IKA-LIMANG YUGTO

7 3 0
                                    


Matapos kaming maghapunan at makapagligpit ng kusina ay pumunta na ako sa sala upang tingnan kung ano yung nilalaman ng DVD.

"Matulog ka na wag kang magpapagabi" paalala ni mama at pumunta na sa kwarto niya.

"Ate sama ako" sambit ng kapatid ko at umupo siya sa tabi ko.

Inilagay ko na yung DVD sa DVD player namin at hinintay na magload ito. Isang video lamang ang laman nung DVD kaya huminga ako ng malalim at pinindot yung play sa remote.

Maglilimang segundong naging blanko yung screen kaya napayakap kami ng kapatid ko. Pareho kaming kinakabahan sa kung anong lalabas.

"Umaandar na ba to? Ay Oo" sambit ng isang boses ng lalaki at makikita mo sa screen ang napakagandang hardin.

"Tinay!" Sigaw nung lalaking may hawak ng kamera sa batang nakaupo sa damuhan.

"Tingnan mo *shsjsksk* korona na gawa sa bulaklak ng hardin mo" humarap yung bata at ipinakita ang ginawa niyong flower crown.

Lalo kaming napakapit sa isa't-isa ng kapatid ko hindi lang dahil static lang ang narinig namin nung sinabi nung bata yung pangalan ng lalaki, dahil na rin ay kamukha ko yung batang babae!

"Ang ganda naman Tinay!" Sambit ng lalaki at nilagay niya sa ulo ng bata ang isang flower crown at kinuha niya naman ang isa. Malamang sinuot niya yun.

Nagulat ako ng biglang mapause yung video kaya naman ay napatingin ako sa kapatid ko. Nagulat naman ako ng makita na namumutla siya.

"A-a-ate d-diba i-ikaw y-yan?" Pautal utal niyng tanong.

"Oo parang ako nga yang batang iyan. Yan siguro ang sinasabi ni mama na kalaro ko dati ang mayari ng bahay na iyon" paliwanag ko sa kaniya at pinundot ang play sa remote.

Magsampong minuto ng naglalaro ng habulan yung batang kamukha ko dun sa camera man. Sabawat pagsambit sana ng batang babae sa pangalan ng camera man ay nagiging static ito kaya hindi namin nalalaman kung sino ba talaga ang camera man.

Kung ako ang tatanungin bet ko na gwapo yung camera man ang husky ng boses ei tapos malumanay pa yung tipong nakakainlab kahit boses lang. Bakas sa mukha ng bata ang saya at abot tenga ang ngiti niya.

"Pagod na ako hahaha" sambit nung bata at naupo na sila sa damuhan.

"Masaya ba tinay?" Tanong nung camera man.

"Oo ei dapat happy lang" nilagay ng bata ang dalawa niyang daliri sa pisnge at ngumiti ito ng abot tenga. Natawa naman ang camera man.

"Aveeii?!!!" Narinig ko ang boses na parang kay mama.

"Ate ayoko na manuod" bulong ni Azier.

"Shush malapit na natin malalaman kung sino yang lalaki" sambit ko sa kaniya habang nakatutok pa rin sa tv.

"Paalam na *shjskkshjsk*" ngumiti yung bata at kumaway. Matapos nun ay nawala na siya sa screen umalis na siguro.

Shet sino ba talaga yang lalaki baka siya yung sagot sa lahat ng nangyayari sa amin ngayon.

"Paano ba ito patayin?" Tanong nung lalaki sa screen.

Napakapit naman ako sa kapatid ko ng makitang iniangat na niya yung anggulo ng camera.

Yes sige pa malapit na nakikita ko na yung.....

Blonde niya na buhok?!

Huh?! May lahi si kuya?! UwU sana gwapo sige pa iangat mo pa yung anggulo ng camera.

"Ah ito pala" sambit niya at huminto na ang video.

"Huwhaaat??! Bitin?!" Sambit ko.

"Ate tingnan mo oh" tinuro ni Azier yung corner ng tv.

Oh sheeetttttt may lahi nga!!!

Shet bata pa lang ako nakadagit na ako ng gwapooo!!!

Nakita namin sa gilid ng screen yung kumikinang niyang asul niyang mata. Oh may ghad nakaka Inlabbbbb

Alam Kong Si Natoy Ka [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon