Agad na nagpunta si Jasmine sa ospital na sinabi ng mama ni Sky. Sinamahan naman siya ni Jacob doon. Dali dali niyang hinanap kung nasaan ang morgue. Nang makita niya ang pintong may nakasulat na morgue sa dulo ng hallway ay para bang bigla siyang nanlambot, ni halos hindi siya makalakad papunta dito. Bawat hakbang ay mabibigat at masasakit para sakaniya. Nang makarating siya dito ay nandoon ang mga magulang ni Sky katabi ang isang bangkay na nakataklob na. Alam niyang si Sky iyon kaya't hindi pa siya nakakalapit ay humahagulgol na siya, may ilang segundo niya tinitigan ito bago silipin kung siya nga ba ito. Nang makita niya si Sky ay halos himatayin siya sa itsura nito. Maputla ang labi, may tahi sa may bandang noo at may mga sugat sugat sa buong mukha nito. Halos hindi niya ito mayakap dahil pakiramdam niya pag niyakap niya ito ay handa na siyang magpaalam dito. Huminga muna ito ng malalim bago haplusin ng nanginginig niyang kamay ang mukha ni Sky. Ilang sandali pa ay nagdecide na siyang yakapin na ito. Pagkalapat ng tenga niya sa dibdib nito ay doon na muling bumuhos ang mabibigat niyang mga luha sapagkat wala na talaga siyang nararamdamang heart beat. Kahit sa huling segundo ng pagpapaalam niya ay patuloy siyang umaasa at aasa at aasa pa rin.
"Sky ano ba! Gumising ka diyan! Love please! please..." sabi nito kasabay ng malalakas na hikbi. Sa gilid ay nakatingin lamang sakanya ang mga magulang ni Sky na hindi rin mapigilang mapaiyak. Si Jacob naman ay nasa labas lang at kahit naghihintay lang siya ay umiiyak siya dahil hindi niya kayang nasasaktan ng ganito si Jasmine.
"Love naman eh! Huy gising na dali! Please! Gumising ka naaaa!" pagwawala nito habang yakap yakap pa din ang bangkay ng binata. Nilapitan siya ng magulang ni Sky at pinigilan na siya.
"n-nak, w-wala na t-tayong magagawa"
napa upo na lamang si Jasmine sa sahig habang pinagmamasdan kung paano muling itaklob ang puting tela sa katawan ni Sky na sa mga pagkakataong ito ay tuluyan nang lumisan."handa ka na ba para bukas?" tanong ni Francine, hindi na lang siya pinansin ni Jasmine at dahan dahan itong lumabas ng kwarto niya, pansamantala siyang huminto at tinitigan muna ang katabing pinto bago tuluyang pumasok dito. Sininghap niya ang hangin sa loob nito. Umupo siya sa kama nito at lumingon lingon sa mga nakasabit sa dingding na mga old pictures nila ni Sky. Nakuha ng atensyon niya ang isang picture frame na siya lamang ang nandoon, halatang ginupit ni Sky ang kalahati nito at pinaltan ng puting papel. Kinuha niya ito at naupong muli sa kama bago kalasin ang picture frame. Kinuha niya ang puting papel at nakitang naka fold ito sa tatlo.
"-Love"
Ito lamang ang nakasulat sa labas. Bago niya ito buksan ay huminga muna siya nang malalim. Pakiramdam niya ay sulat ito na matagal na. Sa unang sentence pa lang ay gusto na niyang umiyak pero pinigilan niya ang sarili niya. Nagpakatatag siya. Nakita niya din sa top left corner ang date nito. June 19, 2017. 3 days before they broke up.
