Mabilis ko nailagan ang pagsugod niya sa akin. Agad naman akong tumakbo papunta sa pintuan.Pinihin ko ang pinto ngunit ayaw nitong bumukas. Bumwelo ako at binagsak ang katawan ko sa pinto ngunit hindi pa rin ito bumukas o nasira man lang.
"Takte sa wattpad epektib to oh nasisira yung pinto pagbingga ko ang pinto! Tulong!!!" Sigaw ko habang pinupokpok ang pinto.
"Nasaan ka na mahal na mahal ko" narinig ko ang nakakakilabot niyang boses kasabay ng matinis at nakakairitang tunog ng mga kukong kinakaluskos sa pader.
Nakita kong lumabas na siya sa sala at papalapit na sa akin. Agad ko namang kinuha ang vase sa sahig at itinapon ito mukha niya.
"AAAAHHH!!!" Sigaw ko ng makitang nabali pa talikod ang kanyang leeg. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang panlamig ng mga kamay ko ng makita kong hawakan niya ang kanyang ulo at ibinalik ito sa pwesto na parang wala lang.
"Ako to si Natoy na-" naputol ang kanyang pagsasalita ng itapon ko ang picture frame na nasa mesa at na shoot ito sa bunganga niya.
Bumulwak naman ang itim na dugo sa bibigniya at mas lumaki pa ang hiwa ng baba niya.
"Tae na Hindi ka si Natoy kaya tigilan mo ako!!!" Buong lakas ko siyang sinugod at sinipa ang tiyan niya.
"Eewwww!!!!!!" Nandidiri ako ng makitang bumaon ang paa ko sa nalalata niyang tiyan. Dumapo naman ang kamyang inuuod na kamay sa mukha ko at pinipisil ang mga mata ko."AAACVKKKK!!!"
Tinulak ko siya at napatilapon siya pabalik sa sala at nanlalabo ang paningin ko dahilsa lakas ng pagpisil niya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at umakyat na sa hagdan pumasok ako sa isang kwarto at sinara ang pinto.
Hinrangan ko rin ito ng mesa at itinulak ko rin ang higaan upang iharang sa may pinto. Kabado akong humarap sa bintana at hinintay na luminaw ang paningin ko.
Nung mapansin kong maayos na ang aking paningin ay inangat ko ang aking ulo upang hanapin ang lock ng bintana.
"NATOYY!!!!!"mabilis akong napaatras sa bintana ng makita ko siya na nakasabit sa labas ng bintana at nakangiti.
Punukpok niya ang salamin ng bintana na siya namang ikinagulat ko. Unti unti ng nababasag ang salamin kaya naman ay dali dali kong inalis ang mga gamit na nakaharang sa pinto.
Takte pano siya nakalabassss!!!!!
Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang pagkabasag ng salamin at naramdaman ang malamig na ihip ng hangin.
"Ako to si Natoy-"
"Oo alam kong si Natoy ka! Pero anong kailangan mo!!!" Hinarap ko siya at napaatras naman ako ng mapansin na halos isang pulgada lamang ang pagitan namin.
"Katotohanan!" Sigaw niya at sinakal ako. "AACKK!!"
Sinakal ko rin siya ngunit bumabaon lamang ang mga kamay ko sa nalalata niyang katawan kaya itinulak ko siya patungong bintana at sabay kaming nahulog.
Naramdaman ko ang pagkabagsak naming dalawa at ang pagtunog ng mga baling buto niya. Malabo man ang paningin ay pinilit kong tumayo at maglakad kahit na gumegewang papuntang gate.
Kailangan kong makalabas kailangan kong makaalis. Takte pahapon na pala!
Hinawakan ko ang gate at ginamit ang natitira kong lakas ngunit ayaw pa rin nitong bumukas.
"Tulong!!!.. Tulong!!!" Nanghihina na ako.
May naaninag akong naglalakad sa di kalayuan."Tulong..Tulong!!" Tawag ko sa kanya at ng makalapit siya ay namukhaan ko na siya.
"Aveir?! Bat ka nandiyan?!" Agad niya namang pinilit buksan ang gate at bumukas naman ito.
"Papa! Huhuhuhuhuu" niyakap ko siya at umiyak.
"Ano bang ginagawa mo duon?"
"Pa bilis bago tayo maabutin ni--" nung ituro ko kung saan kami nahulog ni Natoy ay wala na ang katawan niya duon. Huh?! Pano yun?
Nagiimagine lang ba ako?! Pero bat ang dugyot dugyot ko.
"Alam mo anak hindi magandang pangalanan ang malignong nakatira jan" sabi ni papa at inalalayan na akong maglakad.
"Bakit po pa?"
"Kasi sabi sabi na kapagpinangalanan mo siya ay susundan na susundan ka niya" anlamig ng kamay ni papa.
"Naku naman pa wag ka ng magbiro!"
Teka lang.... Papa?
Papa?!!!!
Ei magtatlong taon ng wala si Papa dahil .....
Bumilis ang tibok ng puso ko at tiningnan ang mamumutlang mukha ni papa.
Dahil namatay siya...
"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka" unti unting naging bulok ang katawan niya at naging kaitsura na niya yung malignong humahabol sa akin kanina.
Kumalas ako sa pagkakahawak niya, "HINDI KA NGA SI NATOY!!!!!"
BINABASA MO ANG
Alam Kong Si Natoy Ka [COMPLETED]
Short StoryBabaeng mahilig sa Facebook? ayan si Aveir. Single pero walang ka mingle. Ang kaniyang maayos at tahimik na buhay ay biglang nagbago ng mapagkamalan niyang "Natoy Prank" ang isang maligno. Nang dahil sa pagkakamaling ito ay naisumpa siya na lagi na...