Chapter 36

899 25 1
                                    


Chapter 36

Driver

"Georgia?"

Naputol ang titigan namin ni Zeid nang may tumawag sa akin. I looked around and I saw Andrei, there. Ngumisi siya at lumingon kay Zeid na iritadong nakatingin na din sa kaibigan.

"Nandito ka lang pala, Zeid?!" Bulaslas niya pa.

Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang at dumating ang isang 'to. Tinulak ko si Zeid dahilan ng pagkalas niya sa hawak sa akin.

"Fuck you, Andrei." Malutong na mura ni Zeid sa kaibigan.

It looks like Andrei is tipsy, medyo napapadalas na kasi ang pagpikit niya sa mga mata niya at nangingisi ng parang tanga. "Bro, 'di tayo talo." Aniya at humagikgik.

Umirap ako. "Papasok na ako sa loob." Paalam ko sa kanilang dalawa.

"Georgia.." masuyong tawag sa akin ni Zeid.

"Sunod kami, boss gorg!" Sambit naman ni Andrei.

Hindi ko sila nilingon. Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko habang papasok sa loob. Shit. What was that? Mabuti na lang talaga, Andrei! Hindi ko alam ang mangyayari kung nagtagal pa kami sa ganoong posisyon!

Nahanap ko ang table namin nila Elise. May kausap siya doon sa cellphone niya at mukhang iritado. Nang matanaw ako ay mabilis na binaba ang tawag at ngumisi.

"Where have you been? Hinahanap ka ni Zeid kanina." Aniya.

Umiling ako. "Nagkita na kami." Sagot ko at naupo sa tapat niya. "Bakit ikaw lang ang nandito? Don't you want to dance?"

She smirked. "Hindi ako puwedeng magpakalasing. I have a meeting tomorrow," hinilot niya ang sentido niya na para bang stress na stress siya.

"E, ba't ka pa pala pumunta dito?"

"Wala lang.." nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Nanliit ang mata ko sa kaibigan. Iginala ko ang mga mata sa club bago muling pinako ang mata kay Elise. Hmmm. Mukhang may hinahanap ang isang 'to.

"Siya nga pala, sasama ka ba sa home coming? You should come! Para kumpleto tayo!" Pagbubukas niya ng topic.

Kumunot ang noo ko. May ganoon pa ba? Mukhang nabasa ni Elise ang reaksyon ko kaya umiling siya at napabuntong hininga. Umalis siya sa kinauupuan niya at lumipat sa tabi ko.

"Hay naku, hindi mo alam? Really?"

Umirap ako. "Like, duh? Hindi naman ako doon graduated."

"Still, you're part of that event! Ano ka ba! Bakit naman sila Lily, pupunta? Naku! Isasali kita sa group cha–"

Pinigilan ko siya doon. Hindi pa naman sure kung pupunta nga talaga ako at isa pa, ayoko ng maingay sa notifications ko.

"Hindi na. Just give me the details na lang. I'll try if I should—"

"Georgia! Gosh! Where have you been? Let's dance!" Biglang dumating ang maingay at makulit na si Janice kaya natigil kami sa pag-uusap ni Elise.

I saw Clavio there. He smiled when he saw me, mukhang nagulat pa nga na nandito na ulit ako. Tinuro niya si Janice na nangingiti. "Binabantayan ko. Mahirap na.." aniya.

Tumango ako. "Boyfriend ka niya?" Nakangiti kong tanong.

"H-Ha? Hindi.. Bestfriend..lang.." nag-iwas siya ng tingin para alalayan ulit si Janice na muntik ng matumba habang nauupo sa sofa.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now