Breakfast
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan dahil sa mabigat niyang presensiya, dagdag pa ang sinabi niya. Parang iba yata ang dating ng sinabi niya sa akin, hindi ko nagustuhan ang tono niya. Ganito ba talaga pag mayayaman?
"Hindi ko po yan magagawa Teniente Zix," nakayuko kong sagot sa kanya.
"Bakit naman?"
"Dahil hindi naman po iyan ang tungkulin ko rito, nagluluto lang ako at susundin ko lamang ang utos niyo kung tungkol rin iyon sa pagluluto. Kaya pasensiya na po, I'll just excuse myself sir."
"Kung ganun ipagluto mo ako."
"P-po? Gabi na ho saka katatapos niyo lang maghapunan."
"I don't care, kung yan lang ang paraan para mapasunod kita."
Bakit ba ganito siya makitungo sa akin? Parang napaka straightforward niyang tao. Ganito ba talaga siya? Ganito ba ang mga taong lumaki sa Maynila? Hindi ako sanay sa ganyang klaseng lalaki, kadalasan kasi sa mga nakakausap ko ay paliguy-ligoy kung magsalita. O kaya naman ay ganyan lang talaga siya sa lahat kung gusto niyang makipagkaibigan. Kaibigan? Hindi naman siguro. Sa layo ng agwat namin sa buhay ay mukhang imposible namang pakikipagkaibigan ang nais niya sa akin. Baka gusto lang niya akong utusan.
"Elea! Elea!"
Napalingon ako ng marinig ang sigaw na iyon. Ng makita kung sino ang paparating ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Napansin kong pumalapit uli si Zix sa akin kaya naman ay kinabahan uli ako.
"Pupunta ka ba rito bukas?"
"Hindi ko alam, depende kung ipapatawag ako ni Mayor."
Tumango lang ito sa sinabi ko kaya naman ay ibinalik ko ang atensiyon kay Laster na papalapit na rito.
"Laster, bakit?"
"Kanina pa kita hinahanap Elea, nandiyan na si Manong Baldo—-," napahinto si Laster ng magawi ang tingin sa likod ko. Nakitaan ko pa ng pagtataka ang mga mata ni Laster ng binalik niya ang tingin sa akin saka uli kay Zix.
"Magandang gabi ho Teniente Heneral, kakausapin ko lang si Elea,"magalang na pagbati ni Laster na yumuko pa.
Walang naging reaksyon si Zix, akala ko ay hindi na siya reresponde sa pagbati ni Laster pero ng muli ko siyang tingnan ay tumango ito ngunit seryoso parin ang mukha. Tinuon ko na lamang kay Laster ang atensiyon ko dahil sa naputol nitong sasabihin sa akin.
"Naghihintay na si Mang Baldo roon sa tambakan ng mga rekados at bigas, uuwi na raw kayo."
"Ah ganun ba? Sige pupunta na ako roon kanina pa ba siya? Pasensiya na, naaliw lang ako katitingin sa mga bulaklak."
"Ayos lang Elea, nag-alala rin ako dahil baka saan ka na napunta."
Narinig kong tumikhim si Zach sa likuran ko kaya naman nabaling ang atensiyon naming dalawa ni Laster sa kanya.
"Mauna na po kami Teniente Heneral," si Laster.
Hindi na sumagot si Zix kaya naman ay sabay na kaming umalis doon ni Laster. Nilingon ko siya at ang mga mata niya'y nakapirmi pa rin sa akin kahit na naglalakad na kami papalayo. Ewan ko ba at bakit ako kinakabahan. Agad ko nalang binalik ang atensiyon sa bawat hakbang ko papalapit sa tambakan ng mga bigas. Tahimik lang si Laster sa gilid ko pero ramdam ko ang kuryosidad at pag-aalinlangan sa kanya na magsalita. Ayoko naman siyang pangunahan kaya hinayaan ko nalang. Hindi ko naman siya masisisi o kahit sino pang trabahador na makakita sa amin, kataka-taka rin iyon. Isa iyon sa dahilan kaya hindi ako komportableng kasama siya dahil baka may makakita sa aming dalawa at kung ano pang isipin. Hindi naman sa sinasabi kong mapanghusga ang mga tao rito pero ayaw ko lang talagang may marinig na kung anong masama tungkol sa akin at baka mapahiya pa ang mga taong nagpasok sa akin dito.
YOU ARE READING
Bait on You (Military Series #1)
RomanceBait on You (Military Series #1) Maria Cecilliah Dominguez ran out from her painful life, full of sufferings under the hands of her father. Sa murang edad ay nasaksihan niya ang isang kahindik-hindik na pangyayaring hindi niya inakalang magagawa ng...