako? Bakit parang normal lang sakanya lahat? Di niya ba naaalala na nasaktan niya ko? Anyways! Makauwi na nga lang. It was nice seeing that angelic face tho." Sabi ni Jasmine sa sarili habang nagdadrive pauwi.
________________
Payapa at tahimik ngayon dito sa site. Tumatawid si Jasmine papunta sa kotse niya nang biglang may humila sa braso niya at natumba sila pareho, pumaibabaw siya ngayon sa lalaking iyon, nang mapansin niya ay nanlaki ang mata niya at agad siyang tumayo at nagpagpag ng sarili. "Mag ingat ka naman next time" Sermon sakanya ni sky habang nagpapagpag. Muntik na kasi mabangga si Jasmine dahil nakatingin ito sa cellphone niya habang naglalakad patawid. "S-sorry" nahihiyang banggit ni Jasmine dahil pangalawang beses na siyang tinulungan ngayon ni Sky. Feeling niya tuloy ay may utang na loob siya dito. "A-ah bakit pala lagi kang nandito? Kahapon nandito ka din? Architect ka din ba?" tanong ni Jasmine at napakamot siya sa ulo nang marealize na mali atang tinanong niya iyon. Sumenyas lamang si Sky na sundan siya ni Jasmine at sumunod naman ito. Pumunta sila sa mga trabahador kung nasaan si Engr. Corpuz. "Engineer!" banggit ni Sky habang tinapik ang balikat ni engr. "Sir! Andito ka pala?" sagot nito pabalik. Bakas na bakas sa mukha ni Jasmine ang pagkagulat. "Architect Mendoza nakilala mo na pala yung boss natin? astig noh! gwapo ni sir diba? bagay kayo" pagbibiro ni engr. atsaka siya nilakihan ng mata ni Sky, simbolo na hindi dapat sinabi yon. "a-ah excuseme lang ah may kukunin lang ako sa kotse ko" pagpapaalam ni Jasmine "Hatid na kita baka mamaya mabangga ka pa" nakangising sabi ni Sky na medyo mayabang ang datingan. Jasmine, being the awkward person she is, hinayaan na lang niya kahit pa naiilang siya. Binuksan niya ang pinto sa may driver's seat atsaka hinanap yung chord ng charger niya, sa kabilang pinto naman ay nakasandal lamang si Sky habang nakaharap sa napakagandang view. Puro mountains, trees, sunset, birds. Nang maramdaman niyang isinara na ni Jasmine ang pinto sa kabilang side ay nagsalumbaba ito sa may bubungan at nakaharap kay Jasmine. "ah okay na, nagcharge lang ako sa powerbank, lowbatt na kasi eh" kahit wala pa namang tinatanong si Sky ay nag explain na siya kahit papaano kasi trip niya lang. "Iiwanan mo sa loob ng kotse mo yung cellphone mo?" tanong nito kay Jasmine habang nakahalumbaba pa din sa kabilang doorside. "ah oo ila-lock ko naman eh atsaka wala naman sigurong kukuha niyan diyan" explain nito at tumindig ng maayos si Sky, hindi na lang nito pinagtuunan ng pansin ang kung ano mang sinabi ni Jasmine. "tara!" akmang sasakay na dapat si Sky nang pigilan siya ni Jasmine "hephephep" agad siyang tiningnan ni sky na naudlot ang pagbukas ng pinto. "anong tara? saan?" nagtatakang tanong ni Jasmine sa biglaang pagyayaya ni Sky. "eh diba sabi mo babawi ka next time na magkita tayo? Malapit na din naman magdinner, traffic pa. Treat mo na!" paliwanag ni Sky. Napangisi naman ito sa sinabi niya at pinipigilan lamang matawa sa nagtatakang reaksyon ni Jasmine, siguro naman ay kahit sinong makakita nito ay matatawa na din. "Wow!" natawa na din si Jasmine sa sinabing iyon ni Sky kaya wala siyang choice. Umirap siya atsaka sumakay sa kotse niya, kaya't sumakay na din agad si Sky. "Ang galing mo talaga magplano grabe" natatawang sambit ni Jasmine habang nagpapalit ito ng tsinelas. "Oh sir! Saan po ba tayo kakain? Nakakahiya naman po sainyo baka gutom na gutom na po kayo eh" sarcastic na sabi nito habang nakangisi lamang si Sky. Inilagay nito ang dalawang kamay niya sa likod ng batok niya na para bang nagchichill lang. "Uhm driver, sige lang! In 50 meters, turn right and then turn right again and then when we reached the highway, straight ahead for about 4 kilometers" utos nito na parang tunog waze. Nakanganga lamang si Jasmine na para bang natatawa na gulat dahil inuutusan siya ni Sky. Isinara niya ang bibig niya at lumunok habang pinipilit na huwag matawa "okay. okay po sir! masusunod po" ganun pa rin ang posisyon ng mga kamay ni Sky habang nagpipigil ng tawa. "Makautos eh!" reklamo ni Jasmine habang nagdadrive na at natatawa pa din. "uhm sir can you please open the audio? i'm driving po kasi eh" natatawang pakiusap ni Jasmine. "i'm sorry I can't" sagot ni Sky. "and why?" tanong ni Jasmine. "can't you see? i'm chillin here. kaya mo na yan aabutin mo lang eh" pabirong sabi ni Sky. Bahagya namang sinuntok ni Jasmine ang tiyan nito atsaka sila napatawa. Pipili pa kasi ng maganda gandang music eh kaya hindi magawa ni Jasmine. "hmm ano ba tong mga kanta mo? pang jeje ah" pagbibiro ni Sky habang pinipindot nang pinipindot ang next dahil walang mapiling magandang kanta. "Alam mo ikaw nakikisakay ka na lang dami mo pa reklamo" sambit ni Jasmine dahilan para mapatawa nang sobra si Sky. "hay nako eto na nga lang" sabi nito pagkatapos makapili ng kanta at habang hinahabol ang hininga niya kakatawa.
