Panauhin
"O ba't ang tagal mo yatang nakabalik?''
Bungad ni nay Cora sa akin sa gitna ng malalim na pag-iisip. Hindi pa rin mawaglit sa akin ang nangyari kanina. Sino kaya iyon? Ngayon ko pa lang nakita ang lalaking iyon, nakakahiya naman at hindi ko man lang natanong ang pangalan niya para makapagpasalamat ng maayos. At bakit mo naman tatanungin ang pangalan niya Elea? Necessary ba iyon para magpasalamat. Argh! Ewan ko ba parang nahati ang utak ko sa dalawa at nagsasalpukan ngayon. Pero narinig kong tinawag siyang Zix kanina at kung hindi ako nagkakamali ay siya rin yata iyong pinag-uusapan ng mga babae kanina.
"Ah natagalan lang Nay. Sobrang daming tao doon malapit sa bagsakan ang sikip sikip nga kaya pahirapan sa pagdaan.''
"Ah ganun ba? Ganyan talaga anak basta nalalapit na ang pista. Marami ring dayo.''
Napatango ako ng marinig mula kay nanay ang salitang 'dayo'. Marahil dayo nga rito iyong lalaking sumagip sa akin kanina. Kung pagbabasehan mo ang tikas nito ay mukhang lumaki sa luho at karangyaan. Taga saan kaya siya kung hindi siya tagarito? Anubayan parang nasosobrahan na yata ang mga katanungan ko. Dapat ay ipagpasalamat ko nalang na hindi ako napaano kanina at hindi na iniisip kung sino man iyong sumagip sa akin dahil tiyak na hindi na naman rin kami magkikita ulit.
"Puntahan ko lang si Tinay saglit sa loob nay."
"O sige anak."
Tumungo na ako sa looban at nakita si Tinay na nakaupo at mukhang nababagot na sa akin kahihintay.
"Akala ko pa naman bukas ka na makakabalik," biro nito sa akin.
"Tsk. Sabihin mo ang bilis mo akong na miss."
"Ew ang oa mo ate!"
Napailing na lamang ako sa sinabi nito. Kinuha ko ang kamay niya saka ginamot ang sugat at nilagay na rin ang band aid.
"Ate Elea," biglang tawag nito sa akin habang inaayos ko pa ang pagkakalagay ng band aid sa daliri niya.
"May crush ka ba?"
Natigil ako sa ginagawa saka napatingin sa kanya at tumawa.
"Ate naman eh! Kinakausap kitang maayos tapos tinatawanan mo ako!" halos magmaktol na siya dahil sa reaksyon ko.
"Sino ba namang hindi matatawa sa tanong mo eh napakaseryoso ng mukha mo."
"Ewan ko sayo wag na nga!"
Tatayo na sana ito ngunit pinigilan ko siya.
"Bakit? May napupusuan na ba ang aking kapatid?" I tried to stop my laughs para makausap ko siya ng maayos. Hindi siya sumagot sa tanong ko but her eyes says it all. Kahit ako sa ganyang edad ko noon ay mayroon din naman akong mga hinahangaang kaklase ngunit hindi yung tipo ng paghangang kinababaliwan ko.
"Haaay naku! Si Tinay umiibig na. Kahit hindi mo sabihin kay ate ay kilalang-kilala na kita uy!" sambit ko sa kanya saka ginulo ang buhok nito dahilan para mapanguso siya.
"Alam mo ate ngayon pa lang ako nagkacrush."
"Eh ba't mo ba siya crush?"
"Kasi. . . kasi m-mabait siya saka matalino at lagi niya pa akong tinutulungan pag may projects o kaya assignments bonus nalang iyong kaguwapohan niya."
"Naks naman! Edi ang daming nagkakagusto sa kanya kung ganyan pala ang ugali?"
Napansin kong napayuko ito sa sinabi ko at animo'y nanlumo.
"Kaya nga ate eh. Kahit na sabihin kong pakiramdam ko'y may espesyal na kahulugan ang pakikitungo niya sa akin ay nasasaktan ako dahil ang totoo ay ginagawa niya din naman ang mga bagay na iyon sa iba, hindi lang sa akin."
YOU ARE READING
Bait on You (Military Series #1)
RomanceBait on You (Military Series #1) Maria Cecilliah Dominguez ran out from her painful life, full of sufferings under the hands of her father. Sa murang edad ay nasaksihan niya ang isang kahindik-hindik na pangyayaring hindi niya inakalang magagawa ng...