Chapter 4: Kung Sakaling Tayo Pa Din

63 6 1
                                    

"Tanda mo ba tong lugar na 'to?" tanong ni Sky habang naglalakad lakad sila dito sa park na malapit sa kinainan nila. Nagpapahuho lamang sila ng kinain.
"Huh?" pagtatakang tanong ni Jasmine.
"Aray naman kinalimutan mo na pala" pagbibirong daing ni Sky. Ngumiti lamang ng mapait si Jasmine at kunwari'y sinusubukang alalahanin kung ano nga bang meron sa lugar na iyon. Naglakad pa sila ng kaunti atsaka tumigil si Sky at humarap kay Jasmine.
"Oh bakit tayo tumigil?" deep inside ay dalawa ang ibig sabihin ng tanong na iyon para kay Jasmine pero hinayaan na lang niya. Kunwari'y walang ibang ibig sabihin iyon.
"Dito." maikling sabi ni Sky. Magkaharap na sila ngayon ni Jasmine habang may space na pagitan sakanilang dalawa.
"Dito...?" nagtatakang tanong ni Jasmine habang naghihintay ng kadugsong sa sasabihin ni Sky.
"Dito sa mismong part na 'to. Dito mo ko sinagot. Grabe ka naman hindi mo naaalala?"

"Naaalala ko na. Pinaalala mo eh" natatawang sabi ni Jasmine.
"Siraulo ka talaga." natawang sabi ni Sky atsaka tumingala siya sa langit na ngayon ay madilim na dahil halos alas-syete na din. Pinagmamasdan niya yung nag iisang bituin na kumikinang sa langit samantalang si Jasmine ay nakatingin lamang sa ginagawa niya habang hinahangin nang bahagya ang kanyang malalandas na buhok.
On a serious note, she asked Sky.
"Bakit mo naman nabanggit?"
Nag buntong hininga muna si Sky habang nakatingin pa din sa langit.
"Wala. Memories." maikling sagot nito atsaka tumungo kay Jasmine. "Sa tingin mo ba kung hindi tayo naghiwalay, mapupunta tayo sa kung nasaan man tayo ngayon?" tanong nito habang tinititigan si Jasmine. Napatigil naman siya ng ilang segundo bago nakasagot.
"H-hindi siguro." maikling sagot nito "ikaw ano sa tingin mo?" tanong niya pabalik.
"Hmm oo naman. Ganon pa din. I lost a person, but that doesn't dictate what my future will be without them. Hindi naman siguro mababago nun yung fact na magiging tagapag mana ako ng isang kumpanya ngayon. Right timing lang ganon" paliwanag ni Sky kaya muling napatigil si Jasmine. Ilang sandali pa ay may narinig silang pito ng pulis at ingay na parang may tumatakbo, pagkaharap ni Jasmine sa kanan ay nabangga siya ng lalaking hinahabol ng mga pulis. Muntik na siyang tuluyang magdagasa ngunit nahawakan siya ni Sky sa bewang dahilan para mapunta sila sa isang romantikong posisyon na madalas nakikita sa mga palabas. Nailang naman agad si Jasmine kaya umubo ubo siya atsaka siya inangat ni Sky.
"Siraulong snatcher yun ah!" inis na sambit ni Sky habang sinisilip ang direksyon kung saan iyon tumakbo. Maya maya ay may isang pulis na bumalik sakanila at humingi ng paumanhin sa kung ano mang disgrasyang naidulot nito sakanila.
"Pasensya na talaga ser, mam. Wag po kayo mag alala nahuli naman na po namin siya, buti na lang po nakaharang kayo sa daan at medyo napapreno po siya sa pagtakbo dahil nabangga niya si mam" hindi alam ni Jasmine kung matatawa ba siya sa sinabing iyon ng pulis na para bang masaya pa dahil siya ang naging dahilan para mahuli nila ang magnanakaw.
"Nasaan? Pwede bang makita? Tatandaan ko lang itsura. Alam niyo naman po panahon ngayon, madaming paraan para makatakas sila" pakiusap ni Sky atsaka sila nagtungo sa sasakyan ng pulis kung saan nasa loob na ang snatcher. Nandoon si Jasmine at Sky sa gilid ng sasakyan at nang ibaba ng pulis sa loob ang bintana ay gulat na gulat si Jasmine sa nakita niya sa loob. Halos maluha ito nang magtugma ang mga mata nila. Gulat na gulat din si Sky sa nakita niyang tao.
"D-daddy?" sambit ni Jasmine.
"Jasmine. Anak. Sorry" sagot ng tatay niya na nasa loob ng sasakyan at naka posas na.
"Daddy ano to? Bakit? Kailan pa ha?" naiinis si Jasmine pero mas nangingibabaw ang awa niya.
"Anak sorry. Wala na kasing ibang paraan eh. Kulang yung pera ko para mabuhay ang dalawa kong pamilya" Paliwanag nito at ilang sandali pa ay tumulo na ang nagbabadyang luha ni Jasmine.
"Edi sana iniwan mo na lang yung kabit mo! Dad naman eh hindi naman kailangang umabot sa ganito. Pwede niyo naman akong tawagan eh" sabi nito.
"Anak napag utusan lang din naman ako eh. Ginawa ko lang kasi nga kailangang kailangan ko" Paliwanag ng tatay niya. Nagpunas na lamang ng luha si Jasmine at humawak sa ulo niya, humarap siya sa pulis at kinausap ito. Samantalang itinaas nang muli ng pulis sa loob ng sasakyan ang bintana nito.
"Ahh sir pwede ba kaming sumunod sa prisinto?" tanong ni Jasmine sa pulis at pinayagan naman sila nito, agad silang naglakad ni Sky patungo kung saan sila nagpark. Nag insist si Sky na kung pwede ay siya muna ang magdrive dahil baka hindi makapag focus si Jasmine, pumayag naman ito atsaka sila nagtungo sa prisinto.