Hi Love! :))
I know you'll be able to read this siguro after our break up na. I know you're dumb haha. I am writing this now because I don't know how to express what I feel, personally. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa'yo lahat pag nagkataon. Alam kong magsisinungaling lang naman ako sa'yo eh. I don't wanna let you go. If you just know how much I wanna hold on to you, love. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka. Maaaring nababasa mo nga 'to ay break na tayo. I may lie. Baka masabi kong hindi na kita mahal at pagod na ako sa'yo para lang aprubahan mo ang pakikipaghiwalay ko sa'yo. Sorry it has to be on our third anniversary. Nakikita kita gabi gabing nahihirapan at umiiyak, nasstress ka na sa work tapos nasstress ka pa sa'kin dahil nagiging cold ako sa'yo. My mom's ill, Jasmine and I don't know how to handle my situation anymore. I wanted to let you go kasi hindi ko na kaya, masyado na akong nabibigatan sa nangyayari sa ngayon at ayaw na kitang nahihirapan. Sana mahintay mo ko pag maayos na lahat. Wala na kong ibang mamahalin bukod sa'yo love. Promise. And sana after na'tin mag settle sa mga bagay bagay, sana mag krus ulit yung landas na'tin. At sana mahal mo pa'rin ako sa araw na 'yun. I swear, if marinig ko lang sa'yo na may pag asa pa, I won't hesitate na halikan at yakapin ka agad. Pero kung sakali mang may iba ka nang mahal, i'll push you away kahit masaktan ako. Alam ko kasing pag hindi kita ipagtulakan, mas masasaktan tayo pareho. Basta, love. Wait for me. I love you.
Halos mapunit ang sulat dahil sa pagkabasa nito nang dahil sa mga luhang pumapatak mula kay Jasmine. Gusto niyang sumigaw, magmura, gusto niyang tumalon mula sa taas ng bahay niya pero alam niyang pilay lang ang aabutin niya.
Nang matapos niyang basahin ang sulat ay nag breakdown siya. She wanted to cry so bad. Pakiramdam niya ay ang laki ng pagkakamali niya dahil naduwag siyang aminin kay Sky na siya pa 'rin ang mahal niya habang nabubuhay pa ito. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kaya nangyari lahat ng ito.
"I never stopped loving you."
Lalo siyang nadurog nang maalala niya yung huling text message sakanya ni Sky noong nasa boracay pa sila. Matapos niya itong silipin sa bintana na naglalakad na pabalik sa room nila ay humiga siya at pinilit na pumikit, maya maya ay nagliwanag ang telepono niya at si Sky iyon. Hindi niya akalain na iyon na pala ang huling beses na makakausap niya si Sky.
Halos hindi kayanin ni Jasmine nang simula nang ibaba ang kabaong ni Sky sa hukay. Nagsimula nang maghulog ng mga bulaklak ang mga tao dito.
Nang pagkakataon niya na ay hinalikan niya muna ang bulaklak bago ito ihulog. Bumalik siya sa kinatatayuan niya kanina at pinagmasdan ang mga magulang ni Sky habang naghuhulog ng bulaklak nila. She tried to stop her self from crying pero hindi niya magawa. Ganoon kabigat ang nararamdaman niya ngayon.
Nagpaiwan siya dito sa sementeryo at patuloy na tinititigan ang lapida ni Sky. Alam niyang wala na siyang magagawa para maibalik ito at alam niya ding walang mangyayaring pagbabago kahit pa magstay siya doon.
"Ahuh! Ang daya mo tangina ka din eh!" she painfully joked, talking to his gravestone. "Inintay naman kita tapos ikaw 'tong hindi! Gago ka bumalik ka dito!" pagpapatuloy niya. "Ininform mo sana ako. Jasmine mamamatay ako bukas ha wag ka mabibigla. Ganon sana hindi yung basta basta ka namamatay! Dapat nagpa alam ka muna sa'kin" she tried to smile and laugh about what she's saying but minutes after, she finally wasn't able to control her tears. Lumuhod siya at nagbreakdown doon. Can't stop her tears from falling.
"I love you, Sky." she didn't say much more dahil wala namang mababago. She stood up and was barely able to walk. Sumakay na siya sa likod ng sasakyan niya, buti na lang ay may driver siya ngayon dahil na conclude niya nang hindi siya makakapag drive pagkatapos. She just stared from where she came from habang umaandar na ang sasakyan niya hanggang sa mawala na sa paningin niya ang pinaglibingan ni Sky.
Humiga siya sa kama niya and tried controlling her emotions. May mga appointments pa siya bukas kaya pinilit niyang pumikit.
I wanna hug you now so bad. Sana lang ay nandito ka pa 'rin. Wait for me up there ha, Love.
BINABASA MO ANG
The Last Time You Loved Me
RomanceHow do one person enjoy living in the pain and dying for the happiness that will never ever comeback. Lucas Skyler, Single ngayon, taken kinabukasan. Mama's boy. Lauren Jasmine, masyadong focused sa sarili. Pero mabait siya at hindi din naman gaano...