Direksiyon
"Parang nagmamadali ka ata."
Agad kong inilagay ang lahat ng gamit ko sa bag pagkatapos ng huling klase ko sa umaga. May klase pa kami mamayang alas dos pero sinigurado ko nang nakaayos na ang mga gamit ko para dire-diretso na ako sa pag-uwi mamaya. Kailangan ko pang tumungo sa bahay para makapagbihis, hindi naman puwedeng naka uniporme pa ako pag punta ko roon.
"Pupunta ako sa mansyon ni Mayor Cabiles mamaya Solenn."
Nakita ko ang gulat sa mga mata nito dahil sa aking sinabi.
"Talaga? Bakit? Gusto ko ring makapunta roon Elea. Hindi naman basta-bastang makakapasok dun ang mga tulad nating di masyadong nakakaangat sa buhay eh."
"Kaya nga, at hindi naman ako makakapasok doon kung walang trabahong gagawin."
"Bakit ka ba pinatawag?" tanong nito.
"Naghahanap sila ng karagdagang tagaluto sa paparating na pista, marami-rami raw kasi ang panauhin ni Mayor at mamaya ako ang palulutuin para daw sa importanteng bisita niya. Yung teniente heneral daw," wika ko habang inilalagay pa ang huling notebook sa bag.
"Teniente heneral? Parang mataas na posisyon yan sa militar ahh. Baka nga siguro masyadong importante ng panauhing iyan para sa mga Cabiles kasi may kutsarang pilak rin sa bibig."
Nagkibit-balikat na lamang ako sa sinabi ng kaibigan. Marahil iyon nga ang dahilan, ano pa bang inaasahan mo sa mga mayayaman. Sila-sila lang naman din ang magdidikitan. Kailangan ng isa ang kapangyarihan ng isa para mas mapalawig ang yamang mayroon sila. Ganyan ang buhay, kaya kung gusto mong umangat at hindi maging alipin ng mga nakatataas habang buhay ay kinakailangan mong magsikap.
Siguro'y kasing edad lang ni mayor ang mahalagang panauhin niya o yung Teniente Heneral na tinutukoy ni Ate Tess kahapon. Baka mapili yun pagdating sa pagkain o kaya'y iba ang panlasa. Bigla tuloy akong ginapangan ng kaba sa naisip, nakakahiya naman at baka hindi nito magustuhan ang luto ko mamaya. Ayokong masayang ang ibabayad ni mayor sa akin kaya gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya para magustuhan nila ang luto ko.
"Hi Elea, free ka ba bukas?"
Palabas na ako ng room namin ng bigla akong nilapitan ni Toffer. Narinig ko pa ang saway ng mga kasamahan niya sa basketball dahil sa sinabi. Varsity si Toffer dito sa unibersidad na pinapasukan ko at isa siya sa pinakamagaling at ipinagmamalaki ng skwelahan. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil nga may itsura at mayaman din.
"Uyyy! Payagan mo na Elea."
"Oo nga Elea, matagal na yang nagpapapansin sayo."
"Payagan mo na!"
Nakita kong nakangisi si Toffer at bakas sa mga mata nito ang pag-asang sana'y maganda ang isasagot ko sa tanong niya. Hindi ito ang unang beses na may nag-aya sa akin kaya lang hindi naman ako sanay sa mga gala-gala o pagsama sa lalaki.
"Hindi ko pa alam Toffer pero baka tutulong ako sa pagbabantay ng tindahan namin bukas," sagot ko.
Aalis na sana ako dahil malapit ng mag alas tres pero nagsalita ulit ito.
"Hanggang anong oras ka ba magbabantay sa tindahan ninyo?"
"Gabi na kami nagsasara Toffer, hindi na rin ako pinapalabas kapag gabi na. Pasensiya, baka sa susunod nalang. Salamat sa pag-anyaya."
YOU ARE READING
Bait on You (Military Series #1)
RomanceBait on You (Military Series #1) Maria Cecilliah Dominguez ran out from her painful life, full of sufferings under the hands of her father. Sa murang edad ay nasaksihan niya ang isang kahindik-hindik na pangyayaring hindi niya inakalang magagawa ng...