Ride
"Ilan ba silang kakain?" tanong ko kay Bea.
"Si Teniente Zix saka si sir Ruzteir lang ate. Maaga kasing umalis si Mayor dahil may dadaluhang meeting,"tugon nito sa akin habang abala parin sa paghahanda ng kubyertos.
Umuna si Bea, dala-dala ang mga plato saka kubyertos. Pati na rin ang pitsel ng tubig ay bitbit niya. Sabi niya sa akin ay saka ko nalang daw siya tutulungan kapag naihanda na niya ang hapag, sa pagdala nalang daw ako ng pagkain sa mesa tutulong.
"Tara na ate, itong tsokolate nalang ang dadalhin ko saka pancake."
Habang papalapit ako sa malaking hapag ng mansyong ito ay para akong unti-unting ginagapangan ng kaba. Bakit ba ako kinakabahan? Normal lang naman itong ginagawa ko. Oo nga't hindi ako sanay sa pagiging serbedora pero bakit parang kung kabahan ako ngayon ay tulad ng nararamdaman kong kaba kapag sasalang ako sa mga patimpalak. Mas lalo pa akong kinabahan ng muntikan kong mahulog ang dala-dalang plato na may sweet potato toast.
"Ayos ka lang ate?"
"O-oo Bea, medyo na out of balance lang."
Nagpatuloy na ito sa paglalakad kaya sumunod na rin ako. Ng ilang metro nalang kami sa napakalaking mesa ay narinig ko ang iilang diskusyon at tawanan. Tiyak kong dalawang tao lang ang naroroon.
"Nakita mo si Steffany kanina Zix? Grabe kung makatitig sayo. Paniguradong kukulitin na naman ako nito ni Georgina kahit pa makabalik na ako ng Baguio. Tss!"
Nakita kong napailing lang si Zix dahil sa sinabi ng kasama. Ng akmang ilalagay ko na ang dala-dalang pagkain sa mesa ay biglang nagtama ang paningin namin na agad ko namang iniwas. Ng malagay ang isa pang malaking plato na may scrambled egg ay narinig kong muling nagsalita si Ruzteir, ang kaisa-isang lalaking anak at panganay ni Mayor Bernardo.
"Sayang yun, modelo pa naman. Paniguradong iinit ang ulo ng kapatid ko pag nalaman niya to."
"She's not my type."
Napatigil ako dahil sa mga katagang lumabas sa bibig nito. Ano bang mga tipo niya? Kilala si Stefanny dito sa lugar namin dahil lumaki siya sa pamilya ng mga modelo at may iilan ring kapit sa industriya ng showbiz. Napakaganda nun, naalala ko pa nga sa isang interview niya noon sa sikat na late night talk show, sinabi niyang wala siyang boyfriend at gusto niya daw yung mga tipo ng lalaking mapagmahal sa bayan at matapang dahil na rin ang papa niya ay isang pulis. Hindi ba parang pasok si Zix doon? Sundalo siya at may mataas na ranggo pa, kaya naman di malabong magkagustuhan silang dalawa. Marami ring lalaki ang nagkakandarapa kay Stefanny kaso nga lang pihikan daw. Tapos ngayong narinig ko na mukhang type nga niya si Zix ay talagang may nakita siyang kakaiba rito kumpara sa mga lalaking sumubok sa kanya.
"Wow! That's new huh. Sawa ka na ba sa mga naka fling mong mga modelo?"
Agad ko nalang inayos ang lahat pati na rin ang paglalagay ng tamang tantya ng gatas para idisenyo sa tsokolate. Inuna ko ang kay sir Ruzteir na ngayon ay tinitikman na ang toast na ginawa ko. Ng pumunta na ako kay Zix para lagyan ang tasa niya ay ramdam ko ang matalim nitong tingin na nakadirekta sa akin.
"Sadyang may iba lang akong natitipuhan rito sa bayan niyo Ruzt."
Napalunok ako sa sinabi niya kaya naman mukhang hindi ko na yata nalagay ng maayos ang gatas doon sa tasa na may tsokolate. Gusto ko ng tumungo sa kusina at umalis na rito. Ng makatayo na ako ng tuwid ay hindi na ako nag-atubiling lisanin ang hapag at dumiretso na sa kusina dala-dala ang pitsel ng gatas. Agad kong inilagay ang pitsel sa maliit na mesa saka awtomatikong napahawak sa dibdib. Bakit ba kinakabahan ako ng ganito pag nandiyan siya? Dagdag pa ang mga salitang lumalabas sa bibig niya na hindi ko inaasahan. Lagi nalang akong nagugulat sa mga kilos at pinagsasasabi niya.
YOU ARE READING
Bait on You (Military Series #1)
RomanceBait on You (Military Series #1) Maria Cecilliah Dominguez ran out from her painful life, full of sufferings under the hands of her father. Sa murang edad ay nasaksihan niya ang isang kahindik-hindik na pangyayaring hindi niya inakalang magagawa ng...