Start

2.9K 53 5
                                    


Start

Pangalan

Malungkot akong nakadungaw sa bintana ng aking kuwarto. Tanaw ko ang araw na papalubog at ang mga taong naglalakad, nagtatawanan at nag-uusap. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang inggit.

Simula pagkabata, nang mamatay ang aking mamá, hindi na ako kailan pa pinayagang umalis ng bahay. Hanggang dito lang ako sa kuwarto. Hindi naman sa malupit sa akin ang aking papá, aniya ay para naman daw ito sa kaligtasan ko. Naiintindihan ko naman ang dahilan ng aking ama kaya hindi ako nagrereklamo.

Kaya lang, habang tumatagal at nadadagdagan ang edad, unti-unti na akong nakakaramdam ng inggit sa mga taong may pagkakataon na makita ang labas. Spending my existence here in my own room sucks. Home schooled ako hanggang ngayong College. I have everything. Iyon palagi ang sinasabi sa akin ni Nana. Ang yaya ko mula pagkabata.

"Georgia.." boses iyon ni Nana.

Umalis na ako sa bintana ko at nilingon ang matanda. She smiled at me. Itinaas niya ang hawak niyang magarbong damit. Nanlaki ang mata ko doon sa pagkamangha.

Tumawa si Nana. Lumapit ako dito at hinawakan iyon. Hinaplos ni Nana ang aking mukha. "Maligo ka na para maisuot mo ito.."

Ngumiti ako ng malapad at tumango. "Ibig sabihin ba, makakalabas na ako ng kuwarto?" Natutuwa kong sambit.

Tumango si Nana. "Oo. May salu-salo na inihanda ang gobernador ngayong gabi sa mansyon. Selebrasyon iyon para sa mga nanalo sa paligsahan doon sa ibang bansa," nakangiting balita sa akin ni Nana.

Napapalakpak ako. "Salamat, Nana! Kung ganoon, mapapanood ko ang seremonya?"

"Oo naman, Georgia. Ngunit mahigpit na bilin ni Gov na huwag kang lalabas sa mansyon. May iilan siyang binilinan na guwardiya para bantayan ka, hindi naman sila lalapit sayo kung walang nangyayaring masama sa'yo. Intindihin mo na lang ang ama mo dahil ginagawa niya ito para sa kapakanan mo..."

Nahinto ako saglit. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

Minsan, naiinis na ako sa pagiging over protective ni papá. Kaya lang, pag naiisip ko ang mamá kong namatay noon dahil sa mga nakalaban ni papá sa politika, naiintindihan ko na iniingatan lang ni papá na mapahamak ako katulad ni mamá. Masyadong magulo sa politika, kapag alam nilang may isang taong disente at hindi kurakot, gagawin nila ang lahat mapaalis ka lang sa puwesto mo.

Kagaya ng nangyari sa aming pamilya. I felt bad for my mother. Kahit sa maiksing panahon na nakasama ko siya, napakabuti niyang asawa kay papá.

"Georgia, kahit kailan, huwag na huwag mong iisipin na makasarili ang ama mo. Bilin lang ito ni Georgina bago siya mabawian ng buhay. Mahal na mahal ka nilang dalawa kaya ginagawa ito ni Gov." pukaw ni Nana sa atensyon ko nang mapansin na nakatulala na ako.

Hilaw akong napangisi. "Opo, Nana. Maliligo na po ako.."

Hinaplos pa ni Nana ang aking buhok bago ako pinakawalan. Inayos na niya ang mga kakailanganin ko habang naliligo ako sa sarili kong banyo.

Gaya ng sabi ko, I already have everything that I need. Malaki ang kuwarto ko dahil mayroon na akong sariling kitchen, bathroom at walk in closet. Halos glasswall lahat ang nandito sa aking kuwarto. Inilagay na lahat ni papá ang lahat ng kailangang ilagay upang makuntento ako at hindi na kakailanganin pang lumabas.

Pero hindi talaga maiiwasan minsan ang makaramdam ng pagkasakal. Hindi ko alam kung hanggang kailan akong nakakulong dito sa napakalaking kuwarto ko. Ngunit ang balita ni Nana kanina na maari na akong makalabas ng kuwarto at makanood ng seremonya ay naisip kong unti-unti nang lumuluwag sa akin si papá.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now