Kabanata 4

5 5 0
                                    

Amo

Panay ang bilin ni mayor sa amin patungkol sa parating na pista. Mahigit sampu ang kasama ko rito na tulad ko rin ay magluluto o kaya naman ay may mga gawaing nakaatas. Pinilit ko ang sarili kong pagtuonan ng pansin ang lahat ng sinasabi ni Mayor kahit na paminsan-minsan ay binabagabag ako ng nakita kong lalaki kanina. Natanto kong nakakahiya ang ginawa ko, paano nalang kung malaman iyon ng mga kasambahay o kaya'y umabot pa kay mayor? Baka kung ano pang sabihin sa akin. Sana naman hindi nalang niya sabihin iyon sa iba kung hindi ay di ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko kay ate Tess o kaya kay mayor.

"Matagal ka na bang nagluluto?"

Napalingon ako ng marinig na nagsalita ang babaeng nasa gilid ko. Maiksi ang napakakulot nitong buhok saka medyo singkit ang mga mata, mukhang mas matanda lamang siya ng ilang taon sa akin.

"Ah Oo medyo," nahihiya ko pang sambit.

"Ganun ba? Akala ko pa naman sobrang gagaling ng mga nandito."

Mataray ang pagkakasabi nito at medyo tinaasan pa ako ng kilay. Alam kong hindi maganda ang tono ng salita nito pero parang nakakapang-insulto naman iyon, hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa mga narito.

"Ako kasi, taga kabilang bayan pa ako at talagang tinawagan ng Mayor Doma nila para daw sa paparating na pista. Akala ko pa naman kung sinong malalaking chef ang makakasama ko rito," dagdag pa nito sa maarteng boses.

Ayokong makipagtalo dahil parehas lang naman kaming gustong kumita ng pera. Kahit pa anong pangmamaliit niya ay wala namang magbabago doon, parehas lang kaming gagawin ang kanya-kanyang tungkulin. Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya saka nginitian ito, pinigilan ang aking sarili sa pagsasalita.

"O siya paano? Magkita-kita nalang tayo sa araw ng pista mga kababayan ko. Huwag ninyo kalimutang maging maaga haa?"

Tapos ng ibinigay ni Mayor ang sinabi ni ate Tess na paunang sweldo niya. Hindi naman ito ganoong kalakihan ngunit ayos na rin dahil wala pa naman kaming nasisimulang trabaho. Sinabi na rin nito sa amin ang lahat ng mga putaheng lulutuin. Napakarami ng mga ito at karamihan ay pagkaing Pinoy. May iilan din namang mga Italian dish pero mas gusto ni Mayor na maging makamasa ang ihahain sa napakarami niyang bisita.

Napatingin ako sa orasan ng tanggapan at nakitang alas singko y media na pala ng hapon. Unti-unti na ring naglabasan ang mga tao sa silid matapos magpaalam kay mayor. Nakita kong may kasambahay na lumapit sa akin, yung dalagitang kasama ni ate Tess kanina.

"Magandang hapon po, ikaw ba si ate Elea?"

Magalang nitong tanong sa akin.

"Oo ako nga. Bakit?"

"Pinapasundo ka sa akin ni ate Tess papuntang kusina dahil malapit ng maghapunan sila mayor."

Tumalikod na ito sa akin kaya naman ay sumunod nalang agad ako. Magpapaalam pa sana ako kay mayor kaso may iilan pa siyang kausap na mga katulad ko ring hinire nila. Mamaya nalang ako magpapaalam pagkatapos ng hapunan nila.

Tahimik lamang kaming naglalakad papuntang kusina. Ng makaabot dito ay napansin kong kami lang tatlo ang naroon, ako, si ate Tess at yung dalagitang sumundo sa akin sa tanggapan ni mayor.

"Saan po ang ibang kasambahay ate Tess?" tanong ko sa kanya habang nagsisimulang maghanda ng mga rekados sa tatlong putaheng lulutuin.

"Nandun sila halos lahat sa sakahan ni Mayor, yung iba naman ay namitas ng ubas para gawing alak. Gusto kasi na mayor na painumin yung mga bisita niya ng alak gawa sa tanim nitong mga ubas."

"Ganun po ba? Pero hindi ba't aabutin pa ng ilang buwan iyan bago maging alak? Eh sa susunod na linggo na ang pista?"

"May nakatambak nang alak si Mayor doon sa maliit nilang pagawaan malapit sa ubasan. Sa katunayan nga ay hindi naman talaga nahihilig si mayor sa paggawa ng ganyan, ngayon lang ulit nabuksan iyon dahil sa pagbisita ni Teniente."

Bait on You (Military Series #1)Where stories live. Discover now