Nagising ako sa loob ng isang lumang kwarto at napansin kong ito yung kwarto na kung saan nakita ko ang DVD.Medyo masakit ang ulo ko pero pinilit ko pa ring bumangon at hinanap sa bahay yung maligno pero hindi ko siya nakita.
"Yes makakatakas din ako" bulong ko sa sarili ko at dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas sa bahay.
Mabilis akong tumakbo patungo sa gate pero nahagilap ko yung maligno na nakaupo sa ilalaim ng isang pamilyar na puno. Yung punong iyon ang nakita ko sa DVD.
Ewan ko ba anong nagtulak sa akin pero nilapitan ko siya. Umupo ako sa harap niya ngunit nakayuko pa rin siya.
"Hindi mo ba ako naaalala?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita at humarap sa akin.
Inuuod pa rin ang mukha niya at tila malalaglag ang mga mata niyang kulay asul.
"H-hindi" natatakot kong sagot sa kaniya at hinanda ko na ang sarili ko upang tumakbo sakaling susunggapin niya ako pero matapos niyang marinig ang sagot ko ay napayuko siya ulit.
Ai may paemote emote ka pang nalalaman ikaw na maligno ka.
"Malaya ka na sa sumpa Tinay. Hindi na kita susundan pa" sambit niya.
Sumigla naman ang katawan ako at dali dali akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay. Nilingon ko siya pero hindi siya gumagalaw sa kinauupuan niya kaya masaya akong tumakbo pauwi.
"Azier! Azier!" Tawag ko sa aking kapatid at sa ngayon ay hindi na yumayanig ang lupa. Marahil ay tinanggal na nga niya ang sumpa.
Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko si mama na nakahiga sa sofa at nakaupo naman sa sahig si Azier.
Idinilat ng aking kapatid ang mga mata niya at ngumiti ito ng subra ng makita niya ako. "Ate!!! Buhay ka!"
Niyakap niya ako at napaiyak siya.
"Natalo mo ba yung maligno?" Tanong niya sa akin saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Oo tinanggal na niya yung sumpa" masaya kong sabi sa kaniya pero hindi natuwa ang kapatid ko.
"Paano?" tanong niya. Ikinuwento ko ang nangyari sa kaniya.
"ATE TANGA KA BA?!" Galit niyang sabi.
"Ano ka ba hindi ako tanga. Safe na tayo kaya dapat. Happy lang" sabi ko tapos ngumiti ng pagkasaya saya na nakalagay ang hintuturo sa pisnge ko.
"Oh ayan ginawa mo na!" Sabi niya sabay turo sa akin.
"Huh?" Nagtataka kong asal.
"Ate alalahanin mo yung pangalan ng kalaro mo dati alalahanin mo!" Excited niyang sabi sa akin.
Oh no!
Mabilis akong tumayo at lumabas ng bahay.
"GOODLUCK ATE!!!" Narinig kong sigaw ni Azier.
Bakit ba ang bobo ko.
Bakit hindi ko agad napansin. Bakit?
Tumakbo ako papunta sa lumang bahay at napansin ko na unti unti na ito lumalaho. Wag please sana maabutan pa kita.
Naaalala ko na. Dati nung bata pa lamang ako may kalaro ako. May lagi akong kalarong batang lalaki. Isa siyang mabait na engkanto.
Naaalala ko na. Kahit na binura ng punyetang reyna nila ang alaala ko ay bumalik ang mga ito.
Hindi ako ang sinumpa kundi siya. Sinumpa siya dahil bumunga ang isang panibagong pagmamahalan sa aming dalawa.
Ang mga enkanto ay hindi dapat magmahal ng isang tao pero nilabag namin iyon. Nilabag namin ni Nathaniel yun.
Wag ka munang maglaho Nathaniel naaalala ko na lahat!
Hingal na hingal akong pumasok sa gate at nakita ko siyang nakaupo parin sa ilalim ng nalalayang puno.
"Tinay ako to si -"
"Si Nathaniel. Si Natnat yung enkantong napamahal sa isang taong katulad ko" naluluha kong sabi at niyakap siya.
Ngayon hindi na ako nandidiri sa nalalanta niya katawan.
"Ako pa rin ito. Si Natnat na mahal na mahal ka" sambit niya.
"Patawad at nakalimutan ko ang ating pagmamahalan Nathaniel" dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at dumampi ang labi ko sa malamig niyang labi.
Sa pagdikit ng aming mga labi ay kasabay ng pagliwanag ng aming mga dibdib. Unti unting nagbago ang anyo niya.
Bumalik ang mapusyaw niyang buhok at kumikinang na asul na mata. Ang kaniyang maputi at makinis na katawan at ang hubog na tila isang top model.
Bumalik rin sa dating anyo ang hardin at napuno ito ng bulaklak at iba pang tanim. Ang kanina'y lumang bahay ay naging isang engrandeng bagong tahaman na pinapalibutan ng halaman.
"Naalala mo rin ako" sambit ng malamig at nakakainlove niyang tinig.
"Oo" sagot ko sa kaniya.
"Kahit na ipinagbabawal ang ating pagmamahalan at kahit na isumpa pa man ako ay sayo lamang titibok ang puso ko" malabing niyang sinabi sa akin.
Hinawakan niya ang aking bewang at dahan dahang inilapit sa kaniya. Hinaplos niya ang luhang tumutulo sa aking mata, pinisil ang aking pisnge at hinalikan niya ako.
Kaya pala walang nanliligaw sa akin. Kasi may nobyo na pala ako matagal na ngunit nakalimutan ko lamang dahil sa sumpa ng reyna ng mga enkanto.
May nobyo akong enkanto na nagngangalang Natnat at mahal na mahal namin ang isat isa kahit anong mangyari.
~~~~~~~~~~~~~~
Salamat sa pagsubaybay ng Sulatseryeng "ALAM KONG SI NATOY KA"Ito na po ang wakas ng ating kuwento. Don't forget to leave your opinions about the story. Thank you po.
BINABASA MO ANG
Alam Kong Si Natoy Ka [COMPLETED]
Short StoryBabaeng mahilig sa Facebook? ayan si Aveir. Single pero walang ka mingle. Ang kaniyang maayos at tahimik na buhay ay biglang nagbago ng mapagkamalan niyang "Natoy Prank" ang isang maligno. Nang dahil sa pagkakamaling ito ay naisumpa siya na lagi na...