Unang Yugto

28 3 1
                                    

"ALAM KONG SI NATOY KA"

*//WAG BASAHIN KAPAG IKAW AY MATATAKUTIN//*

Nagabihan kami ni Mama sa pamamalengke kaya't naglakad na lamang kami pauwi dahil wala na ring bumabyaheng tricycle sa mga oras na ito.

"Anak tara magshortcut na lang tayo para mapaaga tayo ng uwi kahit papaano" sambit ni mama.

"Sige po" sagot ko sa kanya at tinahak na namin ang makitid na daan na patungo sa mga kakahuyan.

Nung makalabas na kami sa gubat ay napadaan kami sa isang lumang bahay. Napaka antiko ng itsura nito at napapatayo na ang balahibo dahil mahina lamang ang sindi ng ilaw sa loob at malamig pa ang simoy ng hangin.

"Ma sino bang nakatira jan?" Tanong ko kay mama.

"Hindi mo ba natatandaan? Diyan ka laging nakikilaro nung bata ka pa. Sino nga yong kalaro mo? Abay nakalimutan ko na" paliwag ni mama.

"Haha grabe naman ma baka si Natoy yan yung mahal na mahal ako" pabiro kong sabi kay mama at bigla namang may dumaang malamig na hangin na siya ikina tayo ng balahibo ko sa leeg.

"Abay yung sa pesbuk naman yan anak. Bilisan mo na ang paglakad mo" utos ni mama. Napatingin naman ako ulit sa bahay at nagulat ako ng makakita ng aninong mabilis na dumaan sa binta nito. Naku naman huwag kayong magpatintero sa gabi.

Kinabukasan ay maagang pumunta ng palengke si mama kasama ang bunso namin at tanging ako lamang ang natira sa bahay.

Napagpasiyahan kong balikan ang naturang bahay. Naglalakad ako nun at napadpad ako sa gate nito.

"Tao po?" Walang sumagot ngunit bigla namang bumukas ang gate.

"Grabe ang sosyal naman de remote ang gate. Pasintabi po papasok na ako" sambit ko at nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay.

Kakatok na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at may taong humila sa akin papasok kaya't napasigaw naman ako.

Nadapa ako sa sahig at pagtayo ko ay nakita ko ang kalooban ng bahay. Dahan dahan akong nagikot sa silid sabay sabi ng "tao po sino po ba ang humila sa akin papasok?"

Bulis ang tibok ng puso ko ng makaramdam ng isang presensya sa likod ko kasabay ng paggalaw ng ilang mga gamit sa sala.

Buong lakas akong hinarap ang taong nasa likod ko ngunit wala akong makita.

"Ay tipaklong bakla bayot!" Mabilis ko bigkas ng may kumalabit sa likod ko.

Paglingon ko ay may nakita akong lalaki na naka upo sa sofa tanging likod ng ulo niya lang ang nakikita ko.

"S-sino k-ka?"

"Hindi mo ba ako naaalala?" Tanong niya.

"Alam ko na yang trip mo! Alam kong ikaw si Natoy hahaha. Nakikisabay ka rin sa uso ei no" sambit ko sabag lapit sa kanya.

"Pano mo iyan nasabi?"

"Malamang ganun naman ang nangyayari sa mga storya sa facebook ei kunware multo yun pala ako to si Natoy yung mahal na mahal ka haha" nanakit na ang toyan ko sa kakatawa kasi epektibang prank niya.

"Ganun ba edi gayahin natin kung gusto mo"

"Huh?"

"Kunwari multo ako" nanindig ang balahibo ko nung humarap siya sa akin.

Nakalaylay ang isa niyang mata at mayhiwa ang panga niya. Tila inuuod na rin ang katawan niya at saka ko lamang na amoy ang napakasangsang na amoy.

"Ako si Natoy yung mahal na mahal ka" sambit niya at akmang dadakmain ako.

"AHHHHH!! HINDI KA SI NATOY!!! SCAM!! PRANK GONE WRONG!!!!"

Alam Kong Si Natoy Ka [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon