Chapter 8: Why did you give up?

39 4 0
                                    

Umiling iling si Jasmine at napagtantong imagination niya lang pala na niyakap niya si Sky. Sa loob loob niya ay hindi niya na ito kayang gawin ngayon, may ultimong bigat siyang nararamdaman palagi pag napapalapit siya dito. Pinunasan niya ang luha niya at unti unting naglakad at tumabi kay Sky.
"Happy birthday." sabi nito pagkatapos tingnan ang relo at eksaktong 12:06 am na. Tiningnan siya ni Jasmine atsaka siya binigyan ng malulungkot na ngiti habang ang mga mata nito ay kumikinang dahil sa mga nagbabadyang luha. Bago pa man din tumulo ito ay humarap na ulit si Jasmine sa direksyon ng dagat at agad itong pinunasan. "Birthday na birthday mo umiiyak ka diyan." pagbibiro ni Sky upang subukang pagaanin ang loob ng dalaga. Ilang segundo itong natigil bago nakapagsalita.
"Ang ganda ng moon noh? Bilog na bilog. Diba sabi nila pag full moon tapos may dalawang tao na pareho ng kahilingan, matutupad iyon." Sabi ni Jasmine habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan. Sa gilid niya ay sinulyapan siya ni Sky at nakita nitong tumulo na naman ang luha ni Jasmine. Pinawi niya ito sa pamamagitan ng daliri niya. Agad namang nahiya si Jasmine kaya siya na ang nagpunas ng sarili niyang luha. Tumungo ito at pinagmasdang maigi ang dagat at ang nakaka relax na hampas ng mga alon.
"Ano bang hiling niyo ni Jacob?" tanong ni Sky na nakatingin din sa dagat at pinapakiramdaman ang masarap na simoy ng hangin. Umiling iling lang si Jasmine.
"Wala." saad nito. "1 month pa lang kami ngayon at wala pa masyado sa isip namin yung ganoon kalalalim na bagay. Eh ikaw?" dagdag nito.
"Wala din. Wala naman akong partner eh. Ang hiling ko lang ay gumaling na si mama at mas humaba pa ang buhay niya. Hindi ko kakayanin na mawala siya, baka pag nangyari yon mas gugustuhin ko na lang din sumunod." paliwanag naman ni Sky.
"Bakit ba ayaw mo na mag jowa? Mas prefer mo iba't ibang babae everyday?" pagbibiro ni Jasmine at mahina namang napatawa si Sky.
"Parang ganun na nga. Haha! Atsaka diba nga they're just a waste of time. Well, hindi ko naman linalahat pero karamihan ngayon sa kababaihan, hobby na ang magka toyo. I don't find it cute tho." nakataas kilay at nakangusong saad ni Sky. Bigla namang nag iba ang ambiance nang biglang maging seryoso ang tanong ni Jasmine.
"When was the last time you fell inlove?" gaya ng kanina ay nakatingin lang ito ng deretso sa dagat habang nagtatanong. Natigilan naman si Sky at napatingin sa direksyon niya. Maya maya ay ibinaling na nito ang attensyon niya sa dagat bago tuluyang sumagot.
"The day before we broke up." deretsong sagot nito. "I felt that we ran out of spark. Basta na lang nawala ganon." Agad namang namuo muli ang mga luha ni Jasmine nang marinig niya iyon kay Sky. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa mismong araw na sumuko sakanya si Sky. "Alam mo naman yun di'ba? My reason is because I don't wanna be with you anymore. I'm tired. And ayoko na." dagdag pa nito.
"But that reason wasn't enough." at sa puntong iyon ay nagcrack na ang boses ni Jasmine atsaka tumulo ang luha nito.
"Yes it is enough."
"No it's not. Lucas it's not!" madiin na sambit ni Jasmine nang humarap siya kay Lucas. "Your reason was never enough, Sky."
"Wasn't it? Or you just wanted to hear something more than that?" nagsimula nang mamuo ang luha sa mata ni Sky sa puntong iyon. "Jasmine, THERE IS NOTHING more than that, that's all." diniin niya talaga ang pagbigkas sa tatlong word na 'yon.