Dahil tahimik lang sila sa loob ay naisipang magsalita ni Sky para lang mapagaan yung sitwasyon kaya umubo ubo muna ito bago nagsalita. "Uhm maam, can you please open the audio? I'm driving po kasi eh" pagbibirong sabi nito dahilan para mapangiti ng bahagya si Jasmine. Binuksan nito ang audio at naghanap ng kanta.
"Uhm sir ano ba naman yang mga kanta mo, ang je-jeje ha" sarkastikong sabi nito.
"Ay sorry naman po mam" natawa na lang sila pareho sa kalokohan nila, pagkatapos ng ilang minutong nakikisabay sila sa lyrics ng mga kanta ay nakarating na sila sa prisinto. Agad na inexplain ng pulis na kapag nahuli ngayong gabi ang nag utos sa tatay niyang mag nakaw ay pupwede pa siyang mapalaya ngayon. Sinabi naman agad ng tatay niya ang detalye sa mga pulis kung saan ang kuta nitong pinunong ito. Umupo muna si Jasmine at Sky sa upuan sa gilid habang nag iintay. May isang team na na umalis para hulihin ang sinasabing pinuno nito. Maya maya ay may tumawag kay Sky "ma, may inaasikaso lang" tumayo ito at lumabas muna para makakuha ng signal. Tumawag naman si Jacob kay Jasmine at tinanong kung okay lang ba ito ngayon at kung kailangan pa ba nitong pumunta sa prisinto. Tumanggi naman si Jasmine sa alok nito dahil nahihiya din naman siya. Pagbalik ni Sky sa upuan niya ay nagpaalam na din si Jasmine kay Jacob sa telepono.
"Sorry ah naabala na naman kita. Hinahanap ka na ata ni tita." nahihiyang sabi ni Jasmine
"Huh? Ah hindi nasa bahay naman si papa atsaka nag explain na ko." nginitian na lamang niya si Jasmine atsaka umupong muli. Makalipas ang halos isang oras na pagiintay ay sa wakas nahuli na ang sinasabing pinuno. May kasama pa itong tatlong lalaki na malamang ay ka miyembro niya. Nag usap usap na at napiyansahan na ang tatay ni Jasmine. Isinabay na nila ito sakanila at inihatid pag uwi.
"Anak salamat atsaka pasensya na din hindi na mauulit to pramis. Iiwan ko na lang din yung kabit ko. Sorry talaga anak." sabi nito bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Hinayaan at pinatawad naman siya ni Jasmine at inabutan din ng pera na pwede nilang magamit nang isang linggo. Pagkatapos nun ay tinanong niya si Sky.
"Saan kita ihahatid?"
"Ano kasi, may sasakyan ako nasa site eh pero pwedeng sa bahay mo na lang ako ihatod para hindi ka na iikot" sagot nito.
"Hay nako! May sasakyan ka pala maka yaya ka sakin kanina! Sige na ihahatid na kita sa site para makuha mo sasakyan mo. Baka magpasundo ka pa sakin bukas eh" pagbibiro nito.
"Pwede din!" sagot naman ni Sky
"Aba ayoko nga noh! Bahala ka diyan" natawa silang pareho atsaka muling nagdrive si Jasmine papuntang site. Habang papunta sila ay nagtanong ulit si Sky.
"Akala ko ba architect din yung ate mo?"
"Oo pero last year nagkaroon siya ng boyfriend tapos ayun iniispoiled yung nobyo niya kaya hindi na masyadong nakakaipon" sagot naman ni Jasmine. Para hindi mabagot ay sumabay na lang sila sa lyrics ng mga kantang tinutugtog, 90's songs pa nga ang iba dito. Nang makarating na sila sa site ay nagpaalam na si Sky sakanya.
"Thankyou sa libre ha! Next time ikaw ulit!" pang aasar nito atsaka sinara ang pinto at naglakad na papunta sa sasakyan niya, ni hindi man lang hinintay makasagot pabalik si Jasmine. "Siraulo talaga yon" sabi ni Jasmine sa sarili niya. Nang nagdadrive na siya pauwi ay napapangiti siya ng bahagya pag naaalala niya ang paglolokohan nila kanina ni Sky.

"I never thought na ikaw at ikaw pa din ang makakapagpasaya sa'kin. I was having a bad day pero he managed to make me smile. Pero may pag asa pa kaya? Pwede pa kayang maging akin ulit siya?"

The Last Time You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon