Jasmine was lying on her bed, thinking. Iniisip niya pa din kung gaano siya katanga kasi naunahan siya ni Ms. Magsino kay Sky. Wala na ata siyang pag asa dahil may bagong jowa na yung tao. Nasasaktan siya sa fact na kinalimutan na talaga ni Sky lahat ng pinagsamahan nila. 2years na ang nakakaraan pero never ginalaw ni Jasmine ang mga gamit sa kwarto ni Sky sa bahay niya. Ayaw niya lang. Nililinis niya ito dahil nagiging maalikabok pero wala siyang ginalaw sa mga gamit nito. Sinisilip niya lang ang kwarto niya kapag namimiss niya ito. Kaya naisipan niyang silipin ito ulit ngayon. Natanaw niya ang isang glass snow globe na pag inalog mo ay may magandang effect ito sa loob.
__________________"Love pikit ka! May surprise ako sa'yo!" excited na sabi ni Sky kaya't sinunod naman siya ni Jasmine.
"Ikaw ha pag ito kalokohan!" pag iinarte pa ni Jasmine pero pumikit din naman ito.
"Hindi. Trust me! Osige open your eyes na" bumungad sakanya itong glass snow globe na hawak hawak ni sky. Alam niya na ang mga nagagawa ng bagay na 'to kaya tuwang tuwa siya nang regaluhan siya nito. "Sorry Love ah yan lang. Wala pa kong pera eh" nahihiyang sambit ni Sky.
"Looove! Okay lang naman. Ang ganda kaya nito oh!" kinalog ito ni Jasmine dahilan para makita nila ang napakagandang effect nito. Niyakap siya ni Sky mula sa likuran nito at pinagmasdan nila ang snow globe
"One day, sabay tayong pupunta sa Japan ah! Kung saan may snow!" sabi ni Sky at napangiti naman si Jasmine sa sinabi niyang yon.
_________________Natauhan si Jasmine nang marinig niyang may kumakatok pala sa pinto niya. Agad siyang bumaba at pinagbuksan ito ng pinto. Bumungad sakanya si Jacob na may dalang pizza at cake kaya't pinapasok niya ito agad.
"Bakit naman may cake? Tsaka alas nuebe na oh bat nasa labas ka pa?" tanong ni Jasmine habang inaayos ang mga dala ni Jacob.
"Bakit? Bawal ka ba isurprise? Di 'ba sabi mo sa'kin kanina puro lang ako hirit ayaw ko naman seryosohin? Oh eto ko ngayon, umaakyat ng ligaw" deretsong sabi ni Jacob na para bang hindi naman naiilang.
"So bakit nga may cake?" tanong ulit ni Jasmine.
"Syempre birthday mo next month. Kailangan may cake." natawa naman si Jasmine sa sinabi ni Jacob.
"Ang advance ha!" umirap ito atsaka kumuha ng mga plato, baso at tubig. Habang kumakain sila ng pizza ay napag usapan nila kung ano bang hiling ni Jasmine para sa 30th birthday niya.
"Simple lang, gusto ko lang maging happy. Tsaka gusto ko magpa bangs. Trip ko lang ganon. Gusto ko din mag beach. Bakasyon ganon" sabi niya habang nakasamual ang pizza sa bibig niya kaya natatawa si Jacob.
"Wow! Sige ba tuparin na'tin yan." saad ni Jacob kaya nanlaki ang mga mata ni Jasmine.
"Dadalhin kita sa beach, but before that, i'll take you to the parlor at papalagyan kita ng bangs. Hopefully pag ginawa ko 'yon, matupad yung wish mong maging happy." kibit balikat na sabi ni Jacob. Sa sobrang tuwa ni Jasmine ay niyakap niya ito ng mahigpit, pagkatapos ay uminom siya ng maraming tubig atsaka umirit dahil excited na siya mag bakasyon. "Hay nako! Osige na iblow na agad natin yung candle mo para matupad na agad pati na din yung iba pang wishes mo" kinuha ni Jacob ang lighter atsaka sinindihan ang kandila. Kinantahan niya ng happy birthday song si Jasmine at kahit pa mag isa lang siya ay ginawa niya pa 'rin ng walang pag aalinlangan. After iblow ni Jasmine ang kandila sa cake ay dumawdaw ito ng icing at inilagay ng mabilis sa mukha ni Jacob. "abaaaa! yan pala gusto mo ha! sige!" paghahamon ni Jacob at agad na umirit at tumakbo si Jasmine sa gilid dahil alam niyang gagantihan siya nito. Nalagyan siya sa noo at mukha na siyang siopao. Hindi siya nagpaawat kaya kumuha ulit siya ng icong at nagpahidan sila. Hinahawakan ni Jacob ang kamay ni Jasmine para hindi siya malagyan nito. Pareho silang nanlalambot kakatawa kaya ang dungis dungis na nila "ta....ma...n...waaaah....tam....ma....waaaaah" hindi matapos tapos ni Jacob ang sasabihin niya dahil utas siya sa pagtawa habang pinipigilan si Jasmine. Napasandal na si Jasmine sa may dingding habang hawak pa din ni Jacob ang kamay nito para pigilan. Habang tumatawa ay nagsasalita pa din si Jasmine
"wahahahaa ayan....nalag.....hahahahaha..... nalagyan...hahahahah...nalagyan ka sa..... hahahaha....sa bibig....hahahaha" halos hindi mabuo ni Jasmine ang sasabihin niya dahil tawa lang siya nang tawa. Ilang sandali pa ay kumalma siya kahit napapangiti pa din. Binitawan na siya ni Jacob at inulit niya ang sinabi niya. "meron ka sa labi" seryosong sabi nito. Tinitigan niya ang labing iyon na may icing. Ilang sandali pa ay idinampi niya nang bahagya ang labi niya dito. Hinalikan naman siya pabalik ni Jacob. Kumawala siya at tinitigang muli si Jacob.
"so ano? tayo na ba?" tanong ni Jacob sakanya. Ngumiti lamang siya atsaka hinalikang muli si Jacob.Kinabukasan, pagdating ni Jasmine sa opisina. Naglakad siya patungong desk niya at umupo muna saglit para tingnan kung may kliyente bang nagtext sakanya. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may yumakap mula sa likod niya at hinalikan siya sa pisngi dahilan para mapangiti siya.
"Goodmorning naman sa girlfriend ko. Nag breakfast ka na?" tanong ni Jacob sakanya.
"Oo. Ikaw?" inalis ni Jasmine ang yakap sakanya ni Jacob at inikot ang computer chair niya na nakaharap na ngayon kay Jacob. Nginitian lang siya nito atsaka siya hinalikan sa labi. Nakita naman ito ng iba nilang katrabaho kaya inasar sila nito."ehe ehem! no landi policy po tayo while working."
"ang pda naman po."
"ang saya ng morning ah. may pagtuka eh!"Binato sila ni Jacob ng gusumot na papel atsaka nagtawanan. Nagpaalam na si Jacob at may kliyente lang siyang imimeet ngayon. Ganon din si Jasmine at nagkanya kanya na sila ng trabaho.
Papunta na sa pang apat na kliyente ngayong araw si Jasmine and as always, may baon siyang tubig pero hindi niya napansin na hindi siya nakapag refill sa office kanina nung bumalik siya. Wala namang mabibilhang tindahan ng mineral water kaya tiniis niya na lang muna. Habang nakikipagdiskusyon sa kliyente ay uhaw na uhaw siya, hindi siya makapag hintay na makabalik muli sa opisina para makainom. Pagkatapos niyang makipag usap sa kliyente ay tinext niya si Jacob na wag na muna silang mag meet mamaya dahil masyado pang busy si Jasmine. Binuksan ni Jasmine ang pinto ng sasakyan niya at sasakay na dapat siya nang biglang matanaw niyang papunta sa way niya si Sky, naglalakad. Napansin din niyang may hawak hawak itong bottled water. Nang nasa harap niya na ito ay nag slow-mo ang paligid at binuksan ni Sky ang water bottle at ibinuhos ito sa sarili at nag pose ng parang model habang may pa wet look pa. Napatulala naman si Jasmine at pinagmamasdan kung gaano ka-hot si Sky.
"Hi Architect Mendoza. Okay ka lang? Okay ka lang?" Maya maya ay natauhan siya nang marealize niyang nasa harap niya si Sky ngayon. Napa iling siya at bumalik sa realidad. "Huy! Architect Mendoza? Okay ka lang ba? Pawis na pawis ka oh" tanong ni Sky na ngayon ay normal na sa paningin ni Jasmine.
"Ha? Ang hot kasi nung water bottle."
"Huh?"
"I mean, ang inet. Oo. Ang inet" palusot nito.
"Oh. Uminom ka muna. Namumutla ka na oh" inabot ni Sky ang tubig at kinuha naman ito ni Jasmine dahil nga nauuhaw na siya. Tinawag na si Sky ng isang engr. atsaka ito nagpaalam sakanya. "Inumin mo yan ah! Yung pawis mo punasan mo." turo ni Sky sakanya habang naglalakad na paalis. Sumakay na si Jasmine ng kotse niya at ininom ang tubig na bigay sakanya ni Sky.Grabe concerned pa din ba siya sa'kin? May feelings pa din ba siya? Pero hindi eh! Pareho kaming may jowa na. Oh no! The world is so unfair!!!!
Hi guys! How was the story so far? Boring ba???
BINABASA MO ANG
The Last Time You Loved Me
Roman d'amourHow do one person enjoy living in the pain and dying for the happiness that will never ever comeback. Lucas Skyler, Single ngayon, taken kinabukasan. Mama's boy. Lauren Jasmine, masyadong focused sa sarili. Pero mabait siya at hindi din naman gaano...