(play the music above ^)
Habang nag iintay sila sa traffic ay sinabayan nilang pareho ang kanta.
"Wow ah at yan pa talaga pinili mo?" tatawa tawang reklamo ni Jasmine. "broken ka ba? kaloka!" pagbibiro nito.
"Bakit ba? eh sa wala akong mapiling iba eh" sabi nito. "atsaka yan lang yung medyo maganda yung vibe" singit ni Sky habang sinasabayan niya ang lyrics ng kanta. "Kanino mo inaalay yang kantang yan ah?" Tanong nito. Ultimong wala siyang pake kahit sino pang banggitin ni Jasmine na pangalan. Si Jasmine naman na para bang napangiti nang pilit. "Wala lang trip ko lang iadd sa playlist bakit ba? Dami mo naman tanong sir nakisakay ka na nga lang eh" biro nito habang umiinom sa tumbler niyang may straw naman atsaka nagpatuloy sa pagdadrive, natawa naman si Sky "malay ko ba baka si Jacob. Diba bestfriend mo yun? Kadalasan sa mga bestfriends may secret feelings diba?" seryosong tanong ni Sky na naging dahilan na muntik maibuga ni Jasmine ang iniinom nito. Lumunok ito at muntik masamid "H-ha? Nako si Jacob? eh hindi naman din nanliligaw, mahina!" pagbibiro nito
"eh baka naman kasi pinapamukha mong hindi mo siya gusto" dagdag ni sky kaya napataas ng kilay si Jasmine.
"alam mo ikaw wag mo na nga ako interviewhin, ang dami mong alam eh noh!" sabi nito atsaka nakisabay sa kanta at sa mga susunod pang kanta dahil natagalan sila at medyo traffic.
___________Habang nag iintay ng order ay naisipan ni Jasmine na tanungin si Sky kung kamusta na ba ito. "may girlfriend ka na ata eh" dagdag nito sa tanong niya.
"Nako! Madami!" Sagot naman ni Sky kaya napatawa silang pareho. "hindi ano, okay lang naman ako. gwapo pa din" sabi nito at nagpose na parang model. Ipininta ni Jasmine ang mukha niya na para bang hindi naniniwala.
"Paano ka pala namin naging boss? Isang taon na ko nagttrabaho dun pero ngayon lang ako na aware. Hindi naman kasi kita nakikita sa company" paliwanag ni Jasmine.
"Si papa talaga yung may ari ng company, iniwan niya kami ni mama when I was 20 diba nakwento ko sa'yo yun dati. I don't know his reasons pero hinayaan ko na lang, nagalit ako sakanya syempre pero last year bumalik siya at nagsorry sa'min. I accepted him kasi kita ko naman kung gaano pa din siya kamahal ni mama hanggang sa tinrain niya ko and then yun! I became one of the bosses" naka kibit balikat na sabi nito. "eh ikaw? kamusta ka?" tanong naman nito
"Ayon! Kinalimutan ko nang may pamilya ako. Kahit naman nandiyan sila parang wala pa din silang pake sa'kin pero nacocontact ko pa din sila minsan. Pag christmas and new year ganun pa din, i'm spending it with my friends" sagot ni Jasmine at inilapag na ng isang waiter ang orders nila sa table nila.
"Mas prefer mo pa din pala ang medium cook sa steak noh?" tanong ni Sky at tumango na lamang si Jasmine.Kapag hindi ito nakatingin ay susulyap sulyapan niya ito. Kahit pa alam niyang magkakilala na lang sila sa ngayon, masaya siya at kuntento na sa kahit ganitong bagay lang.
BINABASA MO ANG
The Last Time You Loved Me
RomanceHow do one person enjoy living in the pain and dying for the happiness that will never ever comeback. Lucas Skyler, Single ngayon, taken kinabukasan. Mama's boy. Lauren Jasmine, masyadong focused sa sarili. Pero mabait siya at hindi din naman gaano...