"Then I don't understand why! Ano, umayaw ka lang dahil pagod ka nang mahalin ako? Dahil wala nang spark? Dahil ayaw mo na? Bakit? Sky, iexplain mo bakit!" sa bawat bigkas ng salita ni Jasmine ay mararamdaman mo kung gaano kabigat at kasakit lahat ng ito. Kasabay noon ay ang bawat pagpatak ng mga luha niya. "Bakit?"
"Kasi ayoko na." Maikling sagot ni Sky dahilan para lalong masaktan si Jasmine. "Ang sarap sarap mong mahalin pero pinili ko na lang itigil. Gusto ko pa pero ayaw ko na. Sabi ko sa sarili ko, mas sasaya siguro ako kapag nawala ka na. Naging mas maayos naman yung buhay ko, nagkaroon ako ng magandang trabaho dahil bumalik na din si Papa, naipagamot namin si mama and I became happy. Masaya ako pero ramdam kong may kulang." Para silang parehong binagsakan ng isang sakong buhangin dahil sa bigat ng nararamdaman nila ngayon. "Pero kahit ganon, mas pinili ko na lang wag punan yung kulang, hindi na ako naghanap pa ng iba na permanente, kasi kumpleto nga ako, hindi naman ako masaya. Hindi ako masaya dahil alam kong kahit may ibang kumukumpleto sa'kin, nagkakagusto sa'kin, nakaka sex ko paminsan, hindi naman ako magiging masaya don dahil alam kong hindi naman sila yung gusto ko, yung hinahanap ko." Tinitigan niya ang mata ni Jasmine na puno ng lungkot. "Kahit kailan ay hindi sila magiging ikaw. Hindi ko sila kayang mahalin gaya nang pagmamahal ko sa'yo noon. My love for them will never be enough kasi lahat ng pagmamahal ko sa'yo ko lang kayang ibigay." Hinawakan ni Jasmine ang pisngi nito at hinaplos ang mga luha nito.
"But why did you give up?" tanong nito habang tinititigan si Sky.
"I just felt I needed to. Alam kong napapagod ka na din at ayokong marinig sa'yo na ayaw mo na kaya mas mabuti pang ako na lang." Sumubsob naman si Jasmine sa dibdib ni Sky habang patuloy na umiiyak at humihikbi hikbi.
"You know I would never give up on you." Hinampas niya ng kamay niya ang balikat ni Sky habang nakasubsob parin sa dibdib nito. "I would never give up on you!" patuloy nito. Pinigilan siya ni Sky at hinawakan ang kamay nito.
"Huwag ka nang umasa. Andiyan na si Jacob para sa'yo. Hindi na kita kayang pasayahin ulit at ayoko nang mahalin ka. Pareho lang tayong mahihirapan." deretsuhang saad ni Sky sa mukha ni Jasmine atsaka nito biglang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Sky. dahan dahan siyang umatras at tiningnan niya muna saglit si Sky bago siya tumalikod at tuluyang umalis. Napahawak naman sa ulo at napaupo sa buhanginan si Sky habang patuloy na umiiyak. Pinagmamasdan niya habang naglalakad papalayo si Jasmine. Nang mawala na ito sa paningin niya ay kumuha siya ng mga bato at binato bato ito sa dagat. Dito niya ibinuhos lahat ng inis niya sa sarili niya.

Dumeretso sa banyo si Jasmine at inayos ang mukha niya habang nakaharap sa salamin, kumuha siya ng tissue atsaka nagtungo sa higaan niya. Tumalikod siya sa katabi niya dahil baka magising ito sakali mang gumawa siya ng ingay. Nakatulala lamang siya ng ikang segundo sa pader na kaharap niya ngayon habang nakahiga nag maya maya ay bigla nang bumuhos ang luha niyang hindi niya mapigilan. Tinakluban niya ang bibig niya para hindi siya makalikha ng kung  ano mang ingay. Tumayo siya at dumungaw sa bintana, nakita niyang naglalakad na pabalik si Sky. Bumalik na siya sa higaan niya at sinubukang pumikit na, pero puro lamang sakit ang nakikita niya kahit pa nakapikit na siya.

We could've been better kung hindi niya inisip na kailanman ay susuko ako. We would still be a couple until now kung hindi siya umayaw. Hindi na sana kami parehong naging malungkot. Hindi na sana kami nasasaktan. Pero wala eh! Ayaw niya na.

The Last Time You Loved MